CHAPTER 3

2217 Words
JAMES Nabigla na lang ako nung ipakilala siyang girlfriend ng lalaking 'yun! f**k! Alalang-alala pa naman ako kapag sasabihin ko na sa kanya ang mga nagawa ko nang hindi niya alam. Ang pagtulong sa babaeng lasing na hindi ko alam na 'yung babae palang gustong ipakasal sa akin, at ngayon naman na nagpapanggap akong kasintahan nung babae na Karren nga ang pangalan. Akala ko pa naman napakasama ko ng asawa dahil hindi ko agad iyon ipinaalam sa kanya. Sa nalaman ko ngayon, ako pala ang nagmumukhang tanga! Naalala ko pang tinawag siya ng lalaking 'yun ng ibang term of endearment! f**k! Kailan pa niya ako niloloko!? Oo, galit na galit ako pero pinipigilan ko ang sarili ko. Hindi ako papayag na gaguhin na lang ng basta-basta! Crystal knows how much I love her! "Hoy, okay ka lang ba?" tanong ni Karren sa’kin. Tumango lang ako. Kanina pa kasi ako nakatingin sa gawi nina Crystal. Apat silang magkakausap. "Ipapaalala ko lang sa’yo ha, nagpapanggap kang boyfriend ko. Tss, wala ka man lang ka-sweet-sweet sa katawan,” sabi pa niya. Simula kasi nung makita ko si Crystal kanina, nawala na ako sa sarili. Kanina pa rin ako nagtitimpi ng galit. "Come on. James, dance with me,” yaya ni Karren. Napasulyap na naman ako sa gawi nila Crystal. Niyayaya yata nung lalaki na sumayaw si Crystal hanggang sa pumayag ito at nagsimula na nga silang magdikit sa gitna ng maraming tao. Hindi ko na kaya 'tong mga nakikita ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Saglit, diyan ka lang babalik ako,” sabi ko kay Karren. Nagbayad ako ng tao para lang i-off 'yung main switch ng ilaw ng buong bahay. Pagkabalik ko sa table namin, niyaya ko na si Karren sa gitna para pagbigyan siyang sumayaw pero ilang segundo lang dahil may pinaplano ako. Wala na akong maisip na ibang paraan, nilalamon na ako ng selos ko. Nung medyo malapit na kami sa kanila, biglang namatay na nga ang ilaw at agad kong hinila si Crystal. Dali-dali ako sa paglabas papunta sa parking habang hawak ang kamay niya. Hindi ako nagsasalita pero narinig kong tinawag niya ako sa ibang pangalan. Inakala niya na ako ang kasayaw niya kanina. Napamura na lang ako at biglang nahigpitan ang paghawak ko sa kanya hanggang sa magreklamo siyang nasasaktan pero hindi ko naman sinasadya, nadala lang ako ng galit at sama ng loob. "Get in,” utos ko pero hindi agad siya sumunod. "I said get inside the car!" sigaw ko. "Puwede ba, huwag mo akong sigawan!" sigaw din niya atsaka pumasok na nga siya sa loob ng kotse. Umikot naman ako papuntang driver's seat. Nagmamaneho lang ako at tahimik lang kami hanggang sa hindi na rin ako nakatiis. Itinabi ko ang kotse at inihinto. Nakakuyom ang kamao kong hinampas ang manibela. "Kailan mo pa ako ginagago, ha Crystal?! Ganyan ka ba talaga kapag hindi tayo magkasama, kung kani-kaninong lalaki ka sumasama?!" Wala na akong pakialam kung sumisigaw ako. Sa paraang ito ko nailalabas ang galit ko. f**k, ayoko sa lahat ginagago ako! "Kaibigan ko lang si Mark! Nakiusap lang siyang magpanggap kaming magkasintahan ngayong gabi!" sigaw niya. "What the f**k, pumayag ka naman! Asawa mo ako at wala ka man lang sinasabi sa mga balak mong gawin!?" reklamo ko. "s**t, James! Huwag ka ngang magmalinis! Hindi ba't ikaw itong