CHAPTER 5

2948 Words
CRYSTAL "Mom, Dad, naiinip na po ako dito sa bahay," sabi ko while having our breakfast. "Kagagaling mo lang ng ibang bansa, saan mo pa ba gustong magpunta iha?" tanong ni Daddy. Kagagaling ko nga lang ng ibang bansa at hindi nila alam na kasama ko si James doon at nagpakasal kami. Nakokonsensiya nga ako na may inililihim ako sa mga magulang ko pero kailangan muna naming maging handa ni James sa kung ano man ang puwedeng mangyari bago nila malamang lahat ang tungkol sa amin. "Hindi po 'yun ang ibig kong sabihin, Dad. Gusto ko na pong maghanap ng trabaho," sabi ko. Akala siguro nila gusto ko na namang mamasyal kasi iyon ang idinahilan ko sa kanila nung nagpunta nga ako ng London. Palagi nilang sinasabi na okay lang kahit hindi na muna ako magtrabaho para daw hindi na ako mahirapan dahil 'yung ginagawa naman nila eh para sa akin lahat. Ganito ba kapag solong anak? "Hon, why don't you give our daughter a higher position in our company?" suhestiyon ni Mommy kay daddy. Ilang taon na nung maka-graduate ako ng college pero hanggang ngayon hindi ko pa nagagamit ang pinag-aralan ko kasi pinagbigyan ko muna sila na magtrabaho ako sa company namin pero umayaw din naman agad ako. "If that's what you want. Bibigyan kita ng mas mataas na posisyon kumpara sa dati," sabi ni Daddy. "Dad, hindi po 'yan ang ibig kong sabihin, ayoko na po sa kompanya natin. I mean, ayoko po ng ganung klaseng trabaho," sabi ko. Nung pumasok kasi ako sa kompanya namin mas na-realize ko lang na wala talaga akong kainte-interest sa ganung trabaho. "Why?" tanong ni Daddy. "Dad, wala akong interes sa pagpapatakbo ng company natin kaya nga hindi ko po sinunod 'yung gusto niyong kurso para sa'kin, at isa pa, gusto ko pong ituring ako na parang normal na empleyado. 'Yung hindi kikilalanin na anak ng may-ari, kasi doon sa company natin nahihiya silang lahat sa'kin," paliwanag ko. Isa rin kasi 'yun sa mga iniisip ko, ayoko ng special treatment dahil lang company namin 'yun. Pagka-graduate ko kasi dun ako agad sa company namin napadpad at malayo naman sa kursong tinapos ko ang naging trabaho ko. Ang gusto kasi nila noon eh Business Management ang kunin kong kurso, pero sinuway ko sila kasi Culinary ang tinapos ko at pagka-graduate ko eh pinakiusapan ako ni Daddy na mag-work muna sa company namin para daw atleast may idea ako sa business namin. Sumunod naman ako, nag-training ako ng ilang araw kasi nakokonsensiya naman ako kung hindi ko pa sila mapagbibigyan. Anak daw ako ng may-ari, iyan ang palaging naririnig ko, oo, totoo naman pero nakakarindi na. Maayos naman 'yung treatment sa'kin dun pero dahil nga anak ako ng may-ari parang nahihiya na silang makipagkaibigan sa akin. Ayoko ng ganun kaya mas pinili ko na lang umalis hanggang sa kinunsinti na lang ako ng parents ko na maglustay na lang ng pera kasi ayaw naman nila akong pagtrabahuhin sa iba. Ano'ng silbi ng pagcu-culinary ko kung ipagsisiksikan nila ako sa opisina kaharap palagi ang computer o kaya ay laptop? Kaya naman ang ginawa ko na lang, pasyal dito, pasyal doon, out of the country, bahay, out of town with our kasambahay. Nito nga lang ako hindi nagsama ng kasambahay nung nagpunta akong London kasi nga may plano kami ni James. Isang libong pilit bago nila ako pinayagang umalis ng bansa na walang kasambahay na kasama. Nakakasawa na, pakiramdam ko wala na akong silbi sa