BASHA "Sana hindi ka na lamang sumama sa akin, sana nagpaiwan ka na lamang sa mansyon kasama si Grandpa. Mas mapapaganda pa ang buhay mo at ng magiging anak natin..." sambit niya na ikinatingin ko sa kanya. Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis kami sa mansyon. Nanatili kami sa hotel habang tinatawagan ni Thadd ang mga kilala niya at connection para lamang bigyan siya ng trabaho ngunit kahit isa ay walang nagreplay sa kanya. Lahat ng card niya at bank account ay naka freeze kahit pa ang gamit naming kotse ay ipinakuha ni Grandpa. Walang natira sa kanya kundi mga damit lamang. Pati si Pingky at si Badeus ay iniwanan namin kay Aling Meding dahil ipinaiwan ni Lolo. Ang tanging natira na lamang sa amin ay damit at ang tirang pera ko sa bangko na isang milyon. "Thadd, mas

