Darating na ng Apolina sila Papa para bisitahin ang mga Lopez. On the way na nga sila. Pero on the way na rin akong plantahan ng mga bomba ang mga casino. Dumating naman sina Xepona at Aaron. May katulong na ako sa pagkilos. Ang mga guards lang naman ang naroon. Madali lang nabigyan ang mga ito ng warning. Pagkatapos ng labinlimang minutong na pagkakataon para tumakas ay pinasabot namin ng sabay-sabay ang lima pang casino. Ang pinakamalayong branch dito sa Apolina na huli naming pinuntahan, pagdating pa lang namin ay mabilis na naming na setup ang mga bomba. Si Xepona ang naiwan sa sasakyan. Habang ako at si Aaron ang pumasok sa loob at nagparte sa mga dapat gawin. Sa ibaba lang kami naglagay, dahil oras na bumigay naman ang ibaba ay hindi rin naman mapapakinabangan ang itaas na palapa

