Chapter 1
"Si Fourth daw ang nakatukang trainor natin today?"
Tumambling ang puso ko bigla pagkabanggit ni Laica sa pangalan ni crush. Bigla tuloy akong napatakbo sa harapan ng rectangular built-in mirror sa loob ng kwarto namin. Hindi ako magkandaugaga sa pag-aayos ng buhok ko. Dinukot ko ang pink lips candy sa bulsa ko saka kinain, paulit-ulit na pinaraanan ng dila ang labi ko hanggang sa kumulay rosas iyon.
"'Wag ka ng mag-effort magpaganda bakla, ayaw nila sa ating mga bilasa na."
"Tsee! Virgin pa ko no."
"Ang tanong alam ba ni Fourth?"
"Pa'no naman malalaman ng ungas na 'yon e ni hindi nga ako matapunan ng tingin 'yong kipay ko pa kaya?"
"In short, ligwak ganurrn!"
Nagtawanan ang mga kasamahan ko saka isa-isang lumabas ng kwarto matapos tumunog ng serena tanda na magsisimula na ang training namin sa tabi ng dagat as spy agent with that six Bud Brothers Bosses.
Naiwan si Laica na nakataas ang kilay at nakapamewang pang tinitigan ako sa salamin.
"Baka ingudngud ni Sir 'yang nguso mo. Bawal 'yan--"
"Hindi tayo mga militar," mabilis na agap ko sa kanya. "Wala tayo sa military training camp para pagbawalan niya. Tsaka isa pa, alam naman nila kung saan tayo galing diba? Sa Club as in C. L. U. B. CLUB," in-spelling ko pa.
"Kahit na."
"Tss," inirapan ko siya. "Candy lang 'to, hindi lipstick. Lumabas ka na nga doon. Magpapa-late ako. Tingnan natin kung 'di niya pa ako mapansin."
She chuckled. "Kahit maghubad ka pa sa harapan niya hindi ka no'n papansinin. Pareho lang sila ni Boss Ryan, kinorona ang bloke ng yelo sa lamig."
I sighed. "Ok lang. . pero maganda na ba ako?"
Nakatawang pinaraanan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik pa. I'm wearing our uniform. Black sando with respective number each of us behind and black fitted leather pants. Actually may kanya-kanya kaming uniform sa bawat trainor namin at tanging si Moris lang ang nagpapasuot ng short shorts. I wonder why but who cares anyway? Bet ko ang isang 'yon. Nakikisalamuha saamin na parang katropa lang kami, mamatay ka pa kakatawa sa mga banat no'n.
"Gorgeous and sexy as always." nakangiting pinisil niya ang pisngi ko sabay talikod. Sumunod ako sa kanya palabas. "Hindi mo kailangan maghabol sa lalaki lalo na kay Sir Ralph Allen Fourth Manrique. Sooner or later parang asong naglalaway 'yon gagapang papunta sayo, trust me."
"Weee, 'di nga?"
"Hindi talaga--"
"T'ngnaMoKa!" sabay kaming napahagalpak ng tawa.
MIRACLE. . . 'yun ang dumating na grasya sa amin matapos ipasara ng anim na magbabarkadang saksakan ng gwapo na regular costumer ang Sports Club and Restaurant ni Madam Baby, shareholder at floor manager namin.
May malaking bilyaran sa labas ng resto at malawak na kainan pero sa loob ng pulang pintuan isang club na dinarayo ng iba't ibang lahing mayayamang negosyante. May mga binata, may asawa, meron din uugod-ugod na malapit ng matigok pero syempre limpak ang salapi kaya welcome iyon sa Madam namin na kung makabugaw akala mo't mga bilasa na kami at bagsak presyo na.
'Galingan niyo ang trabaho ng makarami, doon kayo bumawi.' paboritong linyahan ni Madam.
Kung terror si Miss Minchin mas nakakatakot si Madam. Mukha pa lang nito kikilabutan ka na. Patigasan na lang ng dibdib dahil kapag bumuka na ang bibig nito tila samurai sa sakit ang hihiwa sa puso mo sa talas ng dila nito.
