CRYSTAL Nasa mall ako at tumitingin sa isang bookstore ng mga libro tungkol sa pagluluto. Marami akong gustong matutunan tungkol dito dahil na rin sa iyon ang hilig ko lalo pa't mahilig kumain si James lalo ng mga niluluto ko. Kalalabas ko lang ng store bitbit ang mga librong binili ko nang makasalubong ang isang babae. Ang mama ni James! Napatigil ako sa paglalakad at siya rin. Ewan ko ba kung natatakot ako o nahihiya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam kong ayaw niya sa'kin kaya tumango na lang ako at aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang biglang magsalita ang kaharap ko. "Crystal right?" sabi ng mama ni James. Napatigil ako at hindi malaman kung makikipagtitigan sa kaharap ko basta ang alam ko lang ay tumango ako bilang pag-oo sa tanong niya. "Gusto kitang makausap," sabi pa ni

