Chapter 10 Suhol
Kinaumagahan ay nagising si Marion sa higaan na mag-isa. Pinakiusapan niya si Rick na huwag silang magtabi kagabi at lilipat si Marion ng guestroom. Pumayag naman si Rick pero hindi na siya pinalipat ng kwarto. Si Rick na ang lumipat. Hindi naman na sila nagtalo kagabi, marahil ay hinayaan na siya ni Rick dahil napansin nito na talagang bothered siya. Hindi naman sa ayaw ni Marion katabi si Rick, gusto ni Marion ito. Gustong gusto! Kaya lang ay nangangamba siya na baka nga biglang may mangyari sa kanila. Ano pa nga ba ang gagawin ng isang babae at isang lalaki sa isang kwarto at magkatabi?, Hindi malayong walang mangyari.
Lumabas si Marion ng kwarto at kinatok si Rick, pero walang sumagot. Binuksan ni Marion ang pinto dahil baka nasa banyo lamang ito. Pero walang tao sa kwartong iyon. Bumaba na si Marion at nakasalubong ang isang kasambahay na nakilala na nya kahapon.
“Hello po Nanay Sita, magandang umaga. Si Rick po nasaan?” tanong ng dalaga
“Magandang umaga naman iha. Umalis na si Rick at may kailangan daw siyang asikasuhin, hindi na nga nag almusal at sa office na daw. Ibinilin ka niya sa akin na handaan ka ng almusal. Halika na” sagot naman ng kasambahay.
“Ganun po ba Nanay Sita?, Sige po susunod na po ako. Tatawagan ko po muna si Rick.
Pumanhik muna si Marion sa Kwarto at tinawagan si Rick. Sinagot naman agad ito ng Binata.
“Hello, ang aga mo namang umalis at iniwan mo pa ako. Akala ko ba ako ang bodyguard mo? Diba dapat kasama ako sa lakad mo lagi. Parang wala naman yata akong kwentang Bodyguard kung ganun. Nakaalis na ang amo ko, tapos ako tulog pa.” wika ni Marion kay Rick
“Hindi naman sa ganun. Alam ko kasing pagod ka at may kailangan lang akong asikasuhin.” sagot naman ni Rick
“Asikasuhin?, ano naman ang aasikasuhn mo ng sobrang aga?, baka naman nambababae ka lang, o may kasama ka ngayon” sabi naman ni Marion. Huli na para mabawi ni Marion ang sinabi at narealized nya na parang ang dating ay nagseselos siya.
“Honey… nagseselos kaba?” panunukso ni Rick “Wala akong babae, may shipping lang na kailangan kong matignan ng personal.. Ikaw lang ang babae sa buhay ko honey” pahabol pa ng binata.
“Ang kapal! hindi ah.” depensa ni Marion. “Yun naman pala eh, eh di mas dapat na kasama mo ako, baka mamaya may mga kalaban diyan, Don’t get me wrong, hindi sa nag aalala ako, masisira ang record ko bilang Agent pag may nangyari sa iyo!” pagtanggi pa ng dalaga. Pero ang totoo ay nag aalala talaga siya.
“Sige , ganito na lang. Magkita na lang tayo sa opisina. Sabihin mo na girlfriend kita o asawa para makapasok ka. Ibibilin kita sa sekretarya ko. Pero mga 11 ka na pumunta, at baka matagalan ako dito. Sabay na tayo mag Lunch. Huwag ka na din magdala ng Lunch, ipapahanda ko na rin iyon sa Sekretarya ko” pahayag ni Rick
“Okay, i will see you sa office mo, bye...uhmmm, Ingat dyan” sagot ni Marion
“Thanks, ingat din later. See you honey” Binaba na ni Rick ang tawag.
Sa isip ni Marion “Parang ang bagal lumipas ang oras. Parang nasasabik na akong pumunta sa opisina si Rick. Totoo ba yung sabi ni Rick na magpakilala daw ako na girlfriend o asawa nya? Kinikilig ako. Ano ang sasabihin ko...girlfriend?, asawa? Siguro Girlfriend na lang. Kasi alam naman ng lahat na binata pa si Rick at baka pagkamalan akong stalker o baliw ng mga taga doon.”
Pumili lamang siya ng casual na kasuotan. Dressy shirt and jeans with white Gucci Shoes. for the bag, ang dala nya ay ang kanyang Gucci saddle bag na kasya ang isang maliit na baril. Hindi uubra ang all black na lagi niyang suot sa mga misyon. Para hindi na rin mahalata. Naglagay lang din siya ng powder at konting lip and cheek tint.
