152

1596 Words

Iginala ko ang tingin sa apartment na kinaroroonan ko ngayon. Pinaplano na nila Mama Cora ang bakasyon nila. Habang si Kuya Columbus ay wala pang kamalay-malay sa mga nangyayari. Narito ako ngayon sa apartment ni Luz, ang kasintahan ni Kuya Columbus. Nasa kwarto pa si Kuya Columbus... tulog. Inilipat dito ang babae dahil hindi maganda ang kondisyon nang tinutuluyan nito. Hindi rin naman kayang mag-stay ni Kuya Columbus sa gano'n estado ng lugar. "Kape," ani ni Luz. Saka inilapag ang tasa na may lamang umuusok pa na kape. Hindi ako kilala ng babae, hindi rin nito alam na ako talaga ang tunay na 'L'. Si Xepona ang naatasang humanap ng babaeng pwedeng pumalit sa akin. Hindi na nga lang kailangan mabunyag ang lihim ko. Mas lalo dahil alam kong masaya si Kuya Columbus sa buhay n'ya ngayon. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD