PAGKATAPOS kumain nina Lorelei at Andrei sa SkyDeck, akala niya ay uuwi na sila ngunit nagulat siya nang dinala siya nito sa beach. Agad naman niyang inilibot ang paningin sa paligid at bukod sa puting buhangin at dagat, isang beach house lang ang nakikita niya. It's obvious that it was not just a simple beach house base on the exterior. Napakaganda na nitong tingnan sa labas. What’s more when they get in? Pinagbuksan siya ni Andrei ng pinto ng kotse. Akmang bababa na sana siya nang mag-ring ang phone nito. Huminto siya at kinuha sa loob ng dala niyang purse ang phone nito para tingnan kung sino ang tumawag. Nang makita niya ang pangalan doon ni Evander ay kaagad niya iyong sinagot. “Evander, bakit?” bungad kaagad niya rito. Nakita naman niya ang mabilis na pagbabago ng mukha ni Andrei

