Hindi ko makuhang tignan si Hea. Si Hunter ay gumilid para makaupo si Hea sa tabi ng kanyang ina. Tapos si Hea na rin ang humawak ng phone ni Hunter. "Walang sasagot sa tanong ko? Magwawala ka rito. Babasagin ko ang lahat ng mga gamit na narito." Pagbabanta ni Hea. Iyong sweet girl na palagi kong kasama sa apartment ay parang wala na. Parang ang bilis nag-mature. Kayang-kaya na ngang magbanta. "Yes, pamangkin ako ng mommy mo." "Ibig sabihin ay pinsan kita at pinsan mo rin ang kuya ko---" "Of course not!" mabilis na tanggi ni Hunter. "Ah, magpinsan nga lang din pala kami sa father side. Pero paanong pamangkin ka ng mommy ko without informing me? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi n'yo sa akin ipinaalam ito? Ayaw mo bang maging pinsan lang ako?" "Hea, sobrang gusto ko. Gusto ko ngang ma

