CHAPTER 6

1788 Words
CRYSTAL "Hello, mahal ko," sabi ko sa kabilang linya. "Uhm, good news?" tanong niya. "Yes, may trabaho na ako!" sabi ko nang may excitement. "Nice. I'm happy for you, my love," sabi niya. “Thanks, my love” sabi ko. Napag-usapan na rin kasi namin ni James ang gusto kong mangyari and wala na ring problema kina Daddy. Hindi ko nga lang ipinaalam kay James na si Mark ang nag-suggest ng trabaho na ito. Tinawagan ko si Mark kinabukasan after niya akong kausapin about dun sa Korean restaurant na sinasabi niya at sinabi ko nga na pumapayag na ako. Gusto ko sanang mag-celebrate kaso busy naman si James. Naisip ko si Mark tutal utang na loob ko pa rin ang suhestiyon niya kaya iti-treat ko na lang siya for lunch. Sana hindi siya busy. JAMES Nasa condo na ako. Alam na rin ni Crystal na nakalipat na ako. Hindi ko pa siya maisama dito dahil panay ang sulpot ni Mama para bisitahin ako. Nag-text nga pala si Papa na pumunta daw ako ng maaga dun sa five star hotel na sinabi niya. May investors daw na ipapakilala sa'kin before the event. Ano kayang event 'yun? Hindi ko na tinanong basta pupunta na lang ako, for sure it's all about business. Pagkatapos kong ma-meet ang mga sinasabi ni Papa na mga tao ay bigla namang tumunog ang phone ko. Si Karren tumatawag. "Hello, James?" sabi sa kabilang linya. "Why?" tanong ko. “Susunduin mo ba ako dito sa bahay?" tanong niya. "Why should I do that?" nagtataka kong tanong. "Wow! Thanks for being such a gentleman!" Nagtaka lang naman ako, wala naman kasi kaming usapan. "I mean, bakit kita susunduin? Ano'ng meron?" tanong ko. "s**t, James! Wala bang sinabi sa'yo ang parents mo about this damn engagement party of us!?" "What? Wala akong alam," sabi ko. "Kaya pala hindi ka man lang tumatawag sa akin para mag-react about it. Ano'ng gagawin natin, mag-uumpisa na mamaya?" pag-aalala niya. Iyon 'yung sinasabi ni Papa na event? Bakit wala man lang silang sinasabi sa akin na engagement party pala? "Hindi puwede," sabi ko. "Bwisit ka James! Bihis na bihis na ako dito tapos aayaw ka?" "Eh bakit ba hindi mo man lang sinabi sa akin?" "Eh akala ko nga kasi alam mo na, kasi sabi ni Papa nag-usap na daw sila ng papa mo so I thought sinabi na nila sa'yo. Atsaka malay ko ba, 'di ba sabi mo ikaw ang bahala, sabi mo sakyan lang natin sila so akala ko okay lang sa iyong sakyan natin 'yung engagement party na 'to kasi hindi ka naman tumatawag sa akin para mag-react. Iyon pala wala kang alam," kuwento niya. "Okay, susunduin kita," sabi ko pero pupuntahan ko muna si Papa para kausapin. Hinanap ko si Papa at nung makita ko ay agad kong nilapitan. Naiinis na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko pero kailangang makapag-isip agad ako ng plano dahil sa sobrang pagmamadali ng mga magulang namin na makasal kami ni Karren. "Bakit wala man lang kayong sinabi sa akin na may engagement party na magaganap ngayon?" tanong ko kay Papa. "James, hindi ba sinabi sa'yo ng girlfriend mo? Kasi sabi ng papa niya sa akin eh sinabi niya na sa anak niya so I thought napag-usapan niyo ng magkasintahan ang tungkol doon," sabi ni Papa. Tsk. Kailangan ko munang ipaalam sa asawa ko 'to. Tinatawagan ko si Crystal pero hindi sinasagot. Ilang beses ko na siyang kinokontak pero walang sumasagot. Nagpasya na muna akong pumunta kahit sa harapan lang ng bahay nila Crystal pero laking gulat ko nang makita kong papasok siya sa kotse ng lalaking 'yun! CRYSTAL "Sama ka sa'kin, may party tayong pupuntahan," sabi sa kabilang linya. Bigla na lang tumawag si Mark na papunta na daw siya sa bahay namin. "Mark, kasi–" sabi ko pero hindi na niya ako pinatapos. Balak ko pa naman sanang magdahilan, hays! "Tss, para naman makakilala ka ng ibang tao. Magbihis ka na. Malapit na ako diyan. Bye," sabi niya. Ayoko na nga kasing sama ng sama sa kanya kasi nga ayaw ni James. Ayoko lang pag-awayan na naman naming mag-asawa 'to. Kainis. Ano ba naman kasing klaseng party 'yun? Ano pa nga bang magagawa ko eh padating na si Mark. Bilang ganti ko na lang sa inalok niyang trabaho, okay sige. Nung makapagbihis ako, nakatanggap ako ng message galing kay Mark. From Mark: Nandito lang ako sa Sala. Baba ka na if ready ka na. Tss, nung matapos ako sa ginagawa ko, bumaba na nga ako. "Kanino bang party 'yun?" tanong ko habang nasa biyahe kami. "Engagement party ng kaibigan ko," sabi niya. Engagement party? Hindi ba naisip ni Mark na baka ma-out of place ako? Hays. May magagawa pa ba ako eh papunta na kami. Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa makarating kami doon. Ang ganda ng ayos. Wish ko lang dumaan kami ni James sa mga ganitong okasyon pero hindi eh. Nagsalita na 'yung emcee at muntik na akong mawalan ng malay sa nakikita ko. Si James at 'yung babaeng 'yun ang ie-engage? "Bebe ko, are you okay?" tanong ni Mark nung bigla akong mapakapit sa braso niya. "Excuse me, punta lang akong comfort room," sabi ko. Nagpapasalamat ako at ako lang ang tao dito kaya hindi ko na napigil ang sarili ko sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ba talagang mga plano ni James pero s**t, kung talagang mahalaga ako sa kanya, dapat ipinaalam niya sa akin na may engagement party na magaganap sa kanila! Siguro papayag na rin siyang magpakasal sa babaeng 'yun! Kung gusto na niyang makipag-divorce sa akin, sabihin niya, hindi 'yung asawa pa niya ako eh gumagawa na siya ng labag sa kalooban ko! Tatawag sana ako kay Mark para sabihing gusto ko ng umuwi pero naiwan ko pala sa bahay ang cellphone ko. Hindi ako puwedeng makita ni James dito. Para ano? Para ipakita pa sa kanya na nagmumukha lang akong tanga? Inayos ko na ang sarili ko at bumalik sa puwesto namin ni Mark. Yayayain ko na siyang umuwi. "Mark, pasensya na pero sumama bigla 'yung pakiramdam ko, kailangan ko ng umuwi, pasensiya ka na," sabi ko. "I'm sorry. Okay, ihahatid na kita," sabi niya. "Mark!" tawag ng isang babae. Lumingon si Mark. s**t, si Karren! Nakilala ko na ang boses. "Congrats!” bati ni Mark pero hindi pa rin ako lumilingon. “Sorry pero kailangan ko ng ihatid si Crystal kasi sumama ang pakiramdam," sabi niya. Napapikit ako bago lumingon. Sana hindi niya kasama ang fiance niya. Isipin ko pa lang, may kirot na sa puso ko. Nagpapasalamat ako at hindi nga niya kasama si James. "Ah, ganun ba," sabi ni Karren. "Hi," bati niya sa akin nang makita ako. "Salamat at nakarating kayo ha," sabi niya sa amin ni Mark habang nakangiti. "You're always welcome. Paano Karren, we have to go. Mag-usap na lang tayo some other time?" sabi ni Mark. "Okay, ingat kayo," sabi ni Karren. Kung alam ko lang na 'yung Karren ang tinutukoy ni Mark na ie-engage, maiisip ko agad si James. JAMES Talagang ginagalit ako ni Crystal. Bakit ba sumasama pa siya sa lalaking 'yun! Ni hindi niya masagot ang tawag ko dahil busy siya at ang lalaking 'yun! Saan naman kaya ang punta nila? Tumatawag na si Karren. Wala na akong nagawa kung hindi sumakay na lang din sa engagement party na 'yun. Pinuntahan ko na si Karren sa kanila. Si Crystal ang iniisip ko habang nasa biyahe. s**t! Dapat sinundan ko na lang sila ng lalaking 'yun para hindi na ako nababaliw kakaisip kung saan dadalhin ng lalaking 'yun ang asawa ko! "James, ano bang balak mo? Magtago ka na lang kaya at lumayo para hindi matuloy ang kasal?" sabi ni Karren nung nasa biyahe kami. Iniisip ko pa rin si Crystal pero naintindihan ko naman ang sinabi niya. "Hindi ko kailangang magtago. Wala naman silang magagawa kung ayaw talaga natin," sabi ko na lang. "Katulad ngayon, may nagawa ba tayo or should I ask, may ginawa ba tayo para hindi matuloy ang engagement party na 'to?" sabi niya. "Biglaan ang nangyaring ‘to, pero ibang usapan na kapag kasalan na," sabi ko. "Sa ngayon puwede pa tayong sumakay sa p-in-lan-o nilang engagement. Mag-iisip ako, tapusin na lang muna natin 'to." "Bilis-bilisan mo ang pag-iisip baka ma-surprise na lang tayo na ikakasal na pala tayo bukas," sabi niya. Hindi na lang ako nagsalita. s**t, kailangan kong makaisip na ng paraan para hindi matuloy ang kasal nang hindi nalalamang kasal na ako sa iba. Nang maipakilala kami sa mga bisita ng mga magulang namin, nagpaalam ako kay Karren saglit. Lumayo ako para kontakin ulit si Crystal pero wala pa ring sumasagot. Hanggang sa bumalik na ako sa mga tao. "Kaaalis lang nina Mark," sabi ni Karren. Mark? Napaisip ako kung sino'ng Mark at nahalata naman niya kaya nagsalita ulit siya. "Si Mark 'yung kapatid ni Renz. 'Yung nasa birthday party na may kasamang babae, naaalala mo na?" tanong niya. Hindi nga ba't nakita ko sila kanina sa harapan ng bahay nina Crystal. "Sino’ng kasama dito?" tanong ko. Gusto kong makasiguro. "Yung kasama niyang babae dati. Crystal 'yung pangalan," sabi niya. Dito pala sila papunta kanina? f**k! Kailangan kong magpaliwanag. Nagpaalam ako kay Karren na may emergency lang akong pupuntahan at siya na ang bahalang magdahilan kina Papa. Dali-dali akong nagpunta sa kotse ko at pinaharurot papunta sa bahay nina Crystal. Nandoon pa 'yung kotse nung lalaking 'yun. Sa isang sulok ko ipinarada ang kotse ko para hindi mapansin. Maya-maya ay lumabas na ang lalaki at sumakay sa kotse at umalis na rin. Walang tigil kong tinatawagan si Crystal pero wala pa ring sumasagot. Pinipigilan ko ang sarili kong pasukin ang bahay nila at magtungo sa kuwarto niya. Napagpasyahan kong i-text na lang siya at sana mabasa niya. To Mk: Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Sagutin mo na ang tawag ko, please. Sabi ko pero walang reply. Sinubukan ko ulit tawagan pero ayaw pa ring sagutin. Nag-text ulit ako. To Mk: Kapag hindi mo sinagot ang tawag ko, papasok na ako sa loob ng bahay niyo! Naiinis na ako, sana man lang binibigyan niya ako ng pagkakataong magpaliwanag. Kailangan niya rin namang magpaliwanag kung bakit sumama siya sa lalaking 'yun! Maya-maya ay sinagot na nga niya ang tawag ko. Hindi siya nagsasalita kaya ako na ang unang nagsalita. "We need to talk," sabi ko sa kabilang linya. "James, umuwi ka na. Ayoko pang makipag-usap sa'yo," sabi niya. "No! We need to talk now. Lumabas ka na diyan please," sabi ko. "Pero James–" sabi niya pero hindi ko na pinatapos. "Lalabas ka dito o pupuntahan kita diyan sa loob?" sabi ko at tinapos na ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD