"Sometimes the strongest people in the morning are the people who cried all night."
Now playing: Sa Kabilang buhay
Ivy
Tahimik at napakalamig ng paligid. Iyon ang pakiramdam ko habang unti-unti kong iminumulat ang aking dalawang mga mata.
Pakiramdam ko rin ngayon, naka lutang ako sa mga ulap. Para bang biglang gumaan ang aking dibdib. Wala na iyong dating kirot na aking nararamdaman. Wala na akong bigat na pinapasan.
Namataan ko ang kulay puting kisame, habang naaamoy ko naman ang pamilyar na amoy ng buong paligid. Amoy ng matapang na uri ng alcohol.
Dahan-dahan kong iginala ang aking mga mata, hanggang sa magtama ito isa-isa sa mukha ng mga taong nandito sa loob ng isang silid, kasama ko.
Hindi ko napigilan ang mapa-ungol noong maramdaman ang pagka uhaw. Dahilan upang mapatingin silang lahat sa akin, halatang nabunutan ang mga ito ng tinik sa lalamunan at napa hinga ng maluwag.
"Thank God! You're awake!" Nabuhayan ng loob na sambit ni Breeze kung saan nakaupo sa gilid ng aking kama, bandang kanan. Katabi nito ang kanyang asawa na si Catherine.
Nasa kaliwang banda naman si Adriana at ang asawa rin nito na si Rae na halatang mahimbing pang natutulog habang nakasandal ang ulo sa pader.
"I'm gonna call her doctor." Agad naman na sabi ni Lila at mabilis na lumabas ng kuwarto. Agad naman itong sinundan ng kanyang asawa na si Sarah.
"How's your feeling?" Worried ang mga mata na tanong ni Aerin sa akin. Nasa likod nito ang kanyang asawa na si Billy.
"Tubig.." Mahinang sambit ko. "Gusto ko ng tubig." Halata na wala pa akong lakas dahil kahit magsalita, hindi ko magawa ng maayos.
"Here." Mabilis akong inalalayan ni Adriana para bumangon at iniabot sa akin ang isang basong tubig.
"T-Thank you..." Pagpapasalamat ko pagkatapos at muling iginala ang paningin sa paligid. Agad naman nilang nakuha ang ibig kong sabihin.
"Umuwi muna si Ms. Demers para kumuha ng ilang damit na pamalit." Paliwanang ni Breeze. "But don't worry, natawagan na siya ni Cath kaya tiyak na pabalik na siya ngayon dito." Dagdag pa niya.
Napatango ako. "Gaano ako katagal na walang malay?" Tanong kong muli.
"Five days." Tipid na sagot ni Catherine.
"F-Five days?!" Gulat na bulalas ko. Ganoon ako katagal na walang malay? Napatango silang lahat.
Sandali akong na tahimik at sa wakas ay nagkaroon na rin ng lakas ng loob para itanong na...
"S-Si Sommer?" Sandali silang natigilang lahat atsaka napatingin sa isa't isa. Nagtataka naman ang mga mata na sinuyod ko sila ng tingin.
Sa totoo lang, sobrang na disappoint ako at nalulungkot na hindi siya ang unang tao na nakita ko ngayon.
"She's...waiting for you." Hindi makatingin sa akin na sagot ni Adriana.
"She can't come here. She doesn't even want to go because...s-she is afraid to see you in that condition." Pagpapatuloy naman ni Billy. "Mabuti naman at okay kana. Pinag-alala mo kaming lahat." Bago siya nagpakawala ng malungkot na pag ngiti.
"G-Ganon ba..." Wika ko. "Kaya ba namumugto ang mga mata ninyong lahat? Dahil sa akin?" Dagdag na tanong ko pa dahil kanina ko pa napapansin na lahat sila, pati na rin ang lumabas na mag-asawang Lila at Sarah ay namamaga ang mga mata.
Napatango silang lahat, maliban kay Breeze na seryoso lamang ang mga mata na nakatingin ng diretso sa akin.
Tila ba mayroong tumatakbo sa kanyang isipan na hindi ko mabasa kung ano. Mukha rin siyang galit at halatang sasabog na ang kung ano man ang totoo nitong nararamdaman.
"Actually Ivy, the truth is...." Natigilan siya sandali at napatingin kay Adriana. Nagkatitigan sila na para bang may pinagtatalunan sila at nag-uusap lamang sa pamamagitan ng kanilang mga mata.
Napahinga siya ng malalim at muling ibinalik ang mga mata sa akin. "I need you to listen very carefully." Seryoso parin ang mukha na sabi nito.
"Stop it, Breeze!" Maawtoridad na saway ni Adriana. Pero halatang ayaw niyang pakinggan ito. Noon naman nagising si Rae.
"Dahil sasabihin ko ang totoo, tungkol kay Sommer." Pagpapatuloy ni Breeze. "You deserve to know the truth." Dagdag pa niya.
"Yes, she deserve to know the truth pero hindi ngayon. May panahon para---"
"At kailan pa, Adriana. Huh?!" Biglang pagtaas din ng boses ni Breeze. "I will tell her the truth, whether you like it or not. Isipin mo nalang sana ang mararamdaman niya kung ikaw ang nasa kalagayan niya." Natigilan at natahimik si Adriana sa sinabi nito.
Dahilan rin para makaramdam ako ng kaba na hindi ko pa naranasan o naramdaman kailan man.
"A-Anong totoo? Anong tungkol kay Sommer na kailangan kong malaman?" Kinakabahan at nanginginig ang mga labi na tanong ko.
Awtomatiko akong pinag pawisan ng malamig at masasabi ko rin na namumutla na ako ngayon, habang hinihintay ang susunod na salitang bibitiwan ni Breeze.
At pagkatapos nga ng ilang sandali, isang napakasakit at nakakadurog na balita ang sinabi nito. Isang balita na hindi ko inaasahan na maririnig sa oras ng pagising ko. Isang balita, na ayaw kong paniwalaan dahil alam kong hindi iyon ang totoo.
"Noong gabi bago ang inyong kasal, noong nawalan ka na ng malay, nagmamadali siya para lamang makarating sayo kaagad and...s-she had an accident." Parang bigla akong nabingi sa sinabi niyang iyon. Hindi ako makagalaw at tila ba binalot ng napakalamig na hangin.
"Halos sabay lamang kayong isinugod at dumating ng ER. Sabay isinagawa ang inyong operation. Pero..." Natigilan siya sandali para punasan ang sariling luha. "Pero masyadong...masyadong critical na ang condition ni Sommer. At that time, during your operation, your donor did not continue donating her heart and her family decided for that. Kaya kinailangan ng puso para sa iyo dahil kung hindi...you know what's going to happen next." Pagpapatuloy niya.
"We know Sommer was a brave woman. But that time, she gave up. She gave up her life. Maybe because she knows you need to live more. So the doctors as well as Sommer's parents immediately decided. They do not hesitate to give you the heart of their daughter, because for them, para kana rin nilang anak. Kaya...kaya..." Parang nahihirapan pa siyang bitiwan ang susunod na guatong sabihin.
"Kaya ngayon, dala-dala mo ang puso ni Sommer." Pagpapatuloy ni Rae.
Sunod-sunod ang luhang pinakawalan ko habang napapatakip na lamang sa aking bibig para pigilan ang sarili sa pag ngawa sa kanilang harapan.
Agad na napahawak ako sa aking dibdib na ngayon ay mayroon ng malaking tahi dahil natapos na ang aking operation.
"Hindi...." Umiiyak na wika ko habang napapa iling. "Hindi yan totoo." Dagdag ko pa. Ayoko silang paniwalaan. Hindi totoong wala na si Sommer!
"S-Sabihin niyong hindi yan totoo, na nagbibiro lang kayo. S-Sabihin niyong nananaginip lang ako at hindi talaga ito totoong nangyayari!" Nanghihina ang aking buong katawan. Pakiramdam ko, inuubos ng kalungkutan ang naiiwan na lakas na meron ako.
"Adriana..." Mabilis na napakapit ako sa kanyang braso habang nakatingin ito ng matalim kay Breeze. "Sabihin mo, hindi totoong wala na ang pinsan mo. SABIHIN MO!" Sigaw ko sa huling sinabi.
"P-Please..." Pag mamakaawa ko sa kanya.
Napayuko ito para salubungin ang mga tingin ko. Kusa na lamang naglaglagan ang kanyang mga luha sa pisngi at nasasaktan ang mga mata na hinawakan ako sa kamay.
"S-She's gone...Ivy." Lumuluha na sambit nito. "She gave her life and her heart for you. And I'm so sorry..." Napapahagulhol na sambit nito na agad naman inalalayan ni Rae habang lumuluha na rin.
Nooooo! Alam kong panaginip lamang ito. Hindi ko ito matanggap. Kahit anong gawin ko, ayaw tanggapin ng aking isipan na hindi ko na muling makikita pa si Sommer. Iyong mga ngiti niya na palaging nagpapagaan ng loob ko, iyong boses at mga tawa niya...hindi ko matanggap na hindi ko na maririnig ang lahat ng iyon.
Siya lang ang kailangan ko eh. Kahit na ano pa ang balita na narinig ko. Umaasa parin ako, na sa paglabas ko ng hospital na ito. Mukha niya at mga yakap niya ang sasalubong sa akin.
Paano ako magpapatuloy mabuhay kong ang taong gusto kong makasama ay wala na? Kaya hindi. Hindi ko kailangang paniwalaan ang mga sinasabi nila. Alam kong hindi ito totoo. Buhay pa siya. Buhay pa si Sommer at magkikita pa kami. Ikakasal pa kami. Iyon ang pangako namin sa isa't isa eh.
Pero...natapos nalang ang araw na paghihintay ko, walang Sommer ang dumating para dalawin ako sa hospital. Walang Sommer ang sumalubong sa akin hanggang sa tuluyan na akong makalabas. Wala ng Sommer ang tumatawag sa akin, para kumustahin ang araw ko, para sabihin lamang na miss na ako.
Habang tumatagal ang araw, parang gusto ko ng maniwala na wala na talaga siya. Na tuluyang ibinigay na nga nito sa akin ang kanyang puso. Lalo na ngayon, ngayon na sakay ako ng private plane nina Breeze na biyaheng Manila. Kung saan, ang sinasabi nilang nakaburol si Sommer.
Para akong isang kandila na unti-unting nauubos, walang oras, minuto, araw at gabi na hindi ako umiiyak. Halos kulang nalang, lumuha na ako ng dugo.
"We're here." Putol ni Adriana sa malalim kong pag-iisip. Sinundo kami ng kanilang mga tauhan, mabuti nalang din at kasama ko si mama ngayon.
Panay rin ang pag-iyak nito dahil sa nangyari. Araw-araw, sigurado akong namimis na rin nito si Sommer, siguradong nangungulila na rin siya para rito.
Parang pinipitpit ng paulit-ulit ang aking dibdib habang naglalakad papasok kung saan nakaburol si Sommer. Napakalakas ng pintig ng aking puso na halos wala na akong ibang marinig.
Natatakot din ako, at pinanghihinaan ng loob. Parang ayaw ko nalang ituloy ang paghakbang, hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang aking makikita o hindi.
Ngunit, basta na lamang nag-unahang muli sa pagpatak ang aking mga luha. Noong makita ang malaking litrato nito na nakalagay sa may entrance. Pati na rin ang kanyang pangalan na mayroong nakasulat na... 'In loving memory of Sommer Mendoza...'
Pilit akong napapahinga ng malalim, para kumuha ng kahit konting lakas pa ng loob. Nanlalabo ang aking paningin dahil sa sobrang pag luha. Inalalayan ako ni Adriana hanggang sa tuluyang makarating sa kanyang harapan, kung saan siya wala ng buhay na nakahiga. Para siyang natutulog lamang, para lang siyang nagbibiro at biglang babangon para sabihin na 'It's a prank, lovey!' pero hindi. Wala na talaga siya. Hindi na siya humihinga pa.
Awtomatiko akong napahagulhol noong makita ko ang kanyang mukha, lalo na ang suot nito na dapat ay suot niya sa aming kasal. Nanlalambot ang mga tuhod na napa upo ako sa sahig. Wala akong pakialam kung may ibang tao pa ang nandito ngayon.
Ang sakit-sakit. Bakit kailangan pa itong mangyari sa amin? Parang hindi ako makahinga. Paulit-ulit kong sinasaktan ang aking dibdib. Ang aking sarili. Hindi ko rin mapigilan na sisihin ito.
"Sommer, bumangon kana dyan. Please!! 'Yung suot mo, hindi yan para dyan, para yan sa kasal natin!" Niyakap ako ni Adriana ng mahigpit, habang lumuluha rin ito.
"Bakit siya pa? Pwede namang ako nalang. Ako nalang sana, bakit?" Patuloy lamang ako sa pag luha. Pakiramdam ko, walang salita ang anumang makakatanggal ng sakit at pait na nararamdaman ko ngayon. Walang anumang yakap ang makakapawi ng mga luha ko.
Bakit kailangan niyang ibigay ang isang bagay na hindi ko naman kailangan mula sa kanya. Ang sakit. Ang sakit sakit lang!!
"Sabi mo...sabi mo sabay tayong tatanda. Magpapakasal pa tayo, diba? Sabi mo sabay natin tutuparin ang mga pangarap natin. Sasamahan mo ako sa pagtupad ng mga pangarap ko. Paano ko magagawa yun kung wala ka na? Bumangon kana Sommer, please. Hindi na nakakatuwa. Nasasaktan na ako oh! Ang sakit-sakit na.." Parang tanga na pakiusap ko sa kanya kahit na hindi naman na niya ako naririnig.
"Imaging a life without the one you love is not only difficult but also painful. But you have to be strong, Ivy." Rinig kong sabi ni Adriana habang hinahagod ang likod ko.
"Alam kong masakit, pero kailangan mong tanggapin. Kailangan mo siyang i-let go. Alam ko ang nararamdaman mo dahil naranasan ko rin iyan. Minsan na rin akong nawalan ng taong minahal ko rin ng lusuban. Pero...everything happens for a reason. She have a reason." Dagdag pa niya.
Sana nga, sana nga ganoon lamang kadali na tanggapin ang lahat. Sana nga, ganoon lamang kadali na mabura ang sakit at kirot sa aking dibdib. Pero hindi eh, nawala siya nang dahil sa akin. Dahil ibinigay niya ang buhay niya sa akin.
She literally did everything for me, she literally gave her life for me. At ang pinakamasakit sa lahat, iyong nabuhay nga ako, pero nawala naman siya. Paano ako mabubuhay? Paano ako magiging masaya? Kung araw-araw maiisip ko na ang puso na dala-dala ko eh nanggaling sa kanya. Dapat, para sa kanya.
Hindi ko na alam ang gagawin. Parang mababaliw na ako.
Paano ako magpapasalamat sa pangalawang buhay na ito, kung ako naman ang dahilan kaya hindi ko na makikita pa ang taong pinakamamahal ko...