"Parang awa n'yo na po. Tiyak na hahabulin kami ng mga Lopez. Baka bawiin pa ang mga bata, at patayin kami. Please po, please po! Tulungan n'yo po kaming makalayo sa bayang ito. Gusto lang naming makasama ang mga anak namin." Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi lang simpleng pagtulong itong pinasok ko. Mas komplikado pa dahil hindi lang pagtakas sa mansion ang kailangan ng mga ito. Pati na rin ang pagtakas sa mismong bayan, at mismong buhay ng mga Lopez. "Sandali... pag-iisipan ko muna." Tiyak na kapag nakaabot sa aking ama-amahan ang ginawa ko'y malilintikan ako rito. Pero nandito na. Kailangan ko na lang panindigan. "Ma'am?" lumuhod ang isa. Iyong pinakapayat. "May kaya po ang family ko. Kailangan ko lang maipaalam sa kanila na buhay ako. Tiyak na tutulungan po nila ako." "Tanga." Anas

