“BABY, what's wrong?” Agad na nabaling ang tingin ni Lorelei sa asawa. Gulat pa rin siya sa ibinalita ni Cairu sa kaniya. Lumapit sa kaniya si Andrei at hinawakan ang magkabilang balikat niya. “Wife? Are you okay? Sino ba iyong kausap mo at nagkakaganyan ka?” may pag-aalala na sa mukha ng asawa na sunud-sunod nitong tanong sa kaniya. “Si Mom—” natigil siya sa pagsasalita nang marinig niyang tumunog ang phone ni Andrei. “Wait,” sabi ni Andrei at mabilis na dinampot ang phone nito na nakapatong sa may bedside table at agad na sinagot. “Yes. O-Okay… we’ll be there in a minute. Okay, thank you.” Nakatingin lang siya kay Andrei habang kausap nito ang tumawag dito at kita niya sa mukha nito ang kasiyahan. “Sino iyon?” tanong niya nang maibaba na nito ang tawag. “Mhie is awake. Kaya ka