mundo. Paano ako maggro-grow bilang tao? Alam mo 'yung pakiramdam na bukas naman ang pinto pero pakiramdam mo nakakulong ka? "Iha, don't be too hard sa sarili mo," sabi ni Mommy. Hindi naman sa pinapahirapan ko ang sarili ko, gusto ko lang naman mag-explore. I just want to experience challenges. I want to be the better version of myself. "Mom, alam ko po ang ginagawa ko," sabi ko. "Ano na lang ang iisipin ng mga nakakakilala sa'kin? Bakit ba lalayo ka pa to think na ang company natin ang isa sa malalaking kompanya sa bansa?" sabi ni Daddy. "Dad, I know pero hindi po ako doon masaya. Wala sa company natin ang gusto ko kaya nga hindi ko sinunod 'yung gusto niyong kursong tapusin ko. Masaya ako sa natapos ko at gusto kong ituloy kung saan ako dapat, kung saan ako masaya. Wala naman pong masama sa gagawin ko. Gusto ko hong magsimula gamit ang sarili kong mga paa," sabi ko. "Kung ganun, tutulungan na lang kita. Marami akong kakilala," sabi ni Daddy. "Dad, no. Magtiwala naman po kayo sa akin," sabi ko. “Excuse me po," sabi ko atsaka tumayo na. Nakakainis, hindi ba talaga nila ako maintindihan? Hindi na ako bata. Nagkulong ako sa kuwarto ko. Naiinis ako tapos gusto ko pang makasama ang asawa ko kaya nag-empake ako at umalis. Nagpunta ako sa secret place namin ni James. Hindi ako nagdala ng kotse. Nang makarating ako, t-in-ext ko agad si James. To: Mk Nandito ako sa secret place natin mahal ko. Hihintayin kita. Kanina pa rin kasi siyang hindi nagte-text o tumatawag kaya gusto ko siyang makasama lalo pa at may sama pa ako ng loob kina Daddy ngayon. Maya-maya'y nag-ring na ang cellphone ko. "Bakit bigla ka na lang pumupunta diyan ng walang pasabi?" tanong niya. "Naiinip ako sa bahay, tapos hindi ka man lang nagte-text maghapon," sabi ko. "Papunta na ako diyan," sabi niya. JAMES Nagsisimula na akong magtrabaho sa kompanya namin pero hindi muna sa pinakamataas na posisyon. Sunud-sunod na meetings, presentation at idagdag pa ang tambak na mga papeles sa table ko. Sa sobrang busy ko, ni hindi ko na nga matawagan si Crystal o kahit text man lang. Katatapos ko lang pag-aralan 'yung mga papeles nang makatanggap ako ng text galing kay Crystal. From: Mk Nandito ako sa secret place natin mahal ko. Hihintayin kita. What!? Bakit ngayon niya lang sinabi kung kailan nandun na siya? "Bakit bigla ka na lang pumupunta diyan ng walang pasabi?" tanong ko nung tinawagan ko siya. "Naiinip ako sa bahay, tapos hindi ka man lang nagte-text maghapon," sabi niya. "Papunta na ako diyan," sabi ko na lang. Agad akong umalis papunta kay Crystal. Kahit idiretso ko mismo ang kotse ko doon wala na akong pakialam kung may makakita. Dali-dali akong bumaba ng kotse nung makarating doon. Pagkapasok ko ng kubo, yumakap agad sa'kin ng mahigpit si Crystal at bigla na lang akong siniil ng halik. "Wait, wait, mahal ko, ganyan ka na ba talaga kasabik sa'kin?" biro ko sa kanya. "Ayaw mo, eh 'di huwag," sabi niya at akmang tatalikuran ako pero hinawakan ko agad ang braso niya at sinunggaban ko siya ng halik sa mga labi niya. Binuhat ko siya at dinala sa kama. Hinubad namin ang mga damit namin hanggang sa wala ng natirang saplot sa aming mga katawan. Kapwa kami sabik na sabik sa isa't isa. Hindi na ako makapaghintay kaya pumosisyon na ako to enter mine inside of her. Para kaming sumasayaw sa isang mabilis na tugtugin. At ang mga ungol namin ang nagsisilbing musika. We're so hot and excited in our every moves until we reach our climax. Nakahiga kami habang nakaulo siya sa dibdib ko. We're both tired but happy together. Ngayon ko lang napansin 'yung bag niyang may kalakihan. "Mahal ko, ano’ng laman ng bag mo?" tanong ko. "My clothes?" sabi niya atsaka nagkagat ng labi. "Don't tell me naglayas ka?" sabi ko ng nakangiti pero biro lang. "You're right, naglayas ako," sabi niya. "What? But, why? Mag-aalala ang parents mo mahal ko," sabi ko. Nagbibiro lang naman ako nung tinanong ko siya kung naglayas pero totoo pala. "Naiinis kasi ako pero babalik din ako after three days. I just want to be with you," sabi niya. "What happened?" tanong ko. "Ayaw kasi akong payagan nina Daddy na magtrabaho sa ibang company. Ano ako, aasa na lang sa kanila habambuhay? Mahal ko, minsan gusto ko rin namang tumayo sa sarili kong mga paa," sabi niya. "Hindi mo na naman kasi kailangang magtrabaho," sabi ko. "Isa ka pa," sabi niya. "I mean, ‘di ba asawa mo na ako, kaya dapat ako ang nagtatrabaho," sabi ko. "Hindi mo kasi ako naiintindihan," sabi niya. "Naiintindihan kita, ayoko lang namromroblema ka. Sorry mahal ko kung hindi mo ako palaging nakakasama," sabi ko na lang. "Kaya nga kahit three days lang mahal ko, dito muna tayo?" sabi niya. "Mahal ko, kailangan ako sa office. Hindi kita masasamahan dito maghapon," sabi ko. "Kailangan din kita. Gusto kong maging asawa sa'yo kahit tatlong araw lang muna. 'Yung paggising ko sa umaga, ikaw ang una kong makikita at mag-aasikaso sa'yo bago pumasok sa trabaho," sabi niya. "Okay, ganito na lang mahal ko, dito muna tayo, yeah, three days, and you're going to cook breakfast for us and you’ll prepare my office suit. Dito ka lang, huwag kang lalabas. Wait for me hanggang sa bumalik ako galing office. Is that clear, my love?" sabi ko. "Opo mahal ko," sabi niya at yumakap siya ng mahigpit sa'kin. "Good," sabi ko. Pumunta kami sa pinakamalapit na bayan at bumili ng mga kakailanganin namin. May ilang appliances naman sa kubo tulad ng refrigerator at electric stove kaya hindi kami mahihirapan. Pinuno namin ng pagkain ang ref para sa tatlong araw naming pagsasama ng asawa ko. "Did you hear the news?" tanong ni Papa nung nasa office na ako. "What news?" tanong ko. "Nawawala ang unica iha ng mga Gomez. Mabuti nga sa kanila," sabi ni Papa. I feel so guilty about that. Gustung-gusto kong ipaalam sa mga magulang ni Crystal na okay lang ang anak nila pero hindi puwedeng sa akin manggaling. "Pa, hindi niyo kailangang mag-react ng ganyan," sabi ko. Tuwang-tuwa pa kasi sa nangyari. Nung makaalis si Papa, tinawagan ko agad si Crystal. "Mahal ko," sabi ko sa kabilang linya. "Bakit mahal ko?" sabi niya. "Nasa news na 'yung paglalayas mo, at para akong kidnapper sa ginawa mo," sabi ko. "Mahal ko, hayaan mo na. Uuwi din naman ako eh," sabi niya. "Pero nag-aalala na ang mga magulang mo. Mahal ko, huwag ng matigas ang ulo. Tumawag ka sa kanila and tell them that you're safe at uuwi ka rin," sabi ko. Madalas kasing tumawag ang parents niya simula nung naglayas siya kahapon at ayaw man lang niyang sagutin. "Okay," sabi niya. Bago ako bumalik kay Crystal, dumaan muna ako sa bahay para kumuha ng ilang gamit ko. "James, saan ka ba natulog? Hindi ka dito umuwi kahapon," sabi ni Mama. "May nahanap na po akong condo," pagsisinungaling ko pero balak ko naman talagang maghanap para sa