JAMES "Naiintindihan ko po kayo sa desisyon niyo. Pasensiya na ho ulit sa nangyari," sabi ko sa daddy ni Crystal. Sinubukan kong kausapin ang daddy ni Crystal ng kami lang dalawa at pumayag naman ito. Nandito kami sa bahay nila sa may maliit na bar at may mga hawak kami na baso ng alak. "Ayoko ng maulit ang nangyari," sabi ng daddy ni Crystal. "Sinisiguro ko pong hindi na mauulit ang nangyari. Gusto ko rin po sanang sabihin sa inyo na nagpapasalamat ako sa pagtanggap niyo sa akin sa kompanya niyo, pero naisip ko pong mas mabuti ho sigurong umalis na muna doon para makaiwas sa gulo. Patawarin niyo ho ako kung sinayang ko 'yung ibinigay niyo sa’king pagkakataon para makapagtrabaho pero iyon lang po sa ngayon ang nakikita kong paraan para maiwasan na ang gulong nililikha ng pamilya ko. Pa

