"Makisig, nakakita ka na ba ng bisugong nalunod?" tanong ni Hunter sa lalaki. "Hindi pa, hindi naman nalulunod iyon. Dahil isda ang bisugo, 'di ba?" "Gusto mo bang makakita?" dagdag pang tanong ng asawa ko. "Hunter, hayaan mo na muna. Makisig, ipag-lechon mo na lang kami. Ngayon siguro ay maipapatikim mo na sa akin iyan." "Aba'y magpaalam ka sa daddy mo, tapos ako na ang bahalang magluto." "Sige na, Makisig." Narinig pala ni Daddy Danilo iyon. Kaya agad nang sumang-ayon. "Tulog na itong bata." Agad na tumayo si Luche para sana kunin ang anak n'ya. Pero ako na ang mas naunang nakalapit. "Ako na. Magkape ka at kumain." Binuhat ko ang baby. Nakailang baby na ba akong nabuhat? Mukhang nasasanay na ako, ah. Umupo rin ako sa bakanteng upuan sa harap nito, para abot tanaw lang n'ya. Tinab

