CHAPTER 25

2105 Words
"I do not want my future if you are not my present." Now playing: At My Worst by Kaleigh Ivy Naramdaman ko ang ginawang pag galaw ni Sommer at paghawi sa buhok kong humaharang sa aking mukha. Hindi nagtagal ay inilapat nito ang kanyang malambot na labi sa akin, dahilan upang mapa ngiti ako ng lihim habang naka pikit parin ang aking mga mata. "Good morning lovey." Malambing na pagbati nito sa akin at muli akong ikinulong ng kanyang mga bisig. "You are the coffee and I am the bread, perfect match on a sleepy morning." Cheesy na dagdag pa niya at natawa sa sariling banat. "Hmmmm..." Isiniksik ko pa lalo ang aking ulo sa kanyang leeg at gumanti sa kanyang yakap. Ang sarap lang damhin ang mainit at malambot nitong katawan. Nakakarelax at nakakagaan sa feeling. Bakit ganon? Ang bango-bango niya parin hanggang ngayon? At mas lalo pa itong naging mabango dahil sa kumapit na kakaibang amoy sa kanyang balat. Ito ba 'yung sinasabi nilang amoy ng ano...ng ahem! Alam niyo na 'yun, ng s-s*x? "What are you thinking?" Tanong nito sa akin. Napailing ako bago napakagat sa aking labi. "Are you still thinking about what happened last night? About my...abs?" Nahihimigan ko ang pagka pilya sa tono ng kanyang boses dahilan upang agad na mang init ang aking buong mukha. "Or are you still thinking of my hands as I caress your---" Mabilis na hinalikan ko ito sa labi dahilan upang matigilan siya. At pagkatapos ay muli kong ibinalik ang aking mukha sa kanyang leeg at doon muling nagsumiksik. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Saan mo natutunan yan? Ikaw ha!" Sabay biro na sabi pa nito sa akin. Hmp! Siya nga itong kung anu-ano ang pinagsasabi tss! "Habang tumatagal kasi, nagiging bastos yang bibig mo eh." Mahinang sabi ko naman rito. At pagkatapos sabay kaming napatawa dahil sa parehong pag ingay ng aming mga sikmura. "Ugh! Pwede bang ganito nalang tayo sa maghapon?" Reklamo nito. "Ayoko pang bumangon." Dagdag pa niya. Napa pout ako. "Nagugutom na ako eh." Pagkatapos ay napa puppy eyes din. Napatingala ako sa kanyang magandang mukha. Agad naman nitong inayos ang kanyang pagkakahiga at malamlam ang mga matang tinignan ako sa aking mga mata. "I love you.." Bulong nito habang hinahaplos ang ibabang parte ng aking labi. Magsasalita pa sana ako nang basta na lamang niyang inilapat ang kanyang labi sa akin. Walang nagawa na napapikit na lamang ako sa lambot ng mga iyon at agad din na sinabayan ang pag galaw ng labi nito. Hindi iyon nagtagal ng muli niyang paghiwalayin ang aming mga kabi. "God! I can't help but taste your lips." Sabi nito habang napapakagat sa kanyang labi. Hinawakan nito ang aking baba at tinitigan ako ng diretso sa aking mga mata. "Please, be with me for the rest of my life. I want to grow old with you." Dagdag pa niya. Awtomatiko ko namang naramdaman ang kakaibang kiliti sa aking tiyan nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya. Sobrang napaka sarap pakinggan at nakakataba ng puso. Marahan na ini-angat ko rin ang aking kanang kamay at hinaplos ang kanyang mukha. Napapikit ito bago hinalikan ang likod ng aking palad. "If you want to grow old with me, of course, that is also what I want for the two of us." Sabi ko rito habang napapalunok. "Ngayon lang ako nakadama ng ganitong pagmamahal, Sommer. Hindi ko lubos akalain na darating ka ng ganito sa buhay ko. You changed everything in my life." Buong puso na dagdag ko pa at kinuha ang kanang kamay nito. "At ikaw rin ang magiging dahilan, para tumibok pa ng maraming taon ang aking puso." Sabi ko pa. Unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi at dahan-dahan na hinalikan ako sa aking noo. The softness of her lips makes my heart fluttered. It seems like she is the only cure for it. "I will not leave you alone." Sabi nito noong tuluyang inilayo na niya ang kanyang mukha sa akin. "Pangako yan." Dagdag pa niya. Napatango ako at binigyan din ito ng isang matamis na ngiti pabalik. "Thank you." Pagpapasalamat ko. "And you're always welcome, my lovey!" Kagat labing sabi pa niya bago napakindat. Pagkatapos lamang ng ilang sandali