Iyong skills ng mga tauhan ni Hunter sa driving ay hindi rin talaga pahuhuli. Habang mabilis ang takbo ng mga sasakyan ay hindi ko maiwasang ma-excite. Tinatahak namin ang daan patungo sa Norte kung saan walang gaanong sasakyan sa mga oras na ito. Wala ring madadamay kung magkalapit na kami at ang mga humahabol. "Desperado talaga." Dinig kong ani ni Hunter. Sumulyap ako sa likod. Nangunguna iyong sasakyan na pinaglulanan ni Papa Silas sa mga humahabol sa amin. "Pwede na siguro rito?" tanong ko. Wala naman ng mga bahay at establishment. Tamang lugar para isagawa namin ang plano namin. "Okay, dito na lang tayo." Huminto ang sasakyan. Rinig na rinig ang tunog ng mga gulong sa biglang paghinto. Ano na lang kaya ang mararamdaman ni Silas Aguarde kapag natalo siya sa habulang sinimulan n'y

