Still

1627 Words
Chapter 3 Still Papunta ngayon si Marion sa mansion ng mga Del Rama. Siya ang inatasang mamahala ng mga flower arrangements dahil Birthday Celebration mamayang gabi ni Mrs. Pamela Del Rama, ang tawag niya dito ay Tita. Ni-request talaga siya ng kanyang Tita Pamela. Hanggang Ngayon ay kasundo pa rin nya ito kahit na ilang taon na rin hindi nagkita dahil nasa malayo si Marion doing her missions. Minsan nga ay napag uusapan  nila si Rick. Ikinu-kwento din ni Mrs. Del Rama ang mga kalokohan ni Rick, pagiging playboy nito at binabangit din na siya ang gusto nitong makatuluyan ng anak. Tumatango tango lang naman siya, pasok at labas sa kabilang tenga lang, lalo na ang mga bagay tungkol kay Rick na ayaw niyang marinig lalo na ang pagiging babaero nito.  Nag aayos si Marion ngayon ng flower arrangements sa may bandang garden ng may tumikhim sa kanyang likuran. Hindi na niya kailangan lumingon, dahil pabango pa lang nito ay kilala na nya. Hindi  ito pinansin ni Marion. Tumikhim ulit ito at nagsalita. “Ehem, Hi Marion… “ Bati ni Rick kay Marion. Hindi pa rin ito pinansin ni Marion at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Nagsalita ito muli. “Marion naman, hanggang ngayon ba, galit ka pa din sa nangyari 15 years ago? Kantyaw bata lang naman yun. Kalimutan mo na.” sabi ni Rick “Okay” simpleng sagot ni Marion. Hindi naman sa dahil ayaw nya ito kausap. Wala lang talaga siyang maisagot sa sinabi ni Rick “Alam mo, siguro totoong may gusto ka sa akin, kaya ganun na lang ang tampo mo. Baka naman hanggang ngayon ay gusto mo pa rin ako?” wika ni Rick na wari mo ay nag iinis pa “Wala akong gusto sayo!” tumingin na sya kay Rick. For the first time in 15 years, ngayon lang ulit sila nagkatinginan sa isa’t isa. Biglang may kung anong kiliti at kaba na naramdaman si Rick sa tingin ni Marion. Ngayon lang niya napag tanto na maganda pala ang mata ng dalaga. Mayroon siyang naramdaman na hindi mawari. He lost his cool and words “What?! Cat got your tongue?” sarkastikong wika ni Marion kay Rick “Well, that’s good to know! Saka, gusto ko lang din na malaman mo na huwag mo na lang pansinin si Mom sa kakareto sa atin. Hindi mangyayari un. Wala rin akong kahit na konting gusto sayo. And let us be civil with each other too, at least dahil mukhang I will never get rid of you because my Mom likes you.” pahayag ni Rick at umalis na. Hindi iyon ang gustong sabihin ni Rick. Lumapit talaga sya rito para makipag ayos, pero parang nadagdagan pa ang hidwaan ng dalawa. Ewan ba nya. Napailing na lang si Rick…at gustong batukan ang sarili. Parang overboard siya dun ah. Bigla kasi siyang nataranta sa mga tingin ni Marion eh! Medyo na shock naman si Marion sa narinig. For the second time, she got hurt emotionally… by the same Freakin guy. She feels like crap right now! Nagmamadali niyang tinapos ang ginagawa at umuwi na. Pinapabalik siya ng kanyang Tita Pamela para sa party itself later at inaasahan daw sya nito. Tumango na lamang siya at hindi na nagsalita dahil baka tuluyan ng lumabas ang nararamdamang sama ng loob. Nakauwi na siya sa kanyang bahay. Pagkababa pa lang niya ng sasakyan ay biglang tumulo ang luha sa kanyang pisngi, umangat ang kanyang kamay at pinunasan ito. Tumingin siya sa kanyang daliri na may bahid ng luha. Ang sabi nila, ang isang pangyayari o sitwasyon ay hindi na mababago pag nangyari na, pero ang kaya mong baguhin ay ang kung paano mo ito haharapin. Ang  attitude mo towards it. Magmumumuk kaba?, o accept it and move on. And for the Longest time she chose to forget about it. But his time is different. Bakit hindi niya mapigilan masaktan? Nagtataka siyang napaisip, “Hanggang ngayon ba ay si Rick pa rin ang laman ng puso ko? It’s been 15 years already for F**k sake. Dahil ba sa kanya kaya hindi ko magawang magkagusto sa iba? Punyetang pag ibig yan kung ganoon.” Tumingin sa kalangitan si Marion. “Please, if anybody or whoever can hear me, Universe, please , kailangan ko na siyang kalimutan. Hanggang kailan ba to? Kailangan mawala ang kung ano mang tinatak ni Rick sa aking puso at isipan. He is not worthy of me. Para naman maka move on na ako at makahanap or magkagusto sa iba. Kahit ganito naman ako katigasin,  I want to feel loved too. I want to be kissed, touched, claimed by someone who is going to be special to me. That person do not have to be perfect, pero kailangan mahal ko. And in order for me to love again, kailangan mawala muna siya sa systema ko. Hindi ko naman siya pwedeng patayin dahil lang sa feelings ko.  