ay basta na lamang itong napabangon at tumayo, dahilan upang muling bumalandra ang hubad nitong katawan sa aking mga mata. Mabilis na napa iwas ako ng tingin at napayuko. Agad ko namang narinig ang himpit nitong pag tawa habang kumukuha ng kanyang masusuot mula sa closet. "You don't have to be shy anymore. You have tasted everything in my body last night. Every inch of it. Then that's how you will react today?" May halong pang-aasar na sabi nito sa akin atsaka napataas baba pa ng kanyang kilay. Awtomatiko naman na lumipad ang unan sa kanyang mukha, dahilan upang mapatawa ito ng malutong. "Sabi nga nila, 'Looks can be deceiving'." Tumutulis ang nguso na sabi ko sa kanya habang bumabangon na rin sa kama. Binalot ko ang aking katawan ng kumot. "And what do you mean by that?" Taas kilay na tanong nito habang nag susuot ng kanyang underwear. Napairap ako ngunit may sumisilip naman na ngiti sa gilid ng aking labi. "May kabastusan ka rin pala kasing tinatago." Tugon ko habang naglalakad patungong banyo. "Oh, well...sayo lang naman ako nagiging ganito." Sabi niya at walang sabi na hinila ang kumot na nakabalot sa aking katawan, dahilan upang mapatili ako. Hindi ko alam kung alin ang unang parte ng aking katawan ang tatakpan ko. Iyong nasa ibaba ba, o ang aking hinaharap. "A-Ano bang ginagawa mo?!" Singhal ko rito. Pero deep inside, ewan ko. Natutuwa rin ang kalooban ko. Tss! "Nothing, just enjoying my favorite view." At muli naman itong kapakagat sa kanyang labi. "H-Hoy! Diyan ka lang! Huwag kang lalapit." Pigil ko sa kanya noong makita na humahakbang na ito papalapit sa akin. Ngunit makikita sa kanyang mukha na ayaw nitong papigil. "Sommer! Isa ha!" Saway ko pa. Ngunit nagmamatigas parin ito. "What? I'm not doing anything." Pagdadahilan pa niya. "I just want to hug you, that's it. I promise." Ngunit iyong ngisi sa kanyang mga labi, iba ang ibig sabihin. Mabilis na pinandilatan ko siya ng aking mga mata. "No! Stay there." Muling utos ko at mabilis na napatakbo papasok sa banyo. Mabilis at nagmamadali kong isinara ang pinto at pagkatapos ay ini-lock. Huh! Akala niya maiisahan niya ako? Proud na sabi ko sa aking sarili. Noong makita ko ang shower ay agad na binuksan ko na ito at napapikit upang damhin ang tubig sa aking balat. Pero wala pang ilang segundo ay napapangiwi na lamang ako dahil sa hapdi na aking nararamdaman mula sa ibabang parte ng aking katawan. Sa pagitan ng aking mga hita. Sa...ahem! Basta 'yun. Ganito ba talaga kapag first time? Nagtataka na tanong ko sa aking sarili habang iika-ikang naglalakad para kunin ang towel na may dalawang hakbang pa ang layo mula sa akin. Ngunit agad akong natigilan noong natapat ako sa salamin. Namimilog ang mga mata dahil sa gulat noong makita na maraming hickey sa aking leeg pababa sa aking dibdib. What the! "SOMMMMEEEEEEEERRRR!!!!" Sigaw ko sa kanyang pangalan. Narinig ko naman ang malutong na pag tawa nito mula sa labas ng banyo. Tiyak na alam na nitong nakita ko na ang kung ano mang ginawa niya sa akin. Argh! Bad girlfriend! Hmp. ----- Sommer It's been two weeks since Ivy and I got back here in Palawan. So far, our relationship has been running smoothly. Hindi na man siya nakabalik sa Resort bilang empleyado, bumalik naman siya sa akin bilang girlfriend ko. At sa tingin ko, doon pa lamang alam kong panalo na ako. Abala man ako sa Resort, pero hindi ko naman pinababayaan ang kanyang kalusugan, lalo na ngayon na alam ko na ang kondisyon ng kanyang puso. Pinanatili ko ang regular na check-up, healthy foods at pilit na iniiwasan ang mga bagay na bawal sa kanya na pweding maka apekto sa kanyang kalusugan. I knew I wasn't perfect, but I was confident in myself that I would do everything for her. No matter what it takes. I always look forward to tomorrow with Ivy, and I can never imagine myself being alone again. Wala man akong kapangyarihan para mapagaling siya ng mabilisan, o maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman, but I am willing to give up everything I have, mabuhay lamang siya ng matagal sa aking piling. Pero minsan, hindi ko rin mapigilan ang