Nagdesisyon kami na umalis ngayong araw ni Blaire, para maayos na nag loob ng condo ko. Kailangan ko kasi ng iba pang mga gamit kaya nagpasama ako sa kaniya. Good thing wala siyang pasok ngayon at hindi naman din siya busy ngayon, wala siyang choice, bawal niya akong tanggihan. Kung sa office, tatay niya ang boo niya, sa bahay, nanay niya ang boss niya, pagdating naman sa aming dalawa, ako ang boss niya. Siya ang nagsabi sa akin nun noong nakaraan. "Ano bang dapat na binibili kapag naglilipat?" Tanong ko kay Blaire. Tumitingin kami ngayon dito sa mall ng mga gamit na pwede kong ilagay sa condo ko, wala pa kasi masyadong gamit doon. Kagabi ko lang din nilipat ang mga gamit ko na nasa bahay nila Blaire. "Aba malay ko sayo, ano bang dapat na kailangan mong unahin ngayon sa condo mo?" Tign

