"Dwight?" bungad ko nang sagutin ko ang tawag ng lalaki. Tulog pa si Hunter. Hindi kinaya ang performance ko kagabi. Napahaba tuloy ang tulog nito sa kwarto. Nakaligo na ako, nagkakape na rin habang plakado ang makeup at ang orange na leather skirt ko. Ang pares no'n ay orange rin na croptop. Pasalamat na lang talaga at matibay ang sikmura ko sa lamig. Malapit na ang pasko, malamig na lalo na sa madaling-araw at umaga. Pero matibay pa rin ang aking sikmurang expose na expose. "Dumating ang ilang tauhan ng ama mo. Balak na n'yang ipatapos ang kaibigan n'ya. I think nagtalo sila kagabi. Tapos nanghihingi na naman ng tulong si Mirroah. Narinig kong nagbanta siya sa Papa Silas mo na ilalabas ang baho nila. Tungkol yata sa mga De Rama. Kaya ngayon ay may mga tauhan si Aguarde rito." "Wher

