PAGDATING nina Lorelei at Andrei Miguel sa mansion ay hindi naman sila kaagad nito nakapag-usap dahil tumawag ang Daddy nito. “Just wait for me upstairs. I'll just talk to Dhie.” sabi ni Andrei sa kaniya at dumukwang pa para halikan siya sa kaniyang noo bago nito sinagot ang tawag ng ama nito. Tipid lang siyang ngumiti at tumango, pagkuwan ay nauna na siyang umakyat sa itaas. Dumeretso naman siya sa kaniyang kuwarto na katabi lang naman ng silid ni Andrei. Hinubad niya muna ang coat ng lalaki na hanggang nagyon ay suot-suot pa rin niya. Wala sa sariling napangiti siya at parang timang na inamoy pa niya ang coat nito. She really loves his smell. Pero nang maisip niya ang mga napag-usapan nila ay bigla na lang siyang nalungkot. She learned to love the child already. Ngunit hindi na

