"Kailangan n'yong makabalik agad dito. Dahil hindi rin alam nila mommy na wala kayo." 3 am pa lang ay gising na ako. Nang mabasa ko ang mensahe ni Luchelot ay agad ko nang ginising ang asawa ko. Saka nagbilin lang ako kay Dwight ng ilang pang bagay para sa mag-inang nailigtas namin. Saka kami umalis ni Hunter kasama si Mar. Ako sana ang driver, pero hindi pumayag si Hunter. Kaya ang ending ay si Mar na ang nagmaneho. Hindi rin namin ito isinama sa hacienda, nagpahatid kami sa palengke. Saka kami nag-taxi pauwi. Naglakad lang din kami papasok sa hacienda. "Saan kayo galing?" takang ani ni Tita Mariella nang tamang papasok kami. "Naglakad-lakad lang po kami ni Kuya Nimrod." Sagot ko. "Mommy, nauna lang po akong umuwi dahil naiihi ako." Sagot ni Luchelot. "Oh, I understand! Medyo maaga

