Possessive

1376 Words
Chapter 4 Possessive She needs to shake it off! Babalik pa si Marion sa party mamaya at kailangang hindi halata na may hinanakit sya. Kailangang taas noo pa rin si Marion. Nagawa nga nya ito ng  ilang taon. Ngayon pa kaya.  After a few hours, Okay na si Marion at dahil nga hurt sya, kailangan niyang magtodo paganda sa gabing iyon. Kung dati ay simple lagi ang kanyang cocktail dress, ngayon ay bobonggahan niya. Marami ang magiging bisita. Malay niya na baka matagpuan na niya ang kanyang forever! Walang bahid ng weak and hurt Marion ang makikita ng mga tao. Nakatanggap siya ng message galing sa mga magulang na nasa mansion ng mga Del Rama na sila. Sinagot naman  ito ni Marion na Papunta na siya. Nakarating na si Marion sa Party. Ito ay isang Formal party at hindi basta basta ang mga bisita. She is Wearing a red sweetheart style mermaid gown na nakakapag accentuate ng kanyang figure. Mind you, she has the figure of Scarlett Johansson. Light makeup, foxy eyes, and red lipstick. Ang buhok nya ay inayos nya ayon sa old hollywood style. Kaya nagmukha siyang fusion ni Marilyn Monroe at Elizabeth Taylor na may mas mahabang buhok.  Classic beauty yet sexy. Impeccable, kung isang word lang to describe her. Lahat ng nadadaan niya ay napapalingon sa kanya…lalo na ang mga kalalakihan. Sa hindi kalayuan nakapwesto si Rick at iba pang Business associates niya at mga friends. Bigla na lang nagsalita ang isa nitong kaibigan. “Mama Mia…” nakanganga pa ito habang nakatingin sa isang babae sa  hindi kalayuan Na curious naman si Rick kung sino ba ang tinitignan ng kaibigang businessman. Napanganga din si Rick ng napagtanto nito na wala itong iba kundi si Marion! Inabot ng kanyang kaibigan ang hawak nitong baso na may alak sa kanya at lumapit sa Dalaga. Pinanood na lang ni Rick itong lumakad. Gusto nya itong pigilan, na Hands-off at off-limits ang dalaga, pero Bakit? Diba nga parang binasted niya pa ito kanina, ngayon Hands-off. Karma agad? Hindi napigilan ni Rick na lumapit din dito. Aktong magkakamayan na ang dalawa ng sumingit siya. “Marion, tawag ka ni Mom” sabi ni Rick na. Pero hindi naman talaga ito tinatawag ng Mom nya, dahilan lang ito “Ah ganun ba, Sorry ano.. What's your name again?” tanong ni Marion sa lalaking nakipagkilala “I’m Dave, but before you go, can I have your number? Pahabol ng lalaki “Sorry Dave, we are in a hurry, I will give it to you later” singgit ni Rick at hinila na si Marion palayo sa lalaki “You are so rude” komento ni Marion kay Rick habang palayo sila “Tsk! “ tanging sabi lang ni Rick Nahanap na nila Rick at Marion ang Birthday Celebrant.  “Happy birthday po ulit Tita”, wika ni Marion sabay Beso “My God iha, you look so gorgeous.. Bagay na bagay talaga kayo ni Rick” masayang sabi ni Mrs. Del Rama “sige Rick, isayaw mo muna si Marion..go!” sabi pa nito “Let’s go” hinila na rin si Marion ni Rick Nakarating na sila sa dancefloor. Nilagay ni Rick ang kanyang kamay sa Bewang ni Marion, wala ng nagawa si Marion kundi ilagay na rin ang kanyang kamay sa balikat ng binata. Nagsasayaw na ang dalawa pero wala pa ding nagsasalita sa mga ito. Hindi rin sila nakatingin sa isa't isa. Natapos na ang music at dinala na ni Rick si Marion sa isang table. Nakita ni Rick na papalapit ulit ang lalaki kanina na si Dave, Balak yatang isayaw ang dalaga pero maagap si Rick. hinila nya ang dalaga palayo. Nakakatawa dahil parang binabakuran na ni Rick si Marion. “Ano ba?!, kanina kapa hila ng hila ah, bakit ba?” puna ni Marion kay Rick “Tsk, pasalamat ka na lang sa akin, dahil alam mo ba yung si Dave, Playboy yun. Nilalayo lang kita doon!” dahilan ni Rick “So?, pwede ba ha, wala kang pake. At kaya ko ang sarili ko” sabi naman ni Marion “I am just protecting you” sagot naman ni Rick “Ang why is that?” tanong ni Marion “Eh baka malagot ako ay Mom, binilin ka niya sa akin. So please lang, stay with me” pahayag ni Rick. iyon lang ang naisip ni Rick na idahilan. Hindi nga rin alam  ni Rick kung bakit all of the sudden ay naging possessive siya kay Marion. It make sense na ibilin siya ng kanyang Tita Pamela sa anak nito, what doesn’t make sense is Rick complying… sa isip isip ni Marion “You know what, uuwi na lang ako, I am tired also. Magpapaalam lang ako kay Tita at Tito , pati na rin sa parents ko . Para rin ma enjoy mo itong party. I do not want to be a burden to you.” wika ni Marion “You are not a Burden. That is not what i meant…” sagot naman ni Rick “Whatever, i’m going home” wika ulit ni Marion “Ihahatid na kita” sagot ulit din ni Rick “For the Love of God , Stop! I am going home alone, hindi mo ako ihahatid! You will stay here Jerk!” medyo matigas at pinal na sabi ni Marion Nanigas lang si Rick na parang natakot sa boses ni Marion. Wow! He never knew that she has an authoritative way of speaking. Marion keeps on surprising him today… Nakauwi na si Marion sa kanyang bahay. From Hurt kaninang hapon to Badtrip ngayong gabi. Parang gusto nyang ibuhos ang nararamdaman ngayon. Nagbihis na sya at nagbura ng make up. Pupunta muna sya sa firing range at magpapaputok ng baril. Ilang araw na rin siyang hindi humahawak nito. Nagsuot lang siya ng black sando with leather jacket , black ripped jeans and a combat boots. Nagdala lang si Marion ng hunting knife dahil marami namang baril sa firing range. Kinuha ni Marion and susi ng kanyang motor at umalis na. Naka ilang magazine si Marion bago makuntento, gumaan nga ng konti ang kanyang pakiramdam. Pwede na siguro siyang umuwi. Habang pauwi ay naisipan nyang dumaan muna sa bar. Kilala nito ang may ari ng bar at ang bouncer kaya tuloy tuloy na itong pumasok. Hindi naman siya iinom, dahil iyon ang kanyang weakness at baka madisgrasya pa siya mamaya pauwi. Kakamustahin lang nya ang kanyang kaibigan sana pero wala ito ngayon sabi ng Bartender na kilala na rin siya. Umorder siya ng isang juice at umalis na. Pasakay na siya ng kanyang Motor ng may mataang lalaki na hinihila ang isang babae papunta sa Kotse nito. “Hoy ano yan ha?” sita ni Marion “Huwag ka makialam dito!” sabi ng lalaki “Parang ayaw sumama ng babae sa iyo, huwag mo pilitin” wika naman ni Marion “Sabi ng huwag ka makialam kung ayaw mo masaktan!” pananakot ng lalaki Tinignan ni Marion ang babae na parang wala sa sarili, Lasing? Naka drugs ? who knows.. Pero sa kilos ng lalaki at asta nito, hindi nito kaano ano ang babae. At mukhang hindi gagawa ng maganda. Kailangan may gawin si Marion. Hindi na nagsalita si Marion at hinila ang kwelyo ng lalaki at binalibag ito. Nabitawan nito ang babae na napaupo naman. Tumayo ang lalaki at susugod sa kanya. “Gusto mo talaga masaktan ha!” sumugod ang lalaki. Di nag aksaya ng sandali si Marion at sinuntok sa ilong gamit ang kanang kamay at suntok naman sa panga gamit ang kaliwang kamay. Knock out ang lalaki. “Tsk!, di man lang ako pinawisan” wika ni Marion “Miss..ok ka lang ba?” tanong ni Marion sa Babae “Thank you..” yun lang ang nasabi ng babae.  May tinawagan si Marion at agad naman itong dumating kasama ang mga pulis at ambulansya. Nagpasalamat ang pulis dahil pangatlong beses na daw may nagyayaring ganito sa mga Club, at ang lalaki ay wanted na. Dinala na rin ang babae sa Ospital muna na may kasamang babaeng pulis din. Matapos ang konting katanungan ay umuwi na rin siya. Namiss ni Marion ang Action…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD