JAMES Ang huli kong punta kina Crystal ay nung lumuhod pa ako sa harapan ng daddy niya para lamang kausapin siya pero hindi nga ba at nabigo ako. Ilang araw lang 'yan bago namatay si Papa. Isang buwan na ngayon buhat nung mawala ang ama ko. Galit na galit si Mama nung mga araw na 'yun. Naintindihan ko naman kung bakit hindi pumunta ang mga magulang ni Crystal nung nakaburol si Papa kasi ayaw nila ng gulo pero nakarating naman sa'kin ang pakikiramay nila. Wala silang binabanggit sa'kin kung ano bang sabi ni Crystal tungkol sa nangyari kay Papa. Umasa akong babalikan niya pero wala akong nagawa at wala rin siyang ginawa para maayos. Sobrang bigat ng pakiramdam ko noon hanggang sa namanhid na lang ako sa sakit na nararamdaman ko noon. Simula nun, hindi ko na sila inusisa tungkol kay Crysta

