"Tulungan n'yo ako. Tulungan n'yo akong mabawi ang anak ko." Iyon ang hinagpis ng babaeng nakasalampak sa gilid ng kalsada. Mayroon karatula na hawak-hawak. Kung pagmamasdan itong mabuti ay kaawa-awa talaga. Pero walang pumapansin dito. "Tulungan n'yo akong mabawi sa Diether Lopez na iyon ang anak ko. Parang awa n'yo na." Atungal pa nito nang iyak. Nanghingi ako ng papel kay Daddy Danilo. Hinihintay namin si Makisig na siyang nag-deliver ng gulay na naani sa farm. "Hindi po akong papel at ballpen." Pukaw ko sa matandang nakaupo sa driver seat. Inabot naman agad nito iyon sa akin. Mabilis akong nagsulat. Saka pinunit iyon at bumaba ng jeep. Lumapit ako sa babaeng natigil sa pag-iingay. Hinawakan ko ang kamay nito at inipit ang papel na pinagsulatan ko ng numero. "If you need help, taw