Nag-iisa akong anak. And Dad wants me to be a businesswoman like him, a successful businessman in Asia. But I want to be someone like my mom, a super model and fashion designer na mahigpit na tinutulan ni Dad.
Tinatago din nila ako sa mga amigos amigas nila na pinagtatakhan ko. Madalas kasama ni Dad si Hugo, ang lalaking mala bagyo sa kayabangan na gusto nilang maging asawa ko. The only son and heir of the high and mighty Universal Tecs Corp. They even set the date of our engagement party without my knowledge. Ang ending, napahiya ang mga magulang ko sa business partners nila ng 'di ako sumipot.
Wala akong nagawa ng iwan nila akong mag-isa sa bahay namin sa Italy at umuwi ng Pilipinas bilang parusa sa ginawa ko. Pina-cut din nila lahat ng credit at debit card ko. Pati kotse ko kinumpiska. And just a blink of an eye, naglahong parang bula lahat ng kaibigan ko. Wala akong malapitan kahit isa ng malaman nilang wala na akong pera. Samantalang dati kung makadikit sila sa akin animoy mga linta sa higpit.
Nagmakaawa ako kay Dad and he gave me another chance pero syempre may kapalit iyon. Kailangan kong mag-aral ng Business Ad, kurso na pinili nila para sa akin. Ang masaklap si Hugo ang tagahawak ng budget at allowance ko. Hindi ko alam kung bakit subrang bilib at tiwala si Dad sa lalaking 'yon. Mukha pa lang parang 'di na gagawa ng mabuti. Sa uri pa lang ng titig na pinupukol niya sa akin parang makailang ulit niya na akong na-rape. Nakakasuka. .
Hanggang sa nabalitaan ko na lang na patay na ang mga magulang ko. Ang kwento sa akin ni Hugo niluuban ng mga kawatan ang mansyon namin at tinadtad ng bala ang katawan nila. Ayokong maniwala dahil kakatapos lang namin mag-usap ng mga magulang ko thru skype. But then the photos he show've me, the dead bodies of my parents drenched with their own blood made me numb. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinabi niya. I booked a flight going back to the Philippines right away.
Paglabas ko ng arrival area sa NAIA nagulat pa akong may sumundo sa akin. Kinuha ang mga bagaheng bitbit ko. Napasunod ako sa kanila ng may bigla na lang umakbay sa akin at sapilitan na ipinasok sa sasakyan. Tinakpan ng panyo na may masangsang na amoy ang ilong ko kaya nawalan ako ng malay. Paggising ko nasa loob na ako ng malaking kwarto na napapaligiran ng mga halos nakahubad ng mga babae. Kung nagulat ako sa lugar na kinasadlakan ko, mas nahindik ako sa magiging trabaho ko sa loob niyon. Bilang isang hostess!
"You're late, number six!" bungad ng nanlalamig na baritong boses ni Sir Fourth pagdating namin sa dalampasigan. "Pagkalakas-lakas ng serena hindi mo man lang ba narinig at pinaghintay mo pa kami?"
Number nine ako. Number six naman si Laica. Dalawa kaming late pero bakit isa lang pinapagalitan niya? Tsaka number ni Laica ang binanggit niya pero bakit ang malamig niyang mga mata nakatutok sa akin?
Nakapwesto na lahat ng mga kasamahan ko paharap sa malawak na karagatan. Nakalubog ang mga paa sa tubig dagat hanggang bukung-bukong. Nakatalikod sa gawi namin, tanging si Sir Fourth lang ang nakaharap.
"Goodluck girl. Mukhang iba ang awra ngayon ni Fourth, pumogi lalo." bulong ni Laica sa tainga ko saka dumeritso sa pwesto niya.
Kung kanina nagmamadali ako dahil ten minutes na kaming late, ngayon tila may nakagapos na kadena sa magkabilaan kong mga paa at hirap na hirap akong maihakbang iyon ng makita kong nakatayo si Crush mismo sa pupwestuhan ko. Nakasunod pa ang malamig niyang mga mata sa bawat paghakbang ko kaya naman pinaghalong kilig at nerbiyos ang sumalpok sa akin. Kilig dahil sa wakas nakuha ko din ang atensyon niya, kaso nininerbiyos ako dahil mukhang galit siya.
Nakita kong gumalaw ang adams apple niya kasabay ng pagkunot ng noo ng mapadako ang mga mata sa aking mga labi. Shet. . parang gusto ko tuloy sumayaw ng careless whisper papunta sa kanya.
"Wala na bang ikabibilis 'yang paghakbang mo number six?" sita niya.
Iningusan ko siya. "Puro ka number six, ako nga si number nine. Ganun na ba kahirap sayong kabisaduhin ang number ko, Sir?"
"You're wasting my precious time, number six!"
Malalaking hakbang na naglakad ako palapit sa kanya. Since nakatayo siya sa pupwestuhan ko, huminto ako mismo sa tapat niya. Ilang dangkal ang layo sa kanyang katawan. Nanuot sa ilong ko ang swabeng amoy ng gamit niyang pabango. Parang ang sarap matulog sa ibabaw niya. T'ngna, namamanyak na naman ako!
Pinigilan ko ang sarili kong idikit sa kanya ang mayaman kong dibdib na halos lumuwa na sa kuntodo kong pagliyad. Kung nagkataon baka makuryente siya. Sigurado tunaw ang panlalamig niya.
He didn't move kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nagsirko-sirko ang puso ko ng makita kong nakatunghay siya sa boobs ko. Saka umakyat sa aking mga labi, huminto sa aking mga mata.
"Remove your lipstick." maawtoridad niyang utos.
Umangat naman ang kamay ko sabay punas ng aking nguso saka ipinakita ang palad sa kanya.
"Did you see anything? It wasn't a lipstick Sir. Inborn na talaga 'tong mamula-mulang lips ko. Kahit lamukusin mo pa ng mga labi mo hindi 'to matatanggal."
Bigla siyang napaubo sa sinabi ko sabay baling sa mga kasamahan kong umaalog na ang mga balikat, walang boses na tumatawa.
"Do the warm up! Fifteen push up!"
Kaagad naman tumalima ang mga ito. Sunod-sunod na nag-push up. Dahil paharap sila sa karagatan, nalulublob ang mga mukha nila sa tubig dagat.
Muli niya akong binalingan.
"Ikaw, number six--"
"It's nine Sir. Number nine!" inis na sabad ko sa kanya. "Kanina ka pa six ng six e number nine nga ako. Gawin mo na lang kayang sixty nine. Iwan ko na lang kung makalimutan mo pa ako."
"What did you say?"
"Wala!"
Matagal niya akong tinitigan. Nabanaag ko pa ang sinusupil na ngisi sa kanyang mga labi pero kaagad din iyon naglaho. Dumilim ang kanyang mukha.
"Give me twenty."
"Ha? Wala akong pera."
Tinuro niya ang pwesto ko sabay gilid.
"Push up. Times two!"
Inirapan ko siya saka sinimulan ng mag-push up. Tapos na ang mga kasamahan ko kaya binilisan ko na. Naka-thirty na ako ng maramdaman kong may paang pumatong sa likod ko. Marahas ko iyon nilingon matapos kong masubsob sa tubig sa ginawa nito. Umusok ang bumbunan ko ng makita ko ang mala rebultong mukha ni Crush.
"Lower, Miss Clemente!" sigaw niya sa akin.
Nagulat ako ng banggitin niya ang apelyido ko. Hindi ko akalain na kilala niya pala ako. Sukat doon nabuhay ang dugo ko. Mabilis kong natapos ang natitirang sampung push up ng walang kahirap-hirap kahit diniinan niya pa lalo ang paa sa likuran ko.
Sunod, target shooting.
"Miss number one, four and six, ulitin niyo!" sigaw nito matapos makita ang lahat ng chart.
Kaagad naman tumalima ang tatlo. Pagkatapos tiningnan niya ulit ang mga chart nito saka tumango-tango.
Nalaglag ang puso ko ng tawagin ni Sir ang number ko saka nilapitan ang chart ko, tinanggal iyon. Pinalitan ng bago. Hindi lang iyon kundi lahat ng chart.
"Peste, anong balak ng damuhong na 'yon?"
"Opss---quit playin' games with my heart. ." chorus pang kanta ng mga kasamahan ko with matching sayaw pa.
"Before you tear us apart."
"My heart." chorus nila.
"Quit playin' games with my heart."
"I should've known from the start."
"You know you got to stop."
"From my heart," chorus ulit.
"You're tearing us apart."
"Quit playin' games." chorus ulit nila sabay tawanan.
Iniwan akong mag-isa sa kinatatayuan ko. Nagsipag gilid sila, nakangising nakatingin sa amin ni Fourth. 'Yung mga kabaro niya na tauhan din ng mga big bosses namin nakatanaw din sa amin, nanonood sa napakagandang palabas.
Shet talaga! Lucky charm ko 'yong lips candy. Kung sana'y noon pa ako bumili no'n sa grocery-han e 'di sana matagal na akong nakatikim ng luto ng. .
"Naman Fourth 'wag mo akong masyadong titigan at baka ma-rape kita ng wala sa oras--"
"Miss Clementeeee!" napapitlag ako sa lakas ng sigaw ni Fourth. "I told you to reload your gun hindi 'yong para kang tangang niyayapos 'yang baril mo!"
Napangiwi ako ng mapansin kong yakap-yakap ko na nga ang. . .t'ngna. Pagbaling ko sa mga kasamahan ko puro labas ang ngipin ng mga hinayupak. Nang mapadako ang aking mata sa mga. . . shet! Uminit bigla ang mukha ko.
Pagtingin ko muli sa kanya kaagad akong napaayos ng tayo ng makita kong naglalakad na siya palapit sa akin. Kaagad niyang hinawakan ang kamay ko pagkahinto sa harapan ko saka inayos ang pagkakahawak ko sa baril. Parang gusto kong mangisay sa kilig habang nakatitig lang sa gwapo niyang mukha.
"Done fantasizing me?" napakurap-kurap ako ng matiim niya akong tinitigan sa aking mga mata. "Now back to earth, baka kung nasa totoong bakbakan ka na kanina ka pa sinabugan ng granada."
"Agad-agad? Hindi ba pwedeng nasipa ko 'yong granada palayo kasabay ng pagtalsik ko sayo?"
"Really?"
I bit my lower lip then shook my head. "Honestly, hindi talaga ako Sir marunong humawak ng baril."
"Diba ilang ulit na kayo tinuruan ng mga kasamahan ko?" salubong ang kilay na tanong niya. "Sabi nila magagaling na kayo pero bakit--"
"Kailangan ko ng yakapsol at kisspirin Sir para tuluyan akong gumaling."
"What?"
Hindi na ako umimik. Patay malisya kong inayos ang pagkakahawak ng baril saka tinutok sa target pero kaagad din akong natigilan ng hawakan niya ang braso ko saka umikot sa likuran ko. Nilingon ko siya. Right move! Perfect sa lahat ng perfect dahil muntik ng magdaiti ng mga labi naming dalawa. Kulang na lang ilabas ko ang aking dila para matikman kung masarap ba ang mamula-mula niyang mga labi.
Bumagsak ang mga daliri niya sa pisngi ko sabay tulak no'n paharap sa target. Hinanap ng mga mata ko si Laica saka nakakagat labing nginisian ito. I heard their laugh.
"Focus Clemente," pinalo niya ang balikat ko. "Masyado kang malikot."
"Grabe, naka-focus naman talaga ako. . ." humina ang boses ko. "...sa yakap mo Sir. Pakihigpitan, please."
"Say it again?"
"Sabi ko, tama na ba ang pagkakahawak ko or--"
Hinawakan niya ang kamay ko, inayos sa pagkakahawak ng baril. Naestatwa ako ng maramdaman kong dumaiti ang mainit niyang mga labi sa tainga ko.
"If you hit me even just a little graze, will give you a torrid kiss reward." bulong niya sabay hakbang papunta sa unahan.
Gilalas na nasundan ko siya ng tingin ng magpalakad-lakad siya sa harapan ng mga target.
"The f**k--?" bigla kong naibaba ang baril at nakangangang nakatanaw sa kanya ng maproseso ng utak ko ang kanyang sinabi. "What does he planning to do?"
"Do it now, Miss Clemente!" sigaw niya.
"Seriously?" bulalas ko sa sarili. "Nababaliw na ba siya or inisip niyang masyado akong desperada na matikman his so called torrid kiss?
"What are you waiting for?!" muling sigaw niya.
I scoffed. "Ako pang hinamon mong lintik ka Crush." anas ko sabay paputok ng sunod-sunod.
Syempre iniwasan ko siyang matamaan ng bala, peste siya. Hindi ko kayang masaktan siya! Ngunit ang damuhong tila nakikipaghabulan kay kamatayan. Nagpapabalik-balik na ng takbo. Nahirapan tuloy akong patamaan ang mga target.
Ang totoo, gusto niya ba akong mahalikan or mas gusto niyang makita si San pedro?
Ibinaba ko ang baril. Bigla naman siyang huminto sa pagtakbo. Nakangising sinamantala ko ang pagkakataon. Mabilis kong pinaputukan ang natitirang target na 'di ko pa natamaan ngunit alisto din siyang tumakbo. But luckily, naunahan ko pa rin siya.
Isang target na lang ang natitira. Ang mismong chart ko. And that devil keep jogging back and forth in front of that target.
Napamura ako ng bumagal lalo ang galaw niya na halos takpan na ang target. Matagal kong itinutok ang baril sa kanya. Nakipagtitigan pa siya sa akin sabay hubad ng t-shirt. Nalaglag ang panga ko sa lupa. Halos lumuwa ang mga mata ko sa aking nakita---damn puso steady ka lang diyan!
I heard those girls giggled. Pinagpyestahan ang ulam este namumutok at pawisan na abs ni Crush. T'ngna!
Hanggang sa hindi na ako makatiis matapos kong makitang kinindatan niya pa ako, pinaputukan ko malapit sa kanyang paa. Nakita kong dumaplis ang bala sa suot niyang tsinelas. Nagulat siya sa ginawa ko sabay yuko niyon. Nang makakita akong space, kahit hindi mismo sa center ng target agad ko iyon pinaputukan.
Ang dami pang mas mahirap na training ang pinagawa sa amin ngayong araw pero malaking palaisipan sa akin ba't parang may. . . nag-iba kay Fourth? Noong mga nakaraang buwan para siyang nakasuot ng bloke ng yelo sa subrang lamig. Never ngumiti or tapunan ako ng sulyap kahit kuntodo ako sa pagpapa-cute sa kanya. Kahit nga nakasalubong ko sa daan 'di man lang ako pinapansin pero bakit ngayon parang nakikipag flirt na siya sa. . .akin?
"Oh, saan ka pa pupunta bakla?"
"May training pa tayo bukas."
"Magpapahangin lang sa labas." walang lingon-likod na sagot ko sa kanila.
"Malalagot ka kay Boss kapag nagtsek 'yon dito at--"
"Sabihin niyo nasa CR, may LBM."
Pinagkakantiyawan nila ako pero 'di ko na sila pinansin pa. Dumeritso ako sa dalampasigan. Hindi na masyadong bilog ang buwan pero maliwanag pa rin ang paligid at puno ng bituin ang langit.
Tinungo ko ang malaking puno sa gilid saka naupo sa lilim no'n. Isinandal ang likod sa katawan nito saka tumanaw sa karagatan. Thinking my parents. . ang kalunos-lunos na pagpatay sa kanila. Sigurado akong hindi lang simpleng panloloob ang pakay ng taong pumaslang sa kanila. At 'yon ang aalamin ko.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.
"Ang lalim no'n ah."
Napabalikwas ako ng tayo sa aking kinauupuan ng marinig ko ang boses ni Fourth.
"Sir, what are you doing here?"
Nginitian niya ako. Nagulat na naman ako do'n. Ipinamulsa niya ang dalawang kamay saka tumingin sa dagat.
"Wala tayo sa training site para tawagin mo akong Sir."
"Ha?"
Muli niya akong tiningnan. "You look sad. May problema ka ba?"
"Tss. Anong masamang hangin ang pumasok sa utak mo at kinakausap mo ako ngayon? Samantalang dati--"
"I can't stop myself thinking about you." sabad niya. "You really turn me on when you flirt with me."
Mapakla akong tumawa sa sinabi niya. "Kaya sinundan mo ako dito?"
Umiling siya. "Nope."
"What brought you here then? Don't tell me gusto mong makipag-usap sa akin?"
"Mas lalong hindi."
Tuluyan ng nagdugtungan ang aking mga kilay.
He chuckled at my reaction. "I just wanna give you the reward."
"Reward? What reward?"
"Torrid kiss."
"F*ck--ok ka lang?"
"NO,"
Hinatak niya ang braso ko saka isinandal sa puno. Sunod-sunod akong napalunok ng ilapit niya sa akin ang kanyang mukha. As in subrang lapit!
"My heart's hyperventilating now. May tira ka pa bang gamot diyan na kisspirin at yakapsol?" he huskily whispered.
Napabungisngis ako sa sinabi niya. "Marami," anas ko sabay siil ng halik sa kanyang mga labi.
Kaagad siyang tumugon ng buong alab.
So this is the taste of my trainor lips. Parang alak nakakalasing!
Binuhat niya ako. Ipinaikot ko naman kaagad ang aking mga binti sa kanyang bewang habang mapusok pa rin na naghahalikan na para bang kaytagal na namin 'tong ginagawa. Sabay pa kaming napadaing ng idiin niya ang kanyang harapan sa akin. It's so hard and I'm getting wet down there feeling his hard length.
"Damn it, Ivana Yara Clemente. I want to be inside you!" namamaos ang boses na bulong niya. Idiniin lalo ang kanya sa akin at marahan na kiniskis doon.
"I want you too." wala sa katinuan na anas ko.
Bumaba ang kanyang labi sa lalamunan ko, patungo sa leeg. Nakapasok na rin sa loob ng maluwang na t-shirt ko ang naglulumikot niyang kamay at magkabilaang minasahe ang dibdib ko. Itinaas niya ang damit ko saka uhaw na nilaro ng dila at sinipsip iyon. Kinalas niya ang mga hita kong nakapulupot sa kanya bewang. Sumayad ang aking mga paa sa lupa. Nangatog ang tuhod ko ng haplusin niya ang akin. Kasabay ng pagbaba ng kanyang mga labi sa tiyan ko, ibinababa niya rin ang shorts at undies ko.
Nagulantang ako ng lumuhod siya sa aking harapan.
"A-Anong gagawin mo?"
"I wanna eat you--"
"Ha?" akala ko magpopropose siya, hindi pala. "Kung nagugutom ka e 'di kumuha ka ng pagkain doon sa kusina."
Tarantang binaklas ko ang kanyang kamay na nakahawak sa short at undies ko sabay karipas ng takbo pabalik sa tinutuluyan namin. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.
Pagdating ko sa hardin saglit akong nagpahinga doon, kinalma ang malakas na t***k ng aking puso at habol na hininga.
Gusto ko siya pero. . handa na ba akong isuko ang bataan ko sa kanya ng walang katiyakan na pananagutan niya ako?
Naguguluhan na napasabunot ako sa aking buhok.
Nang makarinig ako ng mga yabag mabilis akong tumalilis. Dumaan ako sa likod ng bahay ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng malingunan ko ang dalawang nilalang na mainit na nagniniig sa gitna ng halamanan. Pigil na pigil ang mga ungol nila para 'di makalikha ng ingay.
"Harder Fourth please--ahh. . deeper. ." mahinang utos pa no'ng babae.
I felt busted. Kumirot ang puso ko sa pangalan na binigkas no'ng babae pero hindi ko hinayaang bumagsak ang namuong luha sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwalang kay bilis niya namang makahanap ng iba. Samantalang kanina. . .
Gigil na dinampot ko ang mga gapalad na bato na nakapalipot sa mga halaman. Tahimik kong nilisan ang lugar. Pero bago ako tuluyang lumiko malakas kong hinagis ang mga batong hawak ko sa bubong na yero ng waiting shed malapit sa kinaroroonan ng mga bwesit na 'yon sabay layas.
"Babaerong bloke!"
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023