BASHA Nalibot na namin ang kalahati ng isla pero wala pa rin sa mode si Thadd. Kapag tinatanong ko naman siya kung ano pa ang iniisip niya ayaw naman niyang sabihin sa akin kaya inaya ko na lamang siyang umuwi. Derecho siya sa kuwarto samantalang derecho naman ako sa kusina. "Anak, nagluto na ako ng kalamares, yung paborito mo? May dala kasi si Dan." wika ni mama nang madatnan ko siya sa kusina. "Talaga po" excited na tinangal ko ang takip sa lamesa namin at nakita ko ngang madami ang niluto ni mama. "Naubos na yung pangatong natin kaya pinagsibak ko muna." Kukuha sana ako ng isang piraso ngunit nang madinig ko si mama ay agad ko siyang nilapitan. "Ma, puwede po bang huwag muna ninyong utusan si Dan? Nagseselos kasi si Thadd..." mahinang bulong ko. "Ang sabi niya sa akin tan

