CRYSTAL "Mahal ko, ang totoo niyan, ex ko talaga si Penelope," sabi ni James. Hindi agad ako nakapagsalita pero agad akong lumayo sa kanya sa pagkakaupo. "Mahal ko, let me explain-" sabi niya pero hindi ko siya pinatapos. "Explain? Sige nga, i-explain mo, bakit hindi mo agad sinabi?" tanong ko ng nakataas ang isang kilay. "I want to tell you personally kaya hindi ko agad nasabi sa'yo," sabi niya at akmang lalapit sa'kin. "Diyan ka lang!" banta ko sa kanya. "Ex mo pala tapos sumama ka pang magkape," sabi ko pa. "Mahal ko naman, huwag na natin siyang pagtalunan. Huwag mo na siyang pagselosan," sabi niya. "Selos? Ako? Hindi ako nagseselos!" sabi ko. "Tss, sige nga, titigan mo ako kung hindi ka nagseselos," sabi niya at tinitigan ko nga siya pero napapangiti ako kaya bigla na lang niy

