“HANGGANG kailan niyo balak na itago itong lahat sa mga kapatid niyo?” tanong ni Lorelei sa asawang si Andrei. Kasalukuyan silang nasa hospital suite ng ina nito at magkatabing nakaupo sa malaking couch na naroon. Matapos ang kunwaring libing ni Mr. Andrew Miguel Del Rio kanina ay dumeretso silang dalawa rito dahil sila ang magbabantay sa hindi pa rin gumigising na si Ma'am Ysabella. Wala ring kaalam-alam si Sir Andrew sa nangyayari sa asawa nito. Si Miss Andrea naman na inaakalang patay na talaga ang ama nito ay iniuwi na muna ni kuya Logan sa mansion ng lalaki. Si Drew Lucas naman ay agad na bumiyahe pabalik papuntang Europe dahil may pasok ito sa school at limang araw lang ang excuse nito sa University. Si Kuya Luke naman ay bumalik sa Subic kung saan nawala ang mag-iina nito para s

