BASHA Nandito ako sa restaurant dahil tinawagan ako ni Sir Diego kahapon. May mahalaga daw siyang sasabihin sa akin. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Napapadalas kasi ang pakikipagkita namin sa kanya, nag-ooverthink na rin tuloy ako kung ano ang pakay niya sa akin. Maya-maya pa ay nakita ko na siyang papasok sa restaurant. Malapit lang naman ito sa condo ko kaya nilakad ko na lamang papunta dito. “Sir Diego–” “Maupo ka.” Putol niya sa akin nang tumayo ako para batiin siya. Naupo ako sa harapan niya. Nilapitan kami ng waiter at nag-order siya ng pagkain naming dalawa. “Kumusta ang pagbubuntis mo?” “Okay naman po, kaya naman.” Tipid na sagot ko sa kanya. “Good, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa, Basha. Nandito ako para mag-offer sayo ng karagdagang Limang milyon kung papayag ka s

