bc

MARK 100

book_age18+
153
FOLLOW
1K
READ
dark
student
drama
twisted
no-couple
heavy
scary
evil
realistic earth
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Mark Vil is endowed with the ability to confine the curses that the Demon Lord inflicts on people in the human world, but this ability of his will only appear once he matures. His first family as well as his second family died at the hands of the Demon Lord. When he recognized it, he could not handle it because his whole personality was still weak, so he was told that by the time he turned 18, his ability would show and he would have to confine a hundred curses inside his body to fight back the Demon Lord and avenge the death of his parents.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Isang bata ang iniwan sa tapat ng ampunan, sisikat na ang araw nung mga oras na iwan ito ng kung sino hanggang buksan na ng tagapagbantay ang gate ng orphanage at doon niya nakita ang batang nakalagay sa basket, pero hindi katulad ng ibang bata kasi hindi siya umiiyak. Tahimik lang ang batang ito kahit pa sumigaw ang tagapagbantay ng orphanage para tawagin ang mga namamahala sa loob. Inalagaan nila ito katulad ng mga ibang bata na namumuhay kasama nila hanggang sa may dumating na ibang lahi sa lugar nila at nagbabalak na may ampunin sa mga batang hawak ng orphanage na ito. Siniyasat ng dalawang couple ang mga baby sa isang kwarto at ang una nilang napansin ay ang isang bata na hindi umiiyak habang nakahiga sa crib niya, sa bandang dulo ng kwarto kahit pa sobrang ingay ng mga ibang bata. Nilapitan nilang dalawa ang bata na hindi umiiyak habang ang ibang bata ay patuloy pa rin sa pag-iyak.  “Anong pangalan ng isang ito?” tanong ng babae habang nakaturo sa baby at nakatingin naman sa nagpapatakbo ng orphan. Hindi nagsalita ang nagpapatakbo ng orphan at tumuro lang sa harapan ng crib habang nakangiti dahil dito nakasulat ang mga pangalan nila. Tumingin naman ang mag-asawa sa tinuro ng babaeng nagpapatakbo ng orphan. “Oh, I’m sorry.” Hawak nito sa dibdib niya at ibinalik ang tingin sa bata. “So Mark pala ang pangalan mo?” baby-talk ng babae habang nakalapit ang katawan at mukha niya sa bata. “Maaari po ba naming malaman kung anong kwento ng batang ito?” tanong ng lalaki sa may-ari habang nakahawak sa crib ng bata. Lumingon naman kaagad ito. “Katulad ng ibang bata na nandito sa orphanage ay iniwan din siya ng kanyang magulang sa tapat lang ng gate namin.” Balik niya ng tingin sa bata habang nangangawa ang mata. “Pero ilang buwan pa lang siya rito, nakita na namin ang pagkakaiba niya sa ibang bata.” Balik niya na naman ng tingin sa lalaki. Nagtaka ang mag-asawa, kaya napatingin sila sa may-ari.  “Kung makikita niyo ay siya lang ang hindi umiiyak sa kanila at kung mapapansin niyo, hindi siya ngumingiti-ngiti kahit na laru-laruin niyo.” Lahad niya ng palad niya sa bata para ituro ang emosyon ng bata. Na-realize ng mag-asawa na hindi nga ito ngumingiti kahit pa hawak-hawak niya na ang daliri ng asawa niyang lalaki.  “Kahit na ngayon ay hindi pa namin siya nakikitang ngumiti o umiyak katulad ng mga bata rito sa orphanage,” sabi ng may-ari. “Pero hindi naman kami nag-aalala tungkol doon dahil naniniwala kaming mababago rin ito kapag lumaki na siya,” pahabol ng may-ari para hindi matakot ang mag-asawa, pero sa totoo lang, hindi takot ang mag-asawa. Nagtinginan muna ang mag-asawa at tumango tsaka binalik ang tingin sa babaeng may-ari. “Kukuhanin namin siya,” ani babae habang nakangiti. Ngumiti ang may-ari sa kanilang dalawa. “Kung ganun ay may kailangan lang kayong pirmahan sa office namin.” Tumalikod ang babae at naglakad na palabas ng kwarto, kaya sumunod na ang mag-asawa. Pero ang hindi nila alam ay paglabas nila ay ngumiti ang bata habang nag-ko-close open ang kamay. Naging Vil ang apelyido ni Mark matapos siyang maampon ng mag-asawang Vil, pinalaki nila ito sa alam nilang pagpapalaki. Mabait at supportive ang mag-asawa, kaya maraming naging experience si Mark sa pagkabata niya kung saan nagbago talaga ang pagkatao niya hanggang sa mag-16 siya. Isang magandang araw sana iyon para sa kanilang pamilya dahil magiging senior na siya sa pinapasukan niyang eskwelahan at tatlong taon na lang ay college na siya. Sinalubong siya sa labas ng magulang niya sa labas ng eskwelahan para i-congratulate. Niyakap niya ito ng sabay habang nakangiti  “Congratulations, anak,” bati ni Mr. Vil sa kanya. “May regalo ako sa 'yo,” ani Mrs. Vil sabay pakita ng dalang paper bag. Bumitaw silang tatlo sa yakap pero si Mark ay nakahawak pa rin sa balikat ng dalawa hanggang sa may maramdaman siyang mainit sa palad niya, kaya agad niyang inalis ang kamay niya sa balikat ng dalawa at tiningnan kung anong nangyari sa palad niya. “Bakit? Bakit?” natatarantang usisa ni Mrs. Vil kay Mark sabay hawak sa kamay nito dahil pinakita ni Mark ang palad niya sa dalawa. Walang kung anong lumabas sa palad ni Mark pero parang napapaso ngayon ang palad niya, kaya sinabi niya kaagad ang nararamdaman niya sa palad niya. “Ang init,” lahad niya ng dalawang palad sa harapan ni Mr. and Mrs. Vil. Nagkatinginan ang mag-asawa na para bang alam nila ang nangyayari sa palad ni Mark pero gusto nila itong makumpirma. “Pwede mo ba kaming hawakan ulit ng papa mo?” mahinhin na utos nito kay Mark. Nagtaka si Mark habang nakatingin sa kanilang dalawa pero tumango lang ito dahil nawawala na rin naman ang sakit sa palad niya. Muling hinawakan sila ni Mark ng sabay at muli ring napaso ang palad ni Mark, kaya agad niyang tinanggal. “Ouch, weird.” Tingin niya ulit sa palad niya. “Bakit ganun?” Lipat niya ng tingin kay Mr. and Mrs. Vil. Hinawakan kaagad ni Mrs. Vil ang braso ni Mark at tumalikod. “Bilisan natin,” madali nitong sabi pero agad din napahinto sila dahil sumigaw ng malakas si Mark kasabay ng pagbitaw ng mama niya sa pagkakahawak nito sa braso niya. “Aray!” sigaw nito. Sa sobrang lakas ay nabaling ang atensyon ng ibang sa kanya, kaya pinagtinginan sila ng mga ito. Napatingin din kaagad sa kanya si Mr. and Mrs. Vil, nakita nila si Mark na hawak-hawak ang braso niya kung saan humawak si Mrs. Vil. Hindi mapakali ang mag-asawa dahil alam nila kung ano ang nangyayari kay Mark pero hindi nila ito pwede sabihin ngayon, lalo na’t maraming tao sa paligid. Halos ilang segundo rin silang tumingin sa mga taong tumitingin sa kanila at hindi nila alam kung anong gagawin nila sa mga ito dahil maaari itong tumawag ng police at sabihing nagtataka sila na kidnap-in si Mark. Sa oras kasi na hawakan nila ito ay aaray lang ito na parang napipilitang sumama sa kanila. Kailangan nilang mag-isip kung paano nila madadala si Mark ng hindi sila nahahawakan nito o hindi sila humahawak dito ng hindi ito nagtataka, alam kasi nilang magtatanong ito nang magtatanong pero ang hindi nila alam, sa oras na ito ay nagtataka na ng sobra si Mark pero hindi niya magawang magtanong dahil sa matinding init na nararamdaman niya sa braso niya.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.3K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook