CRYSTAL Niyaya ako ni Karren na pumunta sa isang coffee shop. Ikinuwento niya sa'kin 'yung mga ikinuwento na ni James sa'kin kagabi. Pero siyempre kunwari 'di ko pa alam. "Grabe, nakakahiya talaga! Babae pala 'yung Mk!" sabi pa niya. "Bakit 'di mo binanggit sa akin na may iniisip ka palang ganun sa kanila ni Mark?" tanong ko. "Biglaan kasi, kahit ako nabigla sa naisip ko, 'yun pala hindi totoo," sabi niya. "Sobra ka lang siguro mag-isip Karren," sabi ko. "Kasi naman nahahawa na 'yung isip ko sa baliw kong puso," sabi niya. Eto na naman kami sa usapang puso. Kailangan na niyang itigil ang nararamdaman niya para kay James. "Huwag ka na kasing umasa Karren. Masasaktan ka lang sa ginagawa mo," sabi ko. Tama ba 'tong sinasabi ko? Paano ko ba sasabihing itigil na nga kasi niya ang pag-a