nakikipag-girlfriend kahit may asawa na!?" Kita ko sa mga mata niya ang namumuong luha. Damn. "Nagpapanggap lang din kaming magkasintahan. Biglaan ang nangyari! At isa pa, siya 'yung babaeng ipinapakasal sa’kin,” paliwanag ko kahit naiinis pa rin ako pero ayokong nakikita siyang umiiyak lalo ng dahil sa akin. "See? At wala ka man lang ikinukuwento sa’kin!” sumbat niya. "I told you na magkikita tayo bukas at mag-uusap. Sasabihin ko naman sa’yo ang lahat pero nagkataon na nangyari nga 'yung kanina. Ang hindi ko matanggap ay 'yung mga ginawa mo kanina, ang ginawa niyo ng lalaking 'yun kanina!" sabi ko at bumalik na naman ang init ng ulo ko dahil naaalala ko ang mga nakita ko kanina. Hindi man lang siya nasindak sa mga tingin ko at nakipagsayaw pa talaga siya sa lalaking 'yun! "What?" pagtataka niya. "Harap-harapan ka kung magdidikit sa lalaking 'yun! Kitang-kita ng dalawa kong mga mata habang sumasayaw kayo!" Naalala ko nung nagsasayaw sila parang gusto ko ng pumatay nung mga oras na 'yun! "Alam mo bang ikaw ang naiisip ko nung mga oras na 'yun, ha James? Iniisip ko na ikaw ang kasayaw ko nung mga oras na 'yun!" "No,” sabi ko habang napapailing. Hindi ako naniniwala sa kanya. Sinasabi lang niya 'yan para hindi na ako magalit. "Ayoko ng makipagtalo sa’yo James. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong maniwala,” sabi niya at hindi na ako pinansin. Damn it! Kapag ganyan na siya, wala na akong gustong gawin kung hindi ang yakapin siya. "Ibalik mo na ako doon,” sabi niya nung wala na akong maisagot. Ibalik doon? Para ano, para bumalik sa lalaking 'yun? f**k, no! Pinaandar ko na ang kotse pero hindi pabalik doon. Wala na akong pakialam kung may makakita sa amin. Marahil may ideya na siya kung saan kami papunta dahil sa tinatahak naming daan. "James! Ibalik mo na ako doon, please!" "Bakit ba gustung-gusto mong bumalik doon, ha Crystal?!" "Hinahanap na tayo ng mga kasama natin,” sagot niya. "s**t! Wala akong pakialam!" sabi ko. Hindi na siya nagsalita. Ayokong isiping natatakot siya sa’kin pero hindi ko lang talaga mapigil ang sarili kong sumigaw dahil sa inis pa rin na makita siyang hinahawakan ng kasama niyang lalaki kanina! Nagpatuloy lang ako sa pagda-drive hanggang sa makarating sa pinupuntahan naming lugar. First time kong dalhin ang kotse dito dahil iniiwan namin noon ni Crystal ang mga kotse namin sa ibang lugar atsaka nga kami nagco-commute papunta dito. Pero ngayon, wala na akong pakialam kung may makakita ng kotse ko dito. Bumaba na ako ng kotse at umikot sa may passenger's door para pagbuksan siya. Binuksan ko na ang pinto pero hindi pa rin siya kumikilos. Nakatingin lang siya sa may harapan ng kotse. Tss, yumuko ako at binuhat siya palabas ng kotse. Nagulat siya sa ginawa ko. Buhat-buhat ko siya na parang bride ko ulit. "James, ibaba mo ako! Ano ba!" Isinara ko na ang pinto ng kotse. Buhat ko siya hanggang sa makapasok ng kubo. Ibinaba ko siya sa kama at siniil agad ng halik. Umiiwas siya pero hindi ko siya tinitigilan. Hinubad ko ang suot niyang dress hanggang sa tumambad na sa’kin ang malulusog niyang dibdib. I kissed her deeply habang dinadama iyon. Pilit pa rin siyang kumakawala pero patuloy pa rin ako sa ginagawa ko hanggang sa maramdaman ko ang mga luhang umaagos sa pisngi niya. "f**k!" napamura ako sa nagawa ko. Napansin ko pa ang kulay pula sa labi niya. "Sorry, sorry, sorry," paulit-ulit kong sinasabi habang yakap siya at hinahalikan ang bumbunan niya. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Tangna! Ano ba 'tong ginawa ko?! Yakap-yakap ko lang siya hanggang sa unti-unti na siyang tumitigil sa pag-iyak. "Mahal ko, huwag ka ng umiyak please," pakiusap ko sa kanya. "I hate you," mahina niyang sabi na parang pipiyok pa. "No, please,” sabi ko. "Hindi mo ako pinakikinggan, ikaw lang ba ang may karapatang magalit?” sabi niya na parang naiiyak na naman. "Patawarin mo na ako, mahal ko. Sige na naman oh. Ayaw ko lang ng nakita ko kanina habang sumasayaw ka kasama ang lalaking 'yun,” paliwanag ko. "Kababata ko si Mark at kapatid lang ang turing ko sa kanya,” paliwanag niya. "Mahal ko, naniniwala na ako sa’yo, okay?" "Kanina lang galit na galit ka sa’kin,” sabi niya. "Ayoko lang talaga na may ibang lalaking humahawak sa’yo,” pagtatapat ko. Tahimik lang siya habang yakap-yakap ko hanggang sa lumipas na ang hindi namin pagkakaunawaan. Ilang minuto ko siyang hinahaplos sa likod at sa braso habang yakap siya hanggang sa magsalita na siya. "Nakilala mo na pala siya?" tukoy niya siguro kay Karren. "Sino?" tanong ko para makasiguro. "Ang babaeng gusto nilang pakasalan mo.” "Yes, and nothing will change. Mag-asawa pa rin tayo at isa pa, nagkasundo na kami nung babaeng–" paliwanag ko pero hindi ko natapos. "Ano’ng kasunduan?" tanong niya. "Sasakyan na lang muna namin sina Papa sa gusto nila. Ang mahalaga, pareho naming hindi gusto ang pagpapakasal na 'yun,” paliwanag ko. "Eh, bakit ka nagpanggap na boyfriend niya kanina?" tanong niya. "Pinilit lang niya ako kanina dahil ex niya daw 'yung celebrant,” paliwanag ko. "Ayoko ng pumapayag ka sa mga ganun ding pagpapanggap, mahal ko,” sabi ko pa. "So, ikaw puwede?" sabi niya. "Mahal ko, napilitan lang ako kanina. Pero kapag kaharap namin ang parents namin, kailangan naming magpanggap dahil ang alam nila magkasintahan talaga kami,” sabi ko. "What?! Paano nangyari 'yun?" tanong niya. Napakalas siya sa pagkakayakap ko atsaka tumingin sa’kin. "Nagtalo kami ni Papa isang gabi at sinabi niyang kinabukasan ay makikilala ko na ang babaeng ipinipilit nilang ipakasal sa’kin. Badtrip na badtrip ako nung mga oras na 'yun kaya nagpunta na lang ako sa isang malapit na club para uminom ng kaunti,” kuwento ko. "At bakit hindi ka man lang tumawag sa’kin?" tanong niya. "Ayokong mag-isip ka pa mahal ko. Gusto ko lang magpahangin ng mga oras na 'yun. Akala ko makakapag-relax ako pero hindi pala. May tinulungan akong babae, lasing na lasing at walang kasama. Ayaw niyang umuwi kaya iniuwi ko na lang siya sa bahay at-" "Walanghiya ka!" Hinampas niya ako. "Wait mahal ko, let me finish first, please,” pakiusap ko sa kanya. "Dun ko siya pinatulog sa guest room. Kinaumagahan, kinatok ako ng maid para ipaalam sa’kin na parating na daw ang mga bisita,” paliwanag ko. Nakikinig naman siya kaya nagpatuloy ako sa pagkukuwento. "Naalala ko 'yung sinabi ni Papa na darating nga ang pamilya ng babaeng gusto nilang pakasalan ko. Naisip ko 'yung babae sa guest room, pinuntahan ko at pinagpanggap kong girlfriend ko. Naisip ko rin, baka sakaling umatras na sila sa ipinipilit nilang kasal kapag nakita nila mismo sa bahay namin ang girlfriend ko kunwari,” patuloy ko sa kuwento habang hinahaplos ang buhok niya. "Nauna akong bumaba. Sinabi ko kay Papa kaharap ang bisita na nasa bahay ang girlfriend ko. Nagalit si Papa pero nalaman ko ring hindi naman pala kasama nung lalaking bisita ang anak niyang babae na gustong ipakasal sa’kin. Tapos pagkababa nga ni Karren, nalaman naming siya pala 'yung babae na gustong ipakasal sa’kin. Hindi rin niya alam na ako 'yung lalaki." "Small world. Iyon ba dapat 'yung pag-uusapan natin?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. "Oo mahal ko,” sagot ko at hinalikan siya sa sentido. "Simula ngayon, hindi ka na puwedeng pumunta sa club,” sabi niya. "Bakit naman?" tanong ko. "Basta-basta ka na lang nag-uuwi ng babae sa bahay niyo, mahirap na,” sabi niya. "Nakonsensiya lang naman ako, mahal ko,” sabi ko. "Konsensiya ka diyan.." "Gusto mo iuwi kita ngayon sa bahay para hindi ka na magtampo?" sabi ko nang nakangiti. "Baliw!" sabi niya ng nakangiti rin. Alam naming hindi pa puwede. Kumilos ako para umibabaw sa kanya. Siniil ko siya ng halik hanggang sa kapusin na kami ng paghinga. "Simula ngayon, ako lang ang puwedeng tumawag sa’yo ng mahal ko at kahit ano pang may 'ko' dahil akin ka lang,” sabi ko. Naalala ko kasi 'yung tinawag sa kanya ng lalaking 'yun. Napatawa naman siya kaya hinalikan ko ulit siya. Maya-maya ay nagpumilit na si Crystal na bumalik sa party na 'yun. Isa pa, naisip ko rin si Karren. Pumayag na rin akong 'yung lalaking 'yun ang maghatid kay Crystal pauwi. "Mauna ka na sa loob,” sabi ko pagkarating namin. "Mahal ko ha, uuwi ka na pagkahatid mo dun kay Karren,” sabi niya. Kanina pa pala tumatawag si Karren. T-in-ext ko na lang na pabalik na ako. "Opo. At ikaw, huwag na huwag kang magpapahawak sa lalaking 'yun, binabalaan kita,” sabi ko. "Okay po. Sige na mahal ko ingat,” sabi niya na akmang lalabas na ng kotse. "Mahal ko, wala bang kiss?" sabi ko atsaka siya lumapit at naglapat ang aming mga labi. "I love you,” sabi ko nung maghiwalay na ang mga labi namin. "I love you too,” tugon niya. Nung makaalis na siya, tinawagan ko na si Karren para sabihing naghihintay na ako sa may labas. Hindi na ako pumasok sa loob para hindi na mapansin ng mga tao na sabay kaming dumating ni Crystal. "Grabe James! Kanina pa ako tumatawag sa’yo. Saan ka ba nagpunta?" tanong niya nung makasakay ng kotse ko. "May inihatid lang akong kakilala," pagsisinungaling ko. "Nawala din bigla 'yung kasama ni Mark. Don't tell me magkasama kayo? Hahaha, joke lang,” sabi niya. Tss, akala ko seryoso siya. Kakaiba talaga 'tong babae na 'to. Hindi nahihiyang sabihin lahat ng nasa isip. "Saan nga kaya nagpunta 'yung kasama ni Mark? Sabagay, madami namang biglang nawala dahil sa takot at ilan lang ang nagpaalam kay Renz. Badtrip 'yung ilaw bigla na lang namatay. May sumira daw eh,” patuloy lang siya sa pagsasalita samantalang ako'y patuloy lang sa pagda-drive. Maya-maya'y kinuha ko ang phone ko at t-in-ext si Crystal. To: Mk Sabihin mo sa lalaking 'yan mag-ingat sa pagda-drive, kung hindi mananagot siya sa’kin! From: Mk Yes sir! :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD