C-120

4205 Words

Stephen "What happened?" iyon ang tanong agad ni Columbus pagpasok n'ya at ni King sa silid ko. Sila ang may dala ng tray na puno ng hapunan ko. Walang kagana-ganang tinignan ko lang ang mga ito. Saka ibinalik sa TV ang atensyon. "Stephen." Muling tawag ni Columbus. "Anong problema mo? Kung kailan pa tayo tumanda ay saka ka pa na grounded ni papa?" pabirong ani ni King. Inilapag nila ang dala nila sa coffee table. Saka lumapit sa akin at hinarap ako. "Kung sasabihin mo sa amin ang problema ay baka makatulong kami." Panghihikayat ni King. Pero tikom pa rin ang bibig ko. Kapag sinabi ko sa kanila ay baka mas mauna pang mag-impake ang mga ito at magtungo sa Apolina. Mapanganib ang ginagawa ni Lupita, kapag sinabi ko sa dalawa at bigla silang sumulpot doon ay baka ikapahamak lang nila. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD