CHAPTER 4

2013 Words
CRYSTAL "Bebe ko, bakit nawala ka?" tanong ni Mark. "Ah, eh nagtatakbo kasi ako bigla kanina dahil sa takot," pagsisinungaling ko. "Akala ko ikaw 'yung hawak ko kanina, ibang babae pala. Pinuntahan pa nga kita sa kotse, akala ko nandun ka. Hindi naman kita matawagan dahil naiwan mo pala sa kotse ang phone mo," sabi niya. Oo nga pala ngayon ko lang naalala, wala pala sa'kin ang phone ko. "Ganun ba? Sorry," sabi ko na lang. "Galit na galit nga si Renz dahil sa nangyari kanina. Sabi nila, sinadya daw patayin 'yung ilaw, pero wala naman kaming maisip kung sino'ng puwedeng gumawa nun at kung bakit." Tss, it's James for sure. Ilang minuto pa kaming nagtagal doon at maya-maya'y nagyaya na rin akong umuwi. Sakay na kami sa kotse nung makatanggap ako ng text message galing kay James. From: Mk Sabihin mo sa lalaking 'yan mag-ingat sa pagda-drive, kung hindi mananagot siya sa'kin! Natatawa ako sa loob-loob ko. Nag-reply na lang ako ng, ‘yes sir!’ "Bebe ko, salamat ha, pasensya na rin sa nangyari kanina," sabi niya nung makababa kami ng kotse. Nasa may gate na kami ng bahay namin. "Okay lang Mark. Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" tanong ko. "Ah, hindi na. Magpahinga ka na bebe ko," sabi niya. "Ah, Mark, may pakiusap sana ako sa'yo," sabi ko. "Kahit ano bebe ko," sabi niya. "Huwag mo na sana akong tawaging... bebe ko?" pakiusap ko. "Huwag lang 'yun," sagot agad niya. "Pero Mark," sabi ko pero hindi na niya ako pinatapos. "Crystal, bakit naman, ano'ng problema? May masama ba dun?" tanong niya. "Ah, eh wala naman," sabi ko. Hays, ang hirap. Ano'ng idadahilan ko? "Tinanggap ko namang kapatid na lang talaga ang turing mo sa'kin kahit masakit pero huwag mo naman akong pagbawalan sa bagay na nagpapasaya sa'kin lalo at napakaliit na bagay lang naman," sabi pa niya. Hay, ano ba 'tong ginawa ko at pabigla-bigla ako. Nakokonsensiya tuloy ako pero kung masaya siyang tawagin akong ganun, ang asawa ko naman hindi. Ano ng gagawin ko? Mahalaga sa'kin si Mark at siyempre si James din. "Mark, hindi ko naman gustong saktan ka. Ayaw ko lang umasa ka dahil mas masakit 'yun 'di ba?" sabi ko. "Tama na bebe ko, magpahinga ka na. Goodnight," sabi na lang niya at bigla akong hinalikan sa pisngi. Hay, paano ko ba ipapaliwanag kay Mark? Pakiramdam ko kasi umaasa pa rin siya. Nang makapasok ako ng bahay, dumiretso agad ako sa kuwarto ko. Tulog na siguro sina Mommy. Nakapag-shower na ako at nakahiga na sa kama ko nang tumawag si James. "Mahal ko," sabi ko sa kabilang linya. "Ano'ng oras ka nakauwi?" tanong niya. "Kanina pa. Actually, nakapag-shower na ako at nagpapahinga na. Ikaw, nasa bahay ka na ba?" "Yup," sagot niya. "Baka wala ha," sabi ko. "Tss, sabi ko naman sa'yo dito na kita iuuwi para alam mo," sabi niya. "Nagbibiro lang ako mahal ko. I believe in you, " sabi ko. "I know you do," sabi niya. "I love you," sabi ko. "I love you more," sabi niya. "I miss you," sabi ko naman. "Tss, huwag kang ganyan mahal ko baka tumalon ako diyan sa bakod niyo," sabi niya. Napatawa naman ako. Bakit ba kapag gusto kong maglambing, hindi ko naman siya kasama. Hay, sana maging normal na 'yung pagsasama namin bilang mag-asawa. Kailan kaya mangyayari 'yun? Matagal kaming nagkausap hanggang sa pinatulog na niya ako pero kinuha ko muna sa drawer 'yung wedding ring ko bago matulog at hinalikan ko. 