makaramdam ng lungkot at ang matakot. Dahil paano kung bigla na lamang siyang kunin sa akin? Paano kung isang araw, pagising ko wala na siya. Sa tuwing naiisip ko iyon, sumisikip ang aking dibdib na para bang ako mismo ang mayroong sakit sa puso. So I always make every day special for her. So that she does not feel fear, sadness and despair. Gusto ko rin na maramdaman nito, na totoo ako sa mga pangako ko sa kanya. Na mananatili ako, hanggang sa tuluyan na siyang gumaling. Sana maging sapat ako para magkaroon siya ng lakas at magkaroon ng maraming pag-asang mabuhay. Hindi ko mapigilan ang mapa ngiti sa aking sarili, noong makita ang mga ngiti ng paborito kong tao sa mundo. Hindi nito napansin na papalapit na ako sa kanya kaya mabilis na niyakap ko ito mula sa kanyang likod. Noong sinabi sa akin ni Joseph na naghihintay sa akin si Ivy dito sa resort, ay mabilis ko ng tinapos ang aking meeting. Sandaling dumaan din muna ako sa isang flower shop para bumili ng bulaklak para sa kanya. "Hmmm..." Napapikit ako noong maamoy ang mabango nitong buhok na tumatama sa aking ilong. "Miss mo na naman ako?" Tanong niya. Hindi parin ako umaalis sa kanyang likuran at nananatili paring nakayakap sa kanya. "Every seconds." Sagot ko at dahan-dahan na iniabot sa ang aking hawak na bouquet ng roses. "These, are for you." Napasinghap ito nang makita ang mga bulaklak. Kumikinang naman ang mga mata na hinalikan ako nito ng mabilis sa aking labi. "Thank you." Malawak ang ngiti na pag papasalamat niya. Mataman na tinitigan ko siya sa kanyang mukha. Ngunit agad ding natigilan noong makita ang naluluha nitong mga mata. "T-Teka...hindi ka ba masaya sa mga bulaklak?" Natataranta na tanong ko kasi bakit bigla na lamang siyang naiyak? Napailing ito pero hindi nagsasalita. "Eh ano?" Tanong ko pa. "M-Masaya ako." Sabay yakap nito sa akin. Napatawa ako ng mahina at marahan na kumalas sa kanyang yakap. Hinawakan ko naman siya sa kanyang magkabilaang balikat. "May masaya bang umiiyak?" Natatawa na wika ko pa. Napansin ko ang lihim na paghawak nito sa kanyang dibdib, pati na rin ang pag kunot ng kanyang mga noo. Iyong parang may biglang kirot na naramdaman. Inalalayan ko siya sa pag upo sa isang silya. Mabuti nalang at mahangin dito sa dalampasigan. "First time ko kasing makatanggap ng bulaklak." Pag amin niya. Namimilog naman ang mga matang mapatitig ako sa kanyang mukha dahil sa gulat. "F-For real?!" Hindi makapaniwala na tanong ko. "Eh ano palang ibinibigay sayo ni Prince dati?" "Mm-mhmm.." Napatango siya. "Hindi siya mahilig magbigay ng bulaklak." Muling pag-amin nito. Napabuga ako ng hangin sa ere. "Uhmmm...a-ayos ka lang ba?" Pag-iiba ko ng usapan noong mapansin na parang nahihirapan parin ito sa pag hinga. Mabilis na itinago niya ang kanyang nararamdaman sa likod ng kanyang mga ngiti. "O-Oo naman." Utal na sagot nito. "Ayos lang ako, ano ka ba? Hehehe." Sandali akong na tahimik. "Uhmmm...Ivy?" "Hmm?" "Let's find a heart donor for you." Basta na lamang iyong lumabas sa mga labi ko. Natigilan ito at pagkatapos ay basta na lamang nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. "Sommer--" "Please." Pakiusap ko. "Ayoko ng nakikitang nahihirapan ka. So, please...lemme find a heart donor for you." Napailing siya. "Hindi pa naman 'yun kailangan ngayon eh." Napapikit ako ng aking mga mata. "Do you remember what I said I wanted to grow old with you? I really want that to happen, Ivy." Pag amin ko at tinitigan siya ng maigi sa kanyang mukha. "And I'm not kidding." Dagdag ko pa. "We will look for a heart donor, and we will get married." Gulat ang mga mata at napapalunok na muling nag-angat ito ng kanyang mga mata sa aking mukha. "A-Ano?" "Yes, and you heard me." Seryoso na ako ngayon. Ayoko ng hintayin pa na may mangyaring masama. Bago maging huli ang lahat. "Pero..." "No buts, no ifs. We will get married once we find a heart donor." Muling ibinuka nito ang kanyang labi ngunit wala kahit isang salita ang muling lumabas sa mga iyon. Kaya alam kong sa mga sandaling ito, pumapayag na siya sa kagustuhan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD