"Love?" agad tumayo mula sa couch si Hunter at sinalubong ako. Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula rito. Dito na ako dumeretso sa mansion ni Hunter. Mas magandang manatili muna rito, kaysa mahuli kami ni Papa Silas. Pagkatapos n'ya akong pakawalan sa mahigpit na yakap ay iginiya naman n'ya ako patungo sa couch na iniwan n'ya. Naupo siya, ako naman ay naupo sa lap n'ya. "Nakausap ko na rin si Kuya Columbus, love. Hindi ko pa alam ang final decision n'ya. Pero naniniwala pa rin naman akong makikinig siya sa sinabi ko sa kanya. Medyo may halong pananakot na nga iyon." Sumandal pa ako sa dibdib nito. "Lupita, tatlo pa sa illegal business ni Silas ang binabantayan ng mga tao ko. Ready rin silang wasakin ang mga iyon." "Makakaatake lang naman tayo nang lubusan kapag napilayan na an