'Yung kay James nakatago rin sa kanya. Kailangang mag-ingat eh. MARK Minsan, hindi ko na lang sineseryoso si Crystal kapag sinasabi niyang kapatid lang talaga ang turing niya sa'kin. Sinasakyan ko na lang dahil ako lang naman ang kawawa. Pero pucha, ang sakit pala talaga! Hindi ba niya talaga ako kayang bigyan ng puwang sa puso niya bilang kasintahan niya? Maiintindihan ko naman siya kung may mahal siyang iba pero wala pa naman siyang ipinapakilala sa amin. Ano pa bang gusto niya sa isang lalaki? Matagal na kaming magkakilala pero hindi niya man lang ba maisip na bigyan ako ng pagkakataon? Pagkahatid ko sa kanya, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang club. Gusto kong maglabas ng sama ng loob. "Uy! Mark," tawag sa'kin ng isang babae atsaka ako napalingon. "Halika dito maupo ka." "Karren, sino'ng kasama mo?" tanong ko. "Ah, 'yung dalawa kong kaibigan na mag-jowa kaso nag-aaway sa labas baka umuwi na rin ang mga 'yun," sabi niya. "So, wala ka ng kasama ngayon?" tanong ko. "Obvious ba? Hehe, nagpaiwan ako, ayaw ko pang umuwi. Ikaw, bakit ka nandito? ‘Di ba may party pa ang kapatid mo?" "Nag-aya na kasing umuwi si Crystal, tinatamad pa akong bumalik sa bahay," sabi ko. "Ah, 'yung girlfriend mo," sabi niya. "Hindi ko talaga siya girlfriend," sabi ko with bitterness. "What? Hindi kita maintindihan," sabi niya. "Huwag na lang nating pag-usapan. Bakit nga pala hindi mo kasama 'yung boyfriend mo dito?" tanong ko. "Actually, hindi ko talaga siya boyfriend," sabi niya. "Pero sabi mo–" sabi ko pero hindi na niya ako pinatapos. "Mahabang kuwento. Akalain mong pareho pala tayong pretender kanina, haha," sabi niya. "Come on, makikinig ako Karren. Bilang muntik mo ng maging bayaw," sabi ko habang nakangiti. Ewan ko ba kay Renz kung bakit pinakawalan pa si Karren. Sa lahat kasi ng naging girlfriend ng kapatid ko, si Karren lang ang naka-close ko ng ganito. She's a nice person naman at cool pa. Maganda si Karren, kung hindi nga lang ex ng kapatid ko baka magustuhan ko siya kaso wala talaga akong maramdaman na iba bukod sa pagiging kaibigan lang niya and I'm sure ganun 'din siya sa'kin. "Baliw ka talaga, bayaw ka diyan, naka-move on na ako ha," sabi niya. "Sabi ko naman muntik 'di ba?" sabi ko habang napapatawa. "So, bakit kayo nagpanggap ng kasama mo na magkasintahan kung okay ka na?" tanong ko. Hindi naman sa pine-pressure ko siya sa mga tanong ko, wala lang, gusto ko lang talagang malaman ang isasagot niya. "Siyempre nakakahiya namang magpunta dun ng single pa rin ako. Ayokong isipin ng kapatid mo na siya pa rin. Kaya nagpunta ako at nagsama ng lalaki," paliwanag niya. "So, siya pa rin?" tanong ko kasi hindi naman niya gagawin 'yun kung wala na talaga siyang feelings sa kapatid ko. Hindi nga ako makapaniwalang pumunta siya. "Tss, hindi na noh! Ang dami-daming lalaki diyan eh. Ewan ko ba, siguro na-trip-an ko lang din ‘yung kanina. Pero wala na talaga akong feelings sa kapatid mo noh!" sabi niya. "Hey easy, I'm just asking," sabi ko habang natatawa. "Kung meron man, bakit ko naman sasabihin sa'yo to think na kapatid ka niya?" sabi niya. "So, meron pa nga? Karren, trust me. Magkaibigan tayo 'di ba?" sabi ko. "Yung totoo, siguro five percent meron pa, kasi siya 'yung first boyfriend ko. Ewan ko din, baka bitter lang ako kasi hindi ko matanggap na may bago na siya at ako wala pa, kaya nga nagdala ako ng lalaki kanina. Pero once na mahanap ko na ang true love ko, tsupe na siya noh!" sabi niya. Natatawa lang ako sa kanya kasi napaka-honest niya. "Eh ikaw, baka gusto mong magkuwento tutal magkaibigan naman tayo 'di ba?" sabi pa niya. "About what?" tanong ko. "Tss, kahit ano. Lovelife?" sabi niya. "Pagtatawanan mo lang ako eh," sabi ko. "Pinapangunahan mo naman agad ako hindi mo pa nga ikinukuwento," sabi niya. "Okay, nandito ako para maglabas ng sama ng loob," pagsisimula ko. "Mabuti na lang pala at nandito ako para may makausap ka," sabi niya. "Yeah," sabi ko. "So, ano 'yung kuwento?" tanong niya. "Ayaw sa'kin ng bestfriend ko," tukoy ko kay Crystal. "As in busted ka?" tanong niya at tumango lang ako. "Tss, eh 'di maghanap ka na lang ng iba. Tutal lalaki ka naman, madali lang para sa'yo 'yun," sabi pa niya. "Tss, hindi ganun kadali 'yun. Mahal ko siya," sabi ko. "Eh, bakit daw ayaw niya sa'yo?" tanong niya. "Kapatid lang daw ang turing niya sa'kin eh," sabi ko. "Ouch," sabi niya. "Pinilit ko nga lang siya kaninang magpanggap na girlfriend ko. Gusto ko lang maranasan kahit hindi totoo," patuloy ko. "So, siya 'yung kasama mo kanina? Siya ang bestfriend mo," sabi niya at tumango ako. "Baka naman may ibang mahal," sabi pa niya. "Ewan ko, hindi ko alam. Ang alam ko no boyfriend since birth siya," sabi ko. "Baka tomboy?" sabi niya. "Tss, hindi," sabi ko. "Maghintay ka lang, siguro nabibigla lang 'yun sayo kasi nasanay lang 'yun na bestfriends kayo," sabi niya. "Ayaw nga niya akong umasa eh. Basta nagbago na siya," sabi ko. Naalala ko tuloy 'yung biglang pagbabawal niya sa aking tawagin siyang 'bebe ko'. Para na rin niya akong pinigilang maging masaya. KARREN Pagkahatid ni James sa'kin sa bahay namin galing kina Renz, bigla namang tumawag 'yung kaibigan kong babae na heartbroken daw. Nagpasama sa'kin sa club. Tutal hindi naman ako nag-enjoy sa party ni Renz kaya pumayag na ako. Mabuti na lang at pinayagan pa ako nina Papa na lumabas. Napapansin ko rin nga na hindi na sila naghihigpit sa'kin simula nung malaman nilang boyfriend ko si James. Kalahating oras pa lang kami sa club at 'yun, sinundo naman ng boyfriend ang kaibigan ko. Naiwan akong mag-isa kasi ayaw ko pang umuwi, mabuti na lang malapit lang sa'min 'tong lugar na 'to. Gusto ko rin namang magpaiwan kaya nagpaiwan na ako tutal may dala naman akong kotse at wala naman akong balak maglasing, never again. Maya-maya'y nakita ko nga si Mark. Tinawag ko siya at pinaupo sa bakanteng upuan na inalisan ng kaibigan ko. Ininom namin 'yung alak na nasa mesa at nagkuwentuhan. "Order pa ako?" tanong niya sa'kin nung sumasarap na ang kuwentuhan namin. "Bahala ka pero hindi na ako masyadong iinom ha?" sabi ko. Nakakadala kasi baka malasing na naman ako ng sobra. Nakakahiya. Haha, may hiya pala ako. Ayoko na kasing maulit 'yung inuwi ako ng lalaki sa bahay nila dahil sa kalasingan ko katulad nga nung unang tagpo namin ni James. Atsaka magda-drive pa ako. "Okay sige," sabi niya. "Ah, Mark, may gusto akong itanong," sabi ko. "Ano 'yun?" tanong niya. "Halimbawa, pinipilit ka ng magulang mo na ikasal sa babaeng hindi mo pa nakikilala, papayag ka ba?" tanong ko. "Siyempre hindi," sagot niya. See? Wala naman talagang papayag sa ganun. Nakakainis talaga sina Papa. "Eh kung ipinakilala na sa'yo, tapos nakita mo, maganda naman at hindi masama ang ugali, hindi ka pa rin ba papayag?" tanong ko. "Uhm, depende, siguro papayag na kung ganun, natututunan naman ang pagmamahal," sabi niya. "Weh, sinungaling," sabi ko. "Wala namang masama kung susubukan," sabi niya. Seryoso talaga siya? Ganun? Eh bakit parang diring-diri na maikasal sa'kin ang James na 'yun!? Kainis, nakakababa ng p********e. Hindi naman ako panget at hindi naman masama ang ugali ko. Sabagay, iba't iba ang pananaw ng mga tao pero naiinis pa rin ako sa lalaking 'yun! Akala niya siya lang ang may ayaw, siyempre ako rin! Nung pauwi na kami ni Mark, sinundan niya lang ako hanggang sa makauwi kasi pareho kaming may dalang kotse. Pagkarating namin sa tapat ng gate namin, bumusina na siya hudyat ng pagpapaalam. Ang weird 'di ba? Kapatid ng ex ko, nakikipag-close pa ako. Sabagay, hindi naman bias 'tong si Mark. Pagkagising ko ng umaga, nadatnan ko si Papa na nagkakape sa may Sala habang nagbabasa ng newspaper. "Good morning," bati ko sa kanya. "Good morning iha," sabi niya naman. "Ah, iha nag-usap na nga pala kami ni Simeon," tukoy niya sa ama ni James. Nakatingin lang ako kay Papa at naghihintay ng sunod niyang sasabihin. "Next week na ang engagement party niyo ni James.” What!? "Pero hindi pa po namin napapag-usapan ni James 'yan," sabi ko. "Iha, engagement pa lang naman 'yun," sabi niya. "Kahit na po," sabi ko. "Wala na kayong magagawa. Ayos na ang lahat. Hihintayin na lang natin ang araw na 'yun," sabi niya. Shit! At ano namang kasunod, kasalan naman? Mas lalong ayaw kong makasal sa taong hindi naman ako gusto! Siguro naman alam na ng lalaking 'yun ang tungkol dito. Bahala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD