Roan X "Sinasabi ko na nga ba!" hiyaw ni Uncle Silas. "Dahil hindi natin nahanap ang batang iyon, ngayon ay binibigyan tayo nang maraming problema. Kung napatay lang sana natin si Wolf noon, wala sana tayong problema." Napatay? Naguguluhan ako. Na-recall ko na kung sino si Wolf De Rama. Never ko itong na-meet. Pero naging bukambibig ng aking ama, dahil nga genius daw ang batang lalaki na iyon. Ngunit nagkaroon ng m******e. Sinunog ang lahat ng mga nasa Hacienda De Rama. Mabuti nga ay nakatakas ang aking ama at ang mga kaibigan n'ya. "Mukhang siya rin ang tumapos sa mga kaibigan natin, Silas. Naghihintay siya sa ginawa natin sa Hacienda De Rama." "Ginawa n'yo? Anong ginawa n'yo sa hacienda De Rama, Dad and Uncle?" hindi ko na napigilang magtanong. Sobrang naging maingay ang kaguluhang n

