"Lordddd!" mariin kong inapakan ang preno. Halos mangudngud ang sakay ko na kanina pa tinatawag si Lord. Muntik na talagang humampas ang mukha nito, muntik na siyang kunin ni Lord. Nakangising sinulyapan ko ito. "Kaya mo pa?" tanong ko. Hindi naman ito naglakad o tumakbo. Pero hingal kabayo ito. Putlang-putla ito. Nangangatal pa ang kanyang labi sa labis na kaba. "H-indi! Hindi na. Napakasama mo talaga. Wala kang kasing sama." Napaiyak na ang lalaki. Natigilan ako nang literal na umiyak ito. May luhang bumabagsak sa kanyang mga mata. "M-akisig!" "Wala ka na talagang pag-asa sa mundong ito. Wala kang kwentang tao. Hindi ka siguro mahal ng magulang mo kaya ka ganyan... mali, mahal ka ni Mang Dan. Pero para ka pa ring kulang sa pansin. Ang sama-sama mo talaga." Bumungisngis ako. Hindi

