CHAPTER 30

2043 Words
"Making a lot of memories with you is my way of showing the beauty of the world. And because that is what you deserves." Now playing: I Don't Want To Miss A Thing Ivy Natapos na namang muli ang isang linggo. At sa loob ng isang linggo na iyon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang mamalagi sa loob ng bahay. Araw-araw din ang pagbisita sa akin ng papa ni Prince para sa aking everyday check-up. Hindi ko man ipinapahalata, hindi man ako nagsasalita, pero alam ko kung saan na patungo itong buhay ko. Ngunit mas pinipili ko na lamang ang maging malakas para sa mga taong mahal ko. Para sa mga taong never akong sinukuan, sa mga taong hindi napapagod na intindihin ako at pati na rin ang sitwasyon na meron ako. Lalo na kina mama at Sommer na patuloy parin na minamahal ako sa kabila ng pag papabigat ko sa kanila. Hindi rin ako manhid para hindi malaman o maramdaman na pahirap na ng pahirap ang sitwasyon ko, dahil maging ako, sa sarili ko nararamdaman kong nanghihina na ako. Lalo na ngayon na napapadalas ang pag atake ng aking puso. Hindi ko mapigilan ang mapahawak sa aking dibdib habang mag-isang nakaupo rito sa duyan, sa isang Childrens Park malapit sa bahay. Pahina na kasi ng pahina ito, hindi na nagiging normal ang kanyang pagtibok. Kaya ang sabi ng papa ni Prince, hindi na kakayanin pa ng aking puso ang isang matinding gamutan. Ang kailangan ko ay isang heart transplant, kung saan kailangan pa naming maghanap ng tao o ng pamilya na willing ibigay ang kanilang puso sa akin. At saan naman kaya kami makakahanap ng heart donor ko? Sino ba naman ang matinong tao ang basta na lamang ibibigay sa iba ang kanilang puso? Hindi ba? Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng pagak sa aking sarili habang iniisip ang bagay na iyon. Kung maghihintay naman ako ng himala, mukhang malabo pa iyon sa sabaw ng pusit na mangyari. Hindi ko mapigilan ang mapahinga ng malalim bago napatingala sa kalangitan na ngayon ay punong-puno na ng mga nagkikislapan na bituin. Hindi ba pwede na mamuhay nalang ng masaya rito sa mundo? Hindi ba pweding puro nalang saya at wala ng kalungkutan? Bakit kailangan pang may mahirapan? May magdusa at masaktan? Bakit ang unfair ng mundo kung minsan? Ang unfair ng mundo para sa mga katulad ko na gusto lang namang maranasan pa ng matagal, kung gaano kasarap mabuhay? Bakit? Ang dami-dami kong katanungan na hindi naman dapat at alam kong wala namang kasagutan. Gustong manisi ng iba pero hindi naman iyon tama dahil wala namang may gusto sa nangyayari sa akin. Kaya ang ending? Syempre, magiging thankful nalang ako na nagigising parin ako sa bawat umaga. Na kahit papaano eh binibigyan parin ako ng pagkakataon na makita si mama, lalo na si Sommer. Hindi ko mapigilan ang makaramdam palagi ng matinding kalungkutan sa tuwing nakikita ko si Sommer. Alam kong nahihirapan na rin ito nang dahil sa akin. Halos wala na itong tulog palagi at pahinga, hindi siya tumitigil sa paghahanap ng magiging donor ko. Hindi siya sumusuko. At dahil doon, nasasaktan ako. Dahil hindi naman talaga nito deserve ang mahalin at alagaan ang useless na katulad kong sakitin. Mas deserve niya ang magmahal ng babae na ang hatid sa kanya ay palagi lamang kaligayan, hindi katulad ko, dahil palagi nalang kalungkutan at awa ang nakikita ko sa mga mata niya, samahan mo na rin ng takot dahil anumang oras ay pweding may mangyari sa akin. Tanggap ko na, na mawawala ako sa mundong ito. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit napaaga naman yata masyado dahil wala pa akong naaabot na pangarap. Wala pa akong nagagawa o kahit makabawi man lamang kahit konti sa aking ina. Naging sakin nga ang babaeng dati ay pinapangarap ko lamang, pero ito naman ang naging kapalit. Agad din naman pala akong kukunin sa kanya. Ang sakit...Ang sakit naman nito Lord, bakit naman po ganon? Mabilis na pinunasan ko ang luhang tumutulo sa aking mga pisngi habang napapahikbi. Kahit na para na akong tanga rito, eh ayos lang. Gusto ko lang kasing mapag-isa at ilabas ang lahat ng ito ng walang sino man ang nakakakita. Ayokong ipakita kay Sommer na nagkakaganito ako, dahil alam kong madudurog na naman siya. "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Rinig kong sabi ng kilala kong boses mula sa aking likuran. Agad naman na, nabahala ako dahil baka namamaga na naman ang aking mga mata dahil sa pag-iyak. "K-Kanina ka pa ba riyan?" Tanong ko sa kanya habang nakayuko. Lihim na nananalangin na sana ay hindi nito mapansin ang aking mga mata. Hindi ko narinig na sumagot ito sa aking katanungan. Sa halip ay basta na lamang siyang naupo sa aking harapan at ako naman ay parang isang bata na kanyang sinusuyo. Marahan na hinawakan nito ang aking mga kamay, habang ang isa naman nitong kamay ay ini-angat ang aking baba para mas makita nito ng maayos ang aking mukha. Hindi ko parin magawang tignan siya sa kanyang mga mata. Natatakot kasi ako na baka bigla na lamang na muling tumulo ang aking mga luha. "Look at me." Mahina ang boses na wika nito. "Please?" Dagdag pa niya kaya walang nagawa na sinunod ko na lamang din siya. "Sommer, hindi mo na sana ako sinundan pa rito..." Tugon ko sa kanya. "Hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang talagang mapag-isa." Pag-amin ko pa. "Did you know you have been here for over two hours? Of course, I will follow you because I am already worried about you." At heto na naman po siya. "Sommer--" "At isa pa, ayoko ng umiiyak ka ng mag-isa. Ayaw na ayaw kong nakikita kang umiiyak ng mag-isa." Putol nito sa akin. Dahil sa sinabi nito ay kagat labi na muling napa yuko ako bago napalunok. Hindi na ako nakasagot pa dahil kahit naman ilang beses pa akong mag sinungaling sa kanya eh alam parin nito ang totoo. Sandali kaming natahimik pareho, habang patuloy naman ang pag ihip ng malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aming mga balat. Kahit gabi na eh, napakaliwanag parin ng paligid dahil sa maliwanag na sinag ng buwan. Napa sulyap ako kay Sommer na ngayon ay naka upo parin sa aking harapan, kulang nalang eh lumuhod na siya dahil sa malapit na siyang mangalay. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito noong magtama ang aming paningin, dahilan upang mamula ang aking mga pisngi. Hmp! Muli akong napayuko habang pinipigilan ang nagbabadyang pag ngiti. Ngunit agad din na muling nag-angat ng paningin nang bigla ko na lamang siyang narinig na kumakanta. 'I could stay awake just to hear you breathing Watch you smile while you are sleeping While you're far away and dreaming' Hindi ko mapigilan ang mapalunok dahil sa lyrics ng kanta. Simula pa lamang iyon pero tumatagos na sa puso. Alam ko kasing may ibig sabihin ang mga iyon. Lalo pa iyong the way tumingin si Sommer sa akin. Nagsusumamo ang mga mata niya. Nakakapang hina iyong mga titig niya. 'I could spend my life in this sweet surrender I could stay lost in this moment forever Every moment spent with you is a moment I treasure' Sa hindi malamang dahilan ay kusa na lamang pumatak muli ang aking mga luha. Akala ko ba, hindi siya kumakanta? Akala ko ba ayaw niyang kumakanta? Eh bakit ang ganda at ang lamig din ng boses niya? Pero alam kong kinakanta niya ang kantang ito para talaga sa akin. Para sa amin. Sa aming dalawa. She wanted to say that I still had to fight. She wants to say that everything will be fine as well. Na kahit anong mangyari ay hindi siya mawawala sa aking tabi, na mananatili siya gaano man kahirap ang sitwasyon na meron kami. 