10:30am na ng umalis siya ng bahay para on time o mas maaga siyang makarating sa opisina. Ang kanyang Porsche pa rin ang kanyang dala, saka na nya gagamitin ang ibang sasakyan doon kapag na customize na ayon sa gusto niya. Kailangan kasi na ang sasakyan na laging dala niya ay mag naka-install na GPS trackers at compartments for guns, etc. Para laging handa. Kahit na tambangan man sila, ay madaling makatawag ng tulong, malaman ang locations at hindi mauubusan ng armas.
Nai-park na ni Marion ang sasakyan at pumasok na sa building. Itinuro naman ng guard ang Reception para mag log in at ma assist na rin kung saan ang opisina ng President na walang iba kundi ang kanyang honey.
“Hi Miss, I am here to see the President, Mr. Richard Del Rama.” sabi ni Marion sa Receptionist.
“May appointment ka ba?” walang galang na sabi ng Receptionist. Mukhang maarte ito at mataray. Nakataas pa ang kilay
“No, but he is expecting me, I am his girlfriend” sagot naman ni Marion
Tumawa pa ang Receptionist “Lumang tugtugin na yan Miss, malabo na ikaw ang girlfriend ni Mr. Del Rama… I should know, malayo ang itsura mo sa mga type nya. Siguro stalker ka nya. Please lang, umalis ka na at baka tumawag pa ako ng guard” pagtataray ng Receptionist
“Ganun ba miss?, Tell me, ano ba ang type ng isang Rick Del Rama” tanong ni Marion na nanatiling mahinahon. She won’t let this b***h ruin her mood, lalo at excited pa naman siyang ipagkalat sa buong building na siya ang girlfriend ni Rick, kahit peke
Sasagot na sana ang Receptionist ng May dumating na isa pang babae. Namumukhaan ito ni Marion. Isa ito sa mga na link kay Rick. Isang Model.
“Like her!” sagot ng receptionist kay Marion na tinuro pa ang padating na babae.
Hindi muna umalis si Marion dahil gusto niyang mapagmasdan ang Model at kung papapasukin ba ito ng Receptionist.
“Hi Miss Tanya, may appointment po ba kayo today?” biglang galang ng Receptionist.
“Hi my favorite receptionist!” bola ng Model na si Tanya daw “ Wala akong appointment, i just want to see Rick., ay oo nga pala , i have something for you. Galing Milan yan!” may inabot ang model sa receptionist na isang maliit na paper bag.
“Wow Miss Tanya, thank you, sige, akyat na po kayo” wika naman ng Receptionist
Hindi makapaniwala si Marion na nasusuhulan pala ang receptionist na ito, paano na lang kung kalaban pala ang aakyat, delikado si Rick. this receptionist needs to go! As soon as possible.
“Ang galing naman, suhol lang pala katapat mo!” ngiting aso na sabi ni Marion sa Babae
“Wala kang pakialam, umalis ka na nga! tatawag talaga ako ng guard.” pananakot ng Receptionist
Lumakad palayo si Marion dahil ayaw nya ng eskandalo. Huminto siya malapit sa exit at kinuha ang phone. Tinawagan nito si Rick.
“Hello honey” sagot ni Rick
“Hi honey, may tanong ako sa iyo…” panimula ni Marion “Bulletproof ba ang windows ng office mo dyan sa taas?”
“Yes honey, bulletproof nga. Bakit mo naitanong?” wika ni Rick
“Kasi honey, baka pumunta ako sa kabilang building, tapos mag gli-glide ako at babasagin ko ang windows mo para maka rating ako dyan kung saan ka man naroroon. So since bulletproof yan, sasakay na lang ako ng helicopter , tatalon at sa rooftop na lang ako dadaan. Ayaw kasi akong papasukin ng Receptionist na nasusuhulan ng iba mong bisita”’ pahayag ni Marion
Natawa si Rick sa sinabi ng dalaga “Grabe naman honey, grabeng entrance naman yun, pang pelikula!” sagot ng binata
“Kaya nga honey eh, so...bababa ka ba para sunduin ako dito ? O itutuloy ko ang second or third option? Bilisan mo honey, medyo badtrip pa naman ako. at oo nga pala. Umalis ka agad dyan at iwasan mo ang 3rd elevator, nandoon si Tanya. Sinuhulan lang ang receptionist mo, pinapasok na. Ipapacheck ko din ang surveillance dito, baka may nakapasok na ring kalaban.” wika pa ng dalaga
“What! that’s not good. I will get that receptionist fired as soon as possible honey. At huwag mo alalahanin si Tanya, she is nothing to me. Pababa na rin ako” sabi naman ni Rick
“I don’t care about that Model, just hurry” huling sagot ni Marion bago binaba ang tawag.