Heirloom Ring

1482 Words
Chapter 9 Heirloom Ring Nag empake na ng mga gamit si Marion, hindi mawala sa kanyang isipan na feeling nya ay parang magsasama o mag lilive-in na sila ni Rick. Naglagay din siya ng mga sexy lingerie...just in case lang naman! Pipikutin na ba ng dalaga si Rick?! Ay, possible yun. Pero mas maganda kung galing kay Rick ang pang aakit, hindi na masyadong nakakahiya sa part ng dalaga. Nagdala din siya ng baril at mga bala at iba pa.  Si Rick naman ay naghanda na rin para umuwi . Hinihintay nito ang dalaga ngayon sa living room at taimtim na iniisip kung paano mapapasunod ang dalaga sa mga plano nya. Buo na ang kanyang pasya , kailangang maging asawa nito si Marion, the Dragon Wife. Yes, asawa at Hindi lang girlfriend. It's a win-win situation for him. Good for him, good for her Mom and family, good for the organization. At isa pa, hindi na nya aalalahanin ang kaligtasan nito. Ang Mom nya kasi ay kailangan may nagmomonitor at security. Sinabi lang nila ng Dad nya na regular security and bodyguards lang ang mga ito just for safety reasons. at kung sakaling mag yaya man ang Mom ni Rick na umalis kasama si Marion ay ligtas na ligtas ang kanyang Mom. At higit sa lahat, boto ang buong pamilya kay Marion, Less headache and drama.  Hindi rin nya proproblemahin kung pera lang ba ang habol ng dalaga dahil may kaya na sila Marion at napalago na nito ang kanilang business. Marion is really the complete package. His Sugar and Spice Dragon wife. Pasakay na sila sa sasakyan na dala ni Rick ng nagsalita si Marion. “Rick, gusto ko sana sa motor ko sumakay, susunod na lang ako. convoy tayo” “Ipapadala ko na lang sa tauhan ko, nasa bahay daw ngayon sila Mom, baka makita ka nila na nakamotor at magtaka” sagot ni Rick “Ganoon ba, hindi mo naman sinabi agad, magpapalit lang ako ng damit ko” sabi naman ni Marion. Naka all black kasi siya, malayo sa itsura na laging nakikita ng Tita Pamela nya. “Oo nga pala, dapat mula ngayon ay honey na talaga tawagan natin, Try mo lang, para masanay ka na. Mamaya lang makakaharap na natin sila Mom. Please honey...” pahayag ni Rick sa dalaga “Okay, okay…. honey…” sagot ni Marion sabay kindat. Nagulat din siya na nagawa nyang iyon. May kindat pa. “Much better” ngumiti naman si Rick kay Marion. At deep inside, talagang tumalon ang puso ni Rick sa kindat na iyon. Nakapag palit na si Marion ng mas girly na pananamit. Nagdala na rin siya ng handbag at doon nilagay ang kanyang baril.  “Rick,  hindi ko na pala dadalhin ang motor sa Bahay mo, yung Porsche ko na lang. Iiwan ko yung pick up truck at motor ko. Mas hindi mahahalata” wika ni Marion “I am thinking the same thing honey. Madami ring sasakyan sa bahay, pili ka lang. Or , if you want, I can buy you a new one. And you forgot to call me honey” sagot ni Rick “I’m sorry honey. Okay na? sabi ng dalaga “ Kasi...ho-honey.., may special compartment ang mga sasakyan ko na may nakalagay na mga baril or weapons just in case. Pag kukunin naman ng tauhan mo mamaya, mag aalarm dito at hindi aandar ang sasakyan ko, dahil may voice activation yan. Kaya convoy pa rin tayo.” dagdag ng dalaga “Is that so, okay sige. Let’s go, sa sasakyan mo ako sasakay at mauuna na itong sasakyan na may mga gamit sa bahay." wika ni Rick “Okay, kaya mo na ba mag drive? o ako na?" tanong ng dalaga “Ako na, para ma drive kita, i mean, para maipag drive naman kita. Kagabi mo pa ako pinag dridrive eh.” sagot naman ng binata Natawa na lang si Marion sa narinig at hindi na nag sungit.  