MATAGAL na naghinang ang mga mata nina Lorelei at Andrei. Pero siya rin ang unang sumuko dahil hindi niya matagalan ang malalim na pagtitig sa kaniya ng lalaki. Napasapo siya sa kaniyang dibdib habang pinakiramdaman ang sakit sa dibdib kapag ito ang kasama niya o nakikita, dalawang buwan na ang nakararaan. Pero wala, wala na iyong sakit pero iyong bilis ng pagtambol ng puso niya sa tuwing kasama niya o nakikita niya ito ay naroon pa rin. Napatawad na ba niya ito? Kung pagbabasehan niya ang naramdaman niya ay alam niyang napatawad na niya ito. Pero hindi pa siya handang makita sana ito. Gusto sana niyang bumalik na lang sa loob ng kamalig o di kaya ay umuwi na lang pero tinawag na siya ni Ate Alma. “Lorelei, hija halika!” nakangiting kumaway pa ito sa kaniya. Katabi nito ang asawa niton

