"Wala ka pa ring magandang balita?" tanong ni Papa Silas. Sa araw-araw na tumatawag ito ay iyon palagi ang bungad n'ya sa akin. "Hindi mo naman yata ginagawa ang trabaho mo?" napasulyap ako kay Kuya Stephen at Kuya King na tahimik na nakikinig. Sumenyas silang ituloy ko lang. "Inuubos na iyong mga illegal business ko, pero wala pa ring balita kung sino ang gumagawa nito sa akin. Lupita, kumikilos ka ba?" "Pa, ang hinihingi ko lang po ay kaunti pang panahon. Ginagawa ko po ang best ki---" "Putangina mong bata ka, best mo? Kung ginagawa mo ang best mo sana ay mayroon ka nang magandang balita para sa akin." Galit na mura nito sa akin. Nagsimulang mangilid ang luha ko. Pero kunwari'y sinusubukan ko namang pigilan iyon. "Pa, huwag mo naman po akong murahin. Sinusubukan ko po. Hindi po ako in

