STEVE "Kamusta ang panliligaw mo kay Crystal ha, Steve?" tanong ni Tita Dina sa akin na nae-excite nung kausap ko sa telepono. "Mukhang hindi naman ako gusto Tita," sabi ko. Ayoko lang sabihin na hindi talaga ako gusto ni Crystal dahil ayokong ma-disappoint si Tita Dina. "Ikaw pa, kaya mo 'yan. I like her for you, pati nga mga magulang niya gustung-gusto ka, kaya gamitin mo na 'yang karisma mo sa mga babae para sagutin ka na niya," sabi ni Tita. Gusto ko naman si Crystal pero ayokong magsayang ng oras sa babaeng ayaw naman sa akin lalo at madami namang nagpapapansin sa'kin na ibang babae. Nahihiya lang siguro ako kay Tita Dina at sa mga magulang ni Crystal at siguro nacha-challenge na rin ako sa kanya dahil sa kauna-unahang pagkakataon, may nam-busted sa akin. Nasa club kami ngayon n