amin ni Crystal. "Alam ba ito ng Papa mo?" tanong niya. "Ma, matanda na ako at gusto ko ng maging independent," sabi ko. "Hindi ka naman pagbabawalan, ang sa akin lang, magpaalam ka naman," sabi niya. I suddenly felt guilty about that. "Kukunin ko na lang po 'yung ibang gamit ko bukas," sabi ko na lang at umalis na. Kailangan ko na talagang maghanap ng condo. CRYSTAL Napakasaya ko sa tatlong araw na nakasama ko siya. Safe naman sa lugar na 'yun kaya lagay ang loob namin. Nagpasya na akong bumalik sa bahay namin. "Crystal!" tawag ni Mommy pagkakita sa akin. "Anak, saan ka ba talaga nagpunta?" tanong niya nung hindi pa rin ako nagsasalita. "Mommy, ‘di ba sabi ko uuwi rin naman po ako," sabi ko na lang. "But where have you been?" tanong ulit ni Mommy. "Sa kaibigan ko po," sabi ko. "Sino'ng kaibigan?" tanong ni Mommy. "Mommy nandito na po ako, wala na po kayong dapat ipag-alala," sabi ko at hindi na pinansin ang tanong niya kung sino'ng kaibigan. "Anak, huwag mo nang gagawin ulit 'yun. Pumayag na ang daddy mo sa gusto mo," sabi niya. Masaya ako kasi pumayag na sila pero bakit kailangang maglayas pa ako para pumayag sila? Hay basta, gagawin ko kung anong makapagpapasaya sa akin. Nasa tamang edad na ako para magdesisyon para sa sarili ko. Nasa kuwarto na ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Mark ang tumatawag. "Bebe ko!" sabi sa kabilang linya. "Mark," sabi ko na lang. Ayan na naman tayo sa 'bebe ko'. Bahala na, hahayaan ko na siya. Akala ko nga masama pa ang loob ni Mark sa akin pero parang hindi na naman pala. "Nakauwi ka na daw sabi ni Tita. Kamusta ka na? Bebe ko, nag-alala kami ng sobra sa’yo tapos hindi mo pa sinasagot ang mga tawag namin," sabi niya. "Tumawag ako kay Mommy na uuwi rin agad," sabi ko. "Yeah, but that was a day after you left," sabi niya. "Mark, ang importante nandito na ako," sabi ko. "Yes, of course. Nabanggit nga rin pala ni Tita kung bakit sumama 'yung loob mo sa kanila ni Tito," sabi niya. "May kakilala akong nagtayo ng Korean restaurant, hindi naman kalakihan pero may class at kailangan nila ng chef doon." "So?" sabi ko kahit alam ko na ang ibig niyang sabihin. Nagtapos ako ng culinary pero hindi ko alam kung paano gumawa ng mga pagkain ng mga Korean. "Get the job!" sabi niya na may pagkasabik. Gusto ko sanang sabihin kay Mark na hayaan niya na lang ako na kumilos. Hindi na niya ako kailangang ihanap ng trabaho dahil kaya ko naman. "Mark, marami pa akong puwedeng pasukan na trabaho, kahit hindi mo kakilala. Kung pinagkasunduan niyo 'to nina Mommy para mabantayan ako–" sabi ko pero hindi niya na ako pinatapos. "Oo inaamin ko, alam nina Tita ang tungkol sa inaalok ko sa iyong trabaho kaya sila pumayag na sa gusto mo kasi–" sabi niya pero hindi ko na rin pinatapos. "Kasi mas may tiwala sila sa iyo kaysa sa akin," sabi ko. Akala ko pa naman totoong pumayag na nga sila sa kung ano ang gusto ko pero bakit kailangang may kinalaman pa si Mark? "Come on, don't get me wrong. Wala namang masama kung susubukan mo. Hindi ko ka-close 'yung may-ari. Nabanggit lang niya at hindi kita ni-refer kasi alam kong ayaw mo ng ganun. Pupunta ka doon to prove that you're qualified on that job. They will help you if ever mahirapan ka, so don't worry. At isa pa, malayo na 'to sa kompanya niyo. 'Di ba ito naman ang gusto mo?" paliwanag ni Mark. Matagal bago ako nakasagot. Sabagay, may point siya pero hindi pa ako makakapagdesisyon sa ngayon. "Pag-iisipan ko." Sa totoo lang, nagdadalawang isip na ako kung tatanggapin ko ba o hindi ang alok ni Mark. KARREN "Hello Mark?" sabi ko sa kabilang linya. Gusto ko kasi ng kausap ngayon. Sasabihin ko na kay Mark 'yung tungkol sa fixed marriage na nagaganap sa buhay ko tutal trusted friend ko na siya. "Oh bakit?" tanong niya. "Labas tayo mamaya?" yaya ko kay Mark. "Date?" biro niya. "Baliw! Hindi, gusto ko lang ng kausap," sabi ko. "Bakit may problema ka ba?" tanong niya. "I don't know, siguro. Basta gusto ko ng kausap kasi baka mabaliw na ako kakaisip," sabi ko. "Ah, okay sure," sabi niya. "Okay, so magkita na lang tayo tonight doon pa rin sa club na 'yun ha?" sabi ko. "Okay sige," sabi niya. Ang alam ko lang, mas maganda 'yung may pinagkakatiwalaan ka, 'yung makakaintindi sa'yo dahil hindi naman laging alam mo ang tama. Mas mabuti kung may advices ka ring naririnig. "So what's the problem?" tanong niya nung magkasama na kami. Paano ko ba uumpisahan? "Ah, kasi Mark, ang totoo niyan, eh 'yung kasama ko nung birthday ng kapatid mo eh fiance ko," sabi ko. "What? But you told me na nag-pretend lang kayong magkasintahan?" "Yeah, nagpanggap nga lang kami," sabi ko. "And now you're saying na fiance mo siya. I don't understand," sabi niya. "Fixed marriage," sabi ko. "Pareho naming ayaw ng marriage na 'yun. Parents lang namin ang nagplano ng lahat. Nag-decide na lang kaming sakyan sila tutal tutol naman kaming dalawa sa gusto ng mga parents namin," patuloy ko. "Kaya pala bumanat ka ng mga ganung tanong sa akin last time na nandito tayo," sabi niya. "Yup," sabi ko. "Eh paano kung ipakasal na kayo bukas or the day after tomorrow? Sasakay pa rin ba kayo sa kanila?" tanong niya. "Of course not! Parang pumayag na nga kaming magsama kung sasakay pa rin kami hanggang dun sa kasal noh!" sabi ko. "So paano, sinong hindi sisipot sa inyong dalawa?" tanong niya. "Ayoko naman ng mga ganung eksena pa. Gagastos pa sa kasal wala namang ikakasal? Marami lang maaabala. Mark, ano’ng gagawin ko? Malapit na 'yung engagement party namin at wedding na ang kasunod nun!" pag-aalalako. "Tss, magtago na ang isa sa inyo before the wedding?" suhestiyon niya. "No! Ayoko ngang magtago. Buong buhay ko, gusto ko palaging malaya ako tapos-" "Okay, kung ayaw mo eh ‘di siya ang magtago," tukoy niya kay James. "Sa tingin ko hindi rin papayag 'yun." "Ask him first," sabi niya. "Paano kung ayaw nga niyang magtago para hindi matuloy ang kasal?" tanong ko. "Magpakasal na lang kaya kayo," sabi niya. "No!" sabi ko. "Karren, you know what, mas okay 'yung lalaking 'yun kay Renz para sa'yo. Bakit ayaw mo pa?" sabi niya. Siraan ba talaga ang kapatid niya. Baliw talaga. Haha. "M.U. nga kasi kami. May 'Malinaw na Usapan', na ayaw namin pareho sa isa't isa," paliwanag ko. "Pero kung gusto ka niya, papayag ka na rin ba?" tanong niya. Matagal bago ako nakasagot. Sumeryoso ako bigla. "Uhm, honestly, siguro papayag na para wala na ring gulo. Tutal may dating din naman ang lokong 'yun para sa akin. At sabi mo nga ‘di ba, natututunan naman ang pagmamahal," sabi ko. "Yeah, sana nga natututunan.. cheers!" sabi niya with bitterness. Masaya kaming nagkuwentuhan sa kabila ng kaingayan ng tugtugan at nagpapasalamat akong umuwi kaming hindi lasing at nakayanan pang mag-drive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD