Walang pasok ngayon si Blaire kaya nandito siya sa studio at nanggugulo. Pinagpapahinga ko lang yung mga bata dahil nakatapos kami ng ilang steps. Pero dahil nandito si Blaire, mukhang hindi sila makakapagpahinga. Nakikipaghabulan kase itong si Blaire kaya naririnig ko ang mga sigaw ng mga bata. Ang gulo-gulo ngayon ng studio dahil sa kaniya, ang lilikot pa ng mga bata. Takbo sila nang takbo dito, akala mo bata rin si Blaire eh. Mas malikot pa nga siya ngayon sa mga bata. "Hoy! Magtigil ka nga! Pinapairal mo na naman ang pagiging childish mo." Tumawa lang siya at nakipaglaro ulit. "Baby ko oh. Nagseselos ka na ba? Ikaw pa din naman ang baby ko eh. What do you want? Aha! Pick-a-boo!" Inirapan ko lang ito. Ang laki niyang sakit sa ulo! Kapag nagreklamo parents ng mga bata kung bakit sila

