TANGHALI na ng magising si Lorelei kaya pagdating ng hapon ay hindi na siya dinalaw ng antok. Nasa may front porch siya at nakaupo sa lounge chair na naroon habang nagbabasa ng baby book tungkol sa pagbubuntis na nabili niya noong isang araw sa mall. Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang nakauwi siya rito sa Cebu at noong isang buwan lang din siya nakatanggap ng tawag mula sa abogado ni Andrei na na-grant na ang annulment nila ng lalaki. Dalawang araw rin niyang iniyakan iyon pero dahil siya naman ang humiling noon kaya pinilit niyang tanggapin lahat. And her way to move on is, nag-apply siya bilang kindergarten as sub-teacher rito sa Cebu para may pagkakaabalahan siya. Natanggap din naman siya at tuwing Miyerkules at Huwebes ang klase niya. Half-day lang din iyon kaya hindi siya

