JAMES "Crystal!!" sigaw ko. Nasa labas ako ng bahay nila dahil walang magpapasok sa akin. Dammit! Crystal, lumabas ka naman pakiusap. Kailangan nating mag-usap. "Crystal!! Alam kong nandiyan ka!! Please mag-usap naman tayo! Huwag mo namang gawin sa'kin 'to!" sigaw ko ulit. Bakit niya ba ako pinapahirapan ng ganito?! Hinayaan ko na siya kagabi dahil baka nabigla lang siya sa mga sinabi niya sa'kin kaya ngayon nandito ako para kausapin niya ng harapan pero nagagawa niya akong tiisin! Maya-maya'y may papalapit sa kinaroroonan ko, ang mommy ni Crystal. "Umalis ka na James, pakiusap," sabi ng mommy ni Crystal nung makalapit sa akin. "Ano po bang nangyari? Tita, nagmamahalan po kami ng anak niyo, alam niyo po 'yun. Hindi ko po siya hahayaang masaktan kaya pakiusap po, kailangan ko siyang m

