Maraming tao ngayon dito sa casino. Sa mga slots machine lang ako tumatambay, dahil mas nakukuha kong malayang mag-observe habang abala ang lahat. Nakapagsabi na ni Hunter sa akin na nasa Italy na siya. Ipinaalam ko namang nandito ako sa casino. Hahayaang ko muna itong maging abala sa Italya, habang ako ay abala rito. Naghihintay lang ako na matanggap ng lahat ng mga narito ang mensahe na ipadadala ni Xepona. Ilang minuto na lang iyon. For sure, in-hack ni Xepona ang computer dito sa casino. Narito rin naman kasi ang mga information ng mga suki ng casino na ito. Nakita na ako ni Roan X kanina. Siya ang in charge sa casino ngayong gabi. Habang patuloy pa rin si Diether sa paghahanap ng kanyang anak. Si Mirroah, wala pa akong balita sa kanya. Bukod sa itinawag ni Papa Silas na humihi