'Don't want to close my eyes I don't want to fall asleep 'Cause I'd miss you baby And I don't want to miss a thing 'Cause even when I dream of you The sweetest dream will never do I'd still miss you baby And I don't want to miss a thing' Damang-dama ko ang damdamin na gusto niyang iparating sa akin. Kahit sa pamamagitan lamang iyon ng kanta. Kahit sa pamamagitan lamang iyon ng kanyang mga mata. Mas lalong bumuhos pa ang aking mga luha nang basta na lamang niya akong hilain para tumayo at alukin ng sayaw. "Dance with me, lovey." Malambing na sabi nito. Mag poprotesta pa sana ako ngunit huli na ang lahat dahil nakatayo na kaming dalawa, habang nasa magkabilaang balikat na nito ang aking mga kamay. 'Lying close to you, feeling your heart beating And I'm wondering what you're dreaming Wondering if it's me you're seeing Then I kiss your eyes And thank God we're together And I just want to stay with you in this moment forever Forever and ever' Parang pinupunit ang puso sa mga sandaling ito noong bigla na lamang gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata. Mabilis man niya iyong naitago ay napalitan naman ng pagluha. Alam kong nalulungkot siya. Alam kong nasasaktan na siya ng sobra nang dahil sa akin. "S-Sommer.." Hindi ko napigilan na banggitin ang pangalan niya at aabutin pa sana ang kanyang pisngi upang punasan ang kanyang luha nang siya na mismo ang gumawa 'non para sa kanyang sarili. 'I don't want to close my eyes I don't want to fall asleep 'Cause I'd miss you baby And I don't want to miss a thing 'Cause even when I dream of you The sweetest dream will never do I'd still miss you baby And I don't want to miss a thing' Nagpatuloy parin siya sa kanyang pagkanta habang isinasayaw ako sa ilalim ng buwan. Nalulungkot man pareho ang aming mga puso, pero ramdam ko parin at nangingibabaw parin ang pagmamahal na meron kami para sa isa't isa. At ito, itong mga sandaling ito ang isa sa mga bagay na hinding-hindi ko makakalimutan, ito ang bagay na alam kong dadalhin ko saan man ako mapunta. She does not take her eyes off me. As our tears continue to flow. 'I don't want to miss one smile And I don't want to miss one kiss And I just want to be with you Right here with you, just like this And I just want to hold you close I feel your heart so close to mine And just stay here in this moment For all the rest of time' Hanggang sa matapos ang kanyang pagkanta, noon din natapos ang aming pag sayaw. Mabilis na niyakap ko siya at ganoon din ito sa akin. Matagal na walang gustong magsalita sa amin, parehas lamang naming dinadama ang init ng katawan ng bawat isa. "I'm so scared, Ivy. I am so scared of losing you." Pag amin nito. Ngayon ko lamang narinig na sabihin niya iyon sa akin. Naramdaman ko ang mas mahigpit na pagyakap nito sa akin. Marahan na hinagod ko ang kanyang likod. "Hindi mo kailangang matakot. Hindi ako mawawala sayo, okay?" Tugon ko. "I know. Because I will not let anything bad happen to you. So I did not stop until I found the answer to our problem." Naguguluhan na kumalas ako mula sa yakap. Agad naman na may inabot itong isang pahina ng papel sa akin. Dahan-dahan na kinuha ko iyon, binuksan at sinimulang basahin. HEART DONOR LIST? "A-Anong ibig sabihin nito?" Nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya. "At b-bakit may mga..may mga pangalan na nandito?" Naka ngiti at naluluha ang mga mata na tinignan niya akong muli. Marahan na hinawakan ng dalawa nitong kamay ang aking magkabilaang pisngi. "That means you have potential heart donors. So you do not have to worry anymore, because you can start a new and normal life that you always dreamed of." Noong marinig ko ang sinabi nito ay talagang napatalon ako para yakapin siya. Bigla akong nabuhayan ng loob at nagkaroon ng maraming pag-asa. Kung umiiyak man akong muli ngayon, iyon ay dahil tears of joy. Sino ba naman ang hindi maiiyak dahil sa ibinalita nito sa akin, hindi ba? At lahat ng iyon ay nang dahil kay Sommer. Lubos akong nagpapasalamat sa Maykapal dahil binigyan niya parin ako ng pagkakataon at binigyan nito ng katuparan ang panalangin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD