"Relax. Wala akong balak manggulo sa inyo." Nakapagbihis na kami. Maayos kaming humarap sa pinsan ko na may ngisi sa kanyang labi. "Iniwan mo si mommy?" iyon agad ang naging tanong ni Hunter sa kapatid n'ya, well pinsan lang n'ya talaga. "Nagpaalam ako kay mommy. Babalik din agad ako ng Italy, Kuya Hunter. Nabo-bother lang kasi ako. Baka pinalitan mo na ang pwesto ko sa buhay ng pinsan plus best friend ko." "Hea!" "What? Nandito lang ako para tiyakin na ako pa rin ang best friend mo." Napairap pa ito. "Of course, ikaw lang ang best friend ko." Sagot ko sa babae na parang batang gumastos pa talaga ng plane tickets pauwi para lang sa dahilan nito ngayon. "Mabuti naman. Nandito rin ako para hiramin ka ng isang araw sa kuya ko. Gusto kitang masolo. Makausap. Maka-bond. Kapag nagreklamo k