Please , i beg you universe…” Flashback Bata pa lang si Marion ay magaling na siyang mang stalk at magsaliksik about sa katauhan ng isang tao. She is weird, aminado siya. Una niyang nakilala si Rick noong sila ay nasa Kindergarten pa lang. Suki ng Mommy ni Marion ang Mom ni Rick , kaya naging magkaibigan ang mga magulang. Not to mention na sa iisang village lang sila nakatira. It is an Exclusive Village na mangilan ngilang pamilya lamang ang nakatira. Karamihan ng nakatira doon ay mga business people at politicians. Pero dahil nga weird siya ay hindi sila naging friends ni Rick. Iba ang kanilang circle of Friends. Sa iisang school lang din sila ni Rick nag aral hanggang high school. Naramdaman ni Marion na nagkakagusto na pala siya kay Rick noong siya ay 14 years old. Sinusundan niya ang binata kahit saan man magpunta ng hindi nahahalata. May mga stolen shots din sya ng lalaki na naka display sa kanyang kwarto. Ginawan pa nya ito ng collage at  parang bulletin board na ito sa sobrang dami. Her prized possession!  One day, habang summer vacation ay napadaan si Marion sa Mansion ng mga Del Rama para at least baka masulyapan niya si Rick dahil namimiss na nya ito nang may nakita syang matandang babae na parang nahihilo at may dalang bilao. Mag dedeliver daw ito ng kakanin sa mga Del Rama. Tinulungan ni Marion ang babae, binuhat ang dala at siya na ang nag ring ng bell sa may gate. Bumukas ang gate at bumungad si Rick, kasama ang mga barkada nito at may mga kasama ding mga babae. Palabas ang mga ito na parang papunta sa Village clubhouse. “Aba si Marion ito ha!” Sabi ng isang mukhang maarteng babae. “Naghihirap na ba kayo ngayon at naglalako ka na ng kakanin ha Marion?” Tawanan ang Lahat “O baka naman, umaarte ka at gusto mo lang makita si Rick, para paraan ba girl?. Huwag masyado pahalata na obsessed ka” sabi naman ng isa pang babae. “Sa bagay, sino ba naman ang hindi magkaka crush kay Rick…” tinignan pa ng malanding babae si Rick ng malagkit. Tawanan ulit lahat. Si Rick ay tumatawa din na parang disgusted ang itsura. Nasaktan siya sa nakitang reaksyon na yun. Kaya nyang tanggapin ang tawa ng iba, pero hindi ang kay Rick. May naramdaman syang awa at galit sa kanyang puso sa puntong ito. Yumuko na siya at hindi  na makatingin sa mga ito sa sobrang pagkapahiya.  Inipon nya ang kanyang lakas ng loob, hindi maaari ito! Magsasalita na sana si Marion ng dumating ang Mom ni Rick.  “Ay nandyan na pala ang order ko… Iha , Marion, nandito ka pala…” masayang sabi ng Mom ni Rick nang makita si Marion.  Ngumiti lang si Marion “Opo Ma’am, tinulungan po ako ng batang ito, nahilo kasi ako. Mabuti at nasalo nya ang dala ko” pahayag naman ng matandang babae “Talaga?, naku..ang bait bait talaga ng batang ito, halina sa loob… halika rin sa loob iha, na miss kita” yaya ng Mommy ni Rick “Huwag na po Tita, nagkataon lang talaga na nakita ko si Manang habang nagbibike ako” sabay turo sa bike nito. “ Uuwi na po ako, baka hinahanap na ako ng Mommy ko” paalam ni Marion Simula ng araw na iyon, hindi na nya pinansin o tinignan man lang si Rick. Sinunog rin ni Marion ang mga larawang kuha nya dito. Naging malamig na rin siya at hindi na masyadong pakikipag halubilo sa mga tao. Sa tuwing prom ay lagi nya sinasabing may sakit siya para hindi na sya maka attend  dito. Noong debut naman nya ay hidi sya pumayag na mag party, ang nirequest nya na sila-sila na lang. But her 18th birthday was special, dahil ang regalo sa kanya ng kanyang parents ay isang Birkin bag. Alam ng parents niya na mahilig siya sa Bag at isa ito sa kanyang gustong mabili someday.  Napansin naman iyon ng kanyang Mommy na mukhang umiiwas sa mga party si Marion, Kinausap siya ng kanyang Mommy at dinahilan na lang ni Marion na parang may anxiety siya sa mga Party. Nagulat ang magulang at siya ay pina therapy pa. Wala naman nagawa si Marion kundi umattend ng therapy, kung hindi buking sya. Nag act naman sya na she is better na after a few sessions. Hindi maiiwasan na isama siya ng kanyang Mommy kina Rick, lalo at magkaibigan ang mga magulang. Umabot ng Limang taon din bago nawala ang kanyang pagkailang sa tuwing nasa mansion ng mga Del Rama. Kung nasa iisang kwarto o lugar man sila ni Rick ay hindi na niya ito tinatapunan ng kahit na sulyap, lalo na ang kausapin ito. Never! End of flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD