Lahat na yata nang dahilan ay narinig ko na sa mga yaya at mga guards. Nagising na wala na ang mga bata. Wala raw talagang ingay na nalikha ang mga pumasok ng mansion. Iyon namang nakatokang guards ay mabilis daw silang inatake ng isang lalaki, at sinaktan. Obvious naman sa mga pasa sa mukha nila. Tulala na lang ako. Masyadong malakas ang loob ang kalaban na pasukin ang mansion, at gawin na lang ano mang gusto nito. Istrikto ako sa mga anak mo, may pagkakataon na nauubusan ako ng pasensya sa kanila. Pero mahal ko ang mga anak ko. Mahal ko sila, kaya para akong nababaliw ngayon kaiisip sa kalagayan nila, ngayong wala sila sa poder ko. Halos hindi pa napalitan ang mga gamit dito sa sala dahil sa pagbabasag na ginawa ko no'ng hindi ko na makontrol ang galit ko. Ngayon ay naiisip ko na

