PAGKAPASOK ni Lorelei sa loob ng opisina ay nakita niya kaagad si Miss Andrea na nakaupo sa swivel chair sa likod ng desk. May hawak itong picture frame at doon nakatuon ang paningin ng babae. Marahan niyang isinara ang pinto at dahan-dahang naglakad palapit dito. Huminto lang siya nang may isang dipa na lang ang nakapagitan sa kaniya at ng desk. “Miss Andrea,” marahang sambit niya sa pangalan ng dalaga. Kaagad naman itong nag-angat ng tingin sa kaniya. Umayos ito sa pagkakaupo at inilapg sa desk ang hawak nitong picture frame. “Have a seat.” sabi nito at itinuro nito ang visitor’s chair na nasa tapat nito. Malumanay man ang boses nito pero naroon pa rin ang pagiging pormal at kalamigan. Mabilis naman siyang tumalima at lumapit sa upuang itinuro nito at naupo kaagad siya roon. Kinakab

