“ANDREI…” Lumuluhang sambit niya sa pangalan nito. Hindi siya makapaniwala na nakita niya itong nakatayo sa harap niya. Nakatitig sa kaniya na may luha sa mga mata. The last time she saw him, ay nakahiga ito sa lupa, walang malay at duguan dahil sa tama ng baril sa dibdib nito at sa braso nito. Kaya natatakot siya na baka kagaya ng panaginip niya bago siya nagising kanina ay gano’n din itong nangyayari ngayon. “S-Sabihin mong totoo ka at h-hindi lang ako nananaginip…” garalgal ang boses na sabi niya, hindi na rin niya napigilan at napahikbi na siya. Nakita niyang hinawakan ito ni Mhie sa braso nito. Pagkuwan ay suminyas ang ginang sa nurse na nasa gilid lang nito na lalabas na muna ang mga ito. Lumapit si Andrei sa kaniya at hinawakan nito ang kanang kamay niya. Mas lalo siyang naiy