Nakarating na sila sa bahay ni Rick at doon ay naghihintay na ang mga magulang. Nagulat si Marion at nandoon din pala ang parents niya. “Mommy, Daddy! What are you doing here? tanong ni Marion “Anak, your Tita Pamela invited us, We are now preparing lunch para sa ating lahat. At may mahala tayong pag uusapan ” pahayag ng Mommy ni Marion “Marionette anak, suportado namin ng Mommy mo itong biglaang pagsasama ninyo ni Rick. Do not worry about us, hindi kami nagagalit.” wika naman ng Daddy ni Marion “Po?, magsasama po?...” takang sagot ng dalaga “Yes honey, nabanggit ko na sa parents natin na hindi na tayo bumabata, at nasa tamang edad na tayo kaya magsasama na tayo” pahayag ni Rick  Sa isip ni Marion “Ang kumag na lalaki, hindi man lang ako inorient sa nangyayari. At ang magsasama na kami? Santisima! Kailangan ko maging mahinahon.” Bumuwelo si Marion at nagsalita. “Pasensya na po kayo…” yumuko pa ang dalaga “Wala kang dapat ipag pasensya anak. Boto kami kay Rick at masaya kami na sa wakas ay mag aasawa kana” masayang wika ng Daddy ni Marion (Tinamaan talaga ng magaling, Mag aasawa na ngayon.--sa isip ni Marion) Pinaalam muna ni Rick si Marion para maipakita at maihatid ang mga gamit sa kanilang kwarto, yes, Kwarto nila. Hindi na nagulat si Marion sa sitwasyong iyon. Magsasama daw sila eh, alangan namang sa ibang kwarto siya matutulog, siyempre kasama ang binata. Pumasok na sila ni Rick sa Kwarto. Malaki ang kwarto at may King size bed. “Rick, huwag mo sabihing magtatabi talaga tayo?!” wika ni Marion “Yes, honey. 24 hours tayo dapat magkasama.” sagot ni Rick “You are really out of your mind, paano kung...kung...shit!” hindi na maituloy ni Marion ang gustong sabihin.   Alam na din ni Rick kung ano nga ba ang gustong sabihin ni Marion. Ito ay kung baka may mangyari sa kanila na ginagawa ng isang magka relasyon. Pero pilyo itong si Rick. “You mean, s*x? kung may mangyari sa atin? ngising sabi ng lalaki “Forget it!, just make sure… make sure… Ah! Damn’it” hindi talaga kayang pag usapan ni Marion iyon. Oo, alam niya iyon theoretically only, she is inexperienced. Sa madaling salita, Virgin! “Don’t worry, walang mangyayari. Unless mag initiate ka, lalaki lang ako. Sino ba naman ako para tumanggi.” pang aasar pa ni Rick “Ang kapal naman ng mukha mo!, bumaba na nga tayo” inis na sabi ni Marion “Wait lang sandali honey” lumapit si Rick sa dresser at may kinuhang maliit na kahon doon. Isang singsing! “Here, suotin mo ito. This is a family heirloom. Owned by my grandma, passed to my Mom. Ngayon ikaw naman ang magsusuot. Kaya sana pakiingatan” Napanganga si Marion, Saya at lungkot ang kanyang nararamdaman. Masaya siya sa nangyayari ngayon na para bang totoong engaged at magiging mag asawa na sila ng pangarap nya at mahal nya. Lungkot dahil sa sitwasyon. It’s all fake. “Sigurado ka ba dito. Importanteng bagay ito Rick!” “Honey…, it’s honey. It’s fine, alam ko namang iingatan mo ito” sinuot na ni Rick ang singsing sa palasingsingan ni Marion. Perfect Fit, like it is really meant for Marion. “I will honey…” sagot ni Marion Tumulong na lang si Marion sa kanyang Mommy Claire at Tita Pamela sa pag hahanda ng panaghalian. Ang kanyang Daddy, Tito Theodore at Rick naman ay nasa likuran malapit sa pool nakaupo at nag uusap. After a while ay tinawag na ang mga ito at kakain na ng lunch. Magkatabi si Rick at Marion ng upuan. Nagulat pa si Marion ng paglagyan siya ng pagkain ni Rick. Tinukso naman sila ng kanyang Tita Pamela. Masaya silang nagkukwentuhan at napunta naman sa kasal. “Iho, kailan kayo magpapakasal?” tanong ng Daddy ni Marion kay Rick “Sa lalong madaling panahon sana anak ha!” Singit naman ng Mom ni Rick Tumigil sa pag subo si Rick at nagsalita. “ Opo, mas gusto rin namin ni Marion na sa lalong madaling panahon. Kaya... Mom, Mommy Claire, pwede po bang tulungan nyo kami ni Marion sa aming gaganaping engagement?” pahayag ni Rick “Aba! siyempre naman Rick anak, I am so excited!” bulalas ng Mom ni Rick “Walang problema iho, consider it done!” ayon naman sa Mommy ni Marion Hindi na nagulat si Marion. Bago pa man sila naupo kanina sa hapagkainan ay napag usapan na nila ito. Na hindi na maiiwasan ang mga ganitong pangyayari. Kung saka sakali mang ikakasal talaga sila ay magiging fake ito. Si Rick na rin ang bahala daw sa lahat at walang masasayang na pera si Marion. Ayos naman kay Marion, pero sana totoo..sa loob loob ni Marion